240 episodes

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

Barangay Love Stories Barangay LS 97.1 Forever! | GMA Network

    • Society & Culture
    • 4.8 • 28 Ratings

These are the weekly stories of love, life and hope (ang mga kuwento ng buhay, pag-ibig at pag-asa) from the listeners of Barangay LS 97.1 FM. Listen to Papa Dudut as he reads the letters of our 'Kabarangays' heartfelt experiences. The dramatization will bring you closer in feeling the joy, pain and everything in between of love & life. Siguradong relate-much ka dito.

    Episode 241: "Buntis"

    Episode 241: "Buntis"

    Hindi madaling limutin ang pag-ibig na buong akala mo ay totoo na. Kaya minsan, kahit masakit pipilitin mong magtiis maisalba lamang ang pag-ibig na iyun. Ganun ang nangyari kay Jessa, nang makilala niya si Raul binigay niya ang sarili niya nang buong-buo sa pag-aakalang siya na ang natatanging pag-ibig para sa kanya. Ngunit nang malaman ni Raul na menor edad pa lamang si Jessa, ilang ulit niyang sinubukang itigil ang lihim nilang relasyon ngunit mas humigpit lang ang kapit ni Jessa sa kanya. Hanggang sa wala na siyang ibang magawa kun'di itanan si Jessa para maitago ang pagbubuntis nito. Masaya na sana si Jessa dahil akala niya pananagutan siya ni Raul pero mas hihirap lang pala ang sitwasyon lalo na nang ipakilala sa kanya ang misis ni Raul. Pakinggan ang kwento ni Jessa sa Barangay Love Stories.

    • 58 min
    Episode 240: "Bangketa"

    Episode 240: "Bangketa"

    Bata pa lamang si Anastacio nang mamatay ang kanyang mga magulang, tatlo silang magkakapatid at wala silang choice kun'di ang makitira sa masungit nilang tiyahin. Pero hindi nagtanggal ay tumakas sila sa bahay na 'yun dahil hindi na nila kaya ang pangmamaltrato sa kanila. Lumaking mag-isa si Anastascio dahil iniwan siya ng kanyang mga kapatid pero buti na lang ay nakilala niya si Lucas, ang kaibigang makakatuwang niya sa hirap ng buhay at magpapagaan sa nahihirapan niyang puso. Pakinggan ang kwento ni Anastacio sa Barangay Love Stories.

    • 57 min
    Episode 239: "Sekyu"

    Episode 239: "Sekyu"

    Nagtatrabaho bilang isang security guard ng bangko si Arnel. Nang makita niya ang batang lansangan na si Dondon na pilit sinusubukang basahin ang tarpaulin ng milk tea, tinulungan niya ito. At doon nga nagsimula ang pagkakaibigan ng dalawa, pareho man silang may pinagdaraanang hirap sa buhay hindi iyun naging hadlang kay Arnel na tulungan si Dondon. Pangarap niya kasi sanang maging teacher, at si Dondon na nga ang tutupad ng pangarap na iyun kahit saglit lang. Walang sukatan ang tulong. Maliit man o malaki, ang tulong ay tulong. Pakinggan ang kwento ni Arnel sa Barangay Love Stories.

    • 51 min
    Episode 238: "Pamana"

    Episode 238: "Pamana"

    Nang ikasal si Evelyn kay Melbert, tumira muna sila sa bahay ng pamilya ni Melbert pero plano rin talaga nilang bumukod. Ngunit nang magkaroon na nga sila ng munti nilang bahay, hindi pa rin sila makaiwas sa gulo na dala ni Remjun at Cora na kuya at hipag ni Melbert. Nung minsang magkasakit si Melbert at hindi na talaga alam ni Evelyn kung saan siya makakahingi ng tulong, kay Remjun siya lumapit pero hindi ito pumayag na tumulong. Kaya naisip na lang nila na ibenta kalahati ng lupang ipapamana kay Melbert. Naipagamot ni Evelyn ang kanyang asawa at bumuti ang lagay nito pero nang malaman nina Remjun na nagbenta sila ng lupa, halos magpatayan ang magkapatid dahil sa sama ng loob. Kapag lupa na ang awayan, nakakalimutan talaga ng iba kung sino ang kadugo nila. Pakinggan ang kwento ni Evelyn sa Barangay Love Stories.

    • 53 min
    Episode 237: "Huwaran"

    Episode 237: "Huwaran"

    Walang magulang ang may gustong maligaw ng landas ang kanilang mga anak. Kahit naging rebelde si Susan noong kabataan niya, hindi ganung kinabukasan ang pinangarap niya para sa kanyang anak na si Shamara. Marumi, magulo, at nakakadiri - iyan ang pwedeng itawag sa nakaraan ni Susan. Naging kabit siya nang hindi niya alam at para sa kapakanan ng anak niya, pinagpatuloy niya ito kahit pa hindi niya gusto. At nang malaman ito ni Shamara, wala siyang ibang ginawa kun'di kamuhian ang kanyang ina. Kahit pilit nang tinutuwid ni Susan ang mga pagkakamali niya mukhang hindi siya agad patatahimikin ng kanyang mga pagkakasala sa nakaraan.

    Pakinggan ang kwento ni Susan sa Barangay Love Stories.

    • 54 min
    Episode 236: "Macho Dancer"

    Episode 236: "Macho Dancer"

    Madalas ang mga taong humuhusga sa atin ay mga taong hindi natin kilala. Pero kapag mahal sa buhay na ang nangmamata sa atin, sino ba namang hindi masasaktan.

    Hindi kinakahiya ni Joey ang trabaho niya bilang macho dancer, lalo pa't alam niya sa sarili niya na wala naman siyang ginagawang masama. Dahil mabilis ang kita  rito, ito ay trabahong hindi niya mabitawan agad kahit pa halos itakwil siya ng kanyang nagbibinatang anak. Pero hindi na muna importante 'yun dahil mas mahalaga sa kanya na mapakain ang kanyang munting pamilya at higit sa lahat maipagamot ang sakit na sinisikreto ng kanyang asawa.

    Pakinggan ang kwento ni Joey sa Barangay Love Stories.

    • 58 min

Customer Reviews

4.8 out of 5
28 Ratings

28 Ratings

Top Podcasts In Society & Culture

You Might Also Like