310 episodes

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!

The Linya-Linya Show Ali Sangalang and Linya-Linya

    • Comedy

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!

    307: Nananatili w/ Bullet Dumas

    307: Nananatili w/ Bullet Dumas

    Umupo kami ng musikero at makatang si Bullet Dumas, nag-usap, nag-isip, at pinadaloy lang ang usapan.

    Napunta kami sa proseso ng paglikha, sa pagpapahalaga sa hindi pa ganap, sa tsamba, sa raw, sa draft, sa mga bagay na nananatili at lumilipas. Naglalakad-lakad kami sa makulit at malupit nyang utak.

    Tulad ng mga awitin ni Bullet, malaman, masaya, at masarap pakinggan ang kwentuhang ito.

    Listen up, yo!

    • 1 hr 24 min
    306: Touchdown, Ali & Reich - The Engagement & The Proposal

    306: Touchdown, Ali & Reich - The Engagement & The Proposal

    Mabuhay ang bagong ikakasal!

    Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage! 

    Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa’t isa. BOOM!

    Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo!

    • 1 hr 3 min
    305: Solo Flight & Stage Fright w/ Ali Sangalang

    305: Solo Flight & Stage Fright w/ Ali Sangalang

    Yo, yo, yo! Heto ngayon si Ali, nagsosolo!

    ‘Wag sana kayong mabibigla, Fellow-22s, kung wala tayong guest for today’s pod. Consider this a one-on-one session with your host, Ali Sangalang!

    Trying something new, nakakatakot, nakakakaba. Kasama na diyan ang pagsasalita nang mag-isa. Pero siyempre, nakakapagod din ang laging may kausap, lalo, iba’t iba ang kaharap na may iba’t ibang puso at utak. Kaya naman ang episode na ito, ituring nating isang form ng pahinga at paghinga.

    Pakinggan ang malapitan at malupitang thoughts ni Ali sa paggawa ng podcast, pagharap sa maraming tao, at pag-handle sa hurdles tulad ng impostor syndrome at stage fright.

    Ready ka na ba makinig? Wag nang mag Ali-nlangan pa. Stream na!

    • 29 min
    304: Mommy Diaries - Lutong Nanay Is Life

    304: Mommy Diaries - Lutong Nanay Is Life

    Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM!



    Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at pagbabalik ng pagmamahal ang episode na ito para sa kanya. 3



    Happy Mother's Day sa lahat ng minamahal nating mga ina! Have Inay's Day! Listen up, yo!

    • 35 min
    303: I Am Morena w/ Ayn Bernos

    303: I Am Morena w/ Ayn Bernos

    Anuman ang kulay ng balat, welcome sa usapang ito. 

    Swerte tayo, dahil bumista sa Linya-Linya HQ at Linya-Linya Studio ang content creator, children’s book author, multimedia host, youth empowerment advocate, beauty queen, at superwoman– si Ms. Ayn Bernos. BOOM!

    Samahan niyo kami sa isang masaya at meaningful na kwentuhang kayumanggi: ang pagtingin ng mga FIlipino sa pagkakaroon ng morenang balat, ang obsession ng iilan sa pagpapaputi, at kung paano nga ba natin mas mamahalin ang sarili nating kulay.

    Punong-puno ng kaalaman at heartfelt moments ang episode na ito, kaya listen up, yo!

    • 1 hr 18 min
    302: Ituloy ang kuwento w/ Patricia Evangelista

    302: Ituloy ang kuwento w/ Patricia Evangelista

    Sa ikalawang pagkakataon, mapalad tayong makasama sa The Linya-Linya Show ang premyado at matapang na mamamahayag, ang author ng best-selling, eye-opening book na "Some People Need Killing: A Memoir of Murder In My Country," si Patricia Evangelista. Ang kaibahan, harap-harapan na natin syang nakausap. Ang kwentuhan: Tungkol sa pagkukuwento. 

    Bago mamayagpag, paano nga ba nagsimula ang kuwento ni Pat sa larangan ng pamamahayag? Para sa kanya, what makes a good story? Paano nya natitipa kung kakuwento-kuwento ang isang kuwento? Sa kabila ng pagsuot sa pinakamadidilim na sulok ng komunidad, ano nga ba ang nakikita nyang liwanag?

    Samahan nyo kami sa kuwentuhang ito. Kasama kayo sa kuwento.

    • 1 hr 22 min

Top Podcasts In Comedy

The Joe Rogan Experience
Joe Rogan
Call Her Daddy
Alex Cooper
Eshtry menny - اشتري مني
The Potcast Productions
ShxtsNGigs
shxtsngigs
مع كامل احترامي - Ma3 Kamel A7terami
Mohamed Abdelaty
كفاية بقى - Kefaya Ba2a
Alaa El Sheikh