Mamatay Na Nagtanong Podcast Gad, Jenn Ab, and Lawrence Ipsum
-
- Society & Culture
Ano'ng meron sa podcast na 'to? Sino ang mga hindot na 'to para pakinggan ng mga tao? Samahan kaming mga hindi naman masyadong relevant na tao as we talk about things na wala naman masyadong ambag sa lipunan—from pop culture to adulthood issues and existential crises.
-
Episode 10: The GM Era of Texting
uZtA p0e mGa b3h? MaY cLaN nB aNg Lh4T? Samahan kami sa isang jejemon-filled nostalgia episode kung saan sasariwain natin ang mga araw kung saan isang good morning text lang, sapat na—pero naka-send to many. 'Wag kakalimutan mag-register sa unli, baka mabawasan ang load!
-
Episode 9: Unexpectedly Profound Movies
Minsan may mga pelikulang gugulantang talaga sa'yo e. Akala mo saktong chill lang, saktong background noise lang dapat, pero BOOM! Hooked ka na kasi may substance pala siya talaga. In this episode, we will share the movies that surprised us—movies we never thought were profound.
-
Episode 7: Miss Ko Na Mag-Commute! (At Iba Pang Kwentong Byahe)
Metro Manila commute could be so toxic, pero sinong mag-aakala, na sa mahigit isang taon nating hindi pag-byahe byahe ay may mga mami-miss din tayong mga bagay dito? Kwentuhan lang tayo ng mga sabaw moments at iba pang riot na experiences natin sa pagco-commute. Tara, angkas na dito!
-
Episode 6: Top 5 All-Time Favorite Music Videos
Bago magkaroon ng smart phones at social media, isa sa mga tanging libangan lang natin ay makinig ng music at mag-abang ng mga music video sa TV. Anong era ka ng pagiging music video fanatic? Naabutan mo ba ang MTV sa free TV? Isa ka rin ba sa mga nag-aabang ng kanta ng F4 sa MYX? Dinanas mo ba 'yung pag-aantay ng mahigit limang minuto para lang mag-buffer 'yung Youtube video na gusto mo panoorin? Tara, look back lang tayo sa mga paborito nating music videos growing up!
-
Episode 5: Ukay Ukay, Thrifting, and Reselling
Your resident ukay whores discuss thrifting online and thrifting in local ukay shops and the quote, unquote scandals of gentrification of ukay stuff by resellers. Bonus: mej useful tips 'pag mag-u-ukay from us. lol
-
Episode 4: Young Burikats (The Landi Stories of our High School Life) Part 2
Few weeks ago, nag-release ng re-recorded version ng Fearless si ate mo Taylor Swift. Bilang resulta, nanumbalik sa aming mga alaala ang mga kalandian ng aming pagbibinata't pagdadalaga.