4 min

Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules PAULINES

    • Religion

Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules

Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: MARCOS 10:32-45

Sa paglakad ng mga alagad paahon sa Jerusalem, nanguna si Hesus at nagtaka sila. Natakot naman ang mga kasunod nila. Muli niyang isinama ang Labindalawa at habang nasa daan ay sinimulan niyang sabihin sa kanila ang mga sasapitin niya: “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano. Pagtatawanan nila siya, luluraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit babangon siya pagkatapos ng tatlong
araw.” Lumapit noon kay Hesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.”
“Ano ang gusto n'yong gawin ko?” “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.” “Talagang
hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na
ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime
at Juan. Kaya tinawag sila ni Hesus, at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo, ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”

Pagninilay:

Sa ating Ebanghelyo ngayon, hiniling nina apostol Santiago at Juan na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kung sakaling maghahari na siya sa mundo. Tanda ito na hindi pa nila lubusang naiintindihan kung anong klaseng paghahari ang gagawin ni Hesus sa mundo.

Maghahari si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod nang may pagpapakumbaba. Mag-aalay siya ng kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang
pinaglilingkuran. Ang tunay na paglilingkod ay may
pagsasakripisyo ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Minsan kailangan nating pag-isapan ang mga praktikal na katanungan gaya ng: Hindi kaya magaling, may kakayanan, at mas naka-aangat ako sa buhay ay dahil mas malaki ang responsibilidad kong tumulong at maglingkod sa iba? Hindi kaya mas maraming biyaya ang aking natatanggap dahil mas malaki ang aking oportunidad at
responsibilidad na tumulong sa mga nangangailangan? — Ito marahil ang ibig sabihin ni Hesus sa ating Gospel: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat matutong maglingkod sa inyo.” Sa huling yugto ng ating buhay, walang paunahan sa Muling Pagkabuhay. Diyos ang huhusga sa atin, kung nararapat tayong magkamit ng biyaya ng Muling Pagkabuhay. Ang sukatan ng Diyos ay kung gaano
tayo nagmahal—ibig sabihin kung gaano natin pinahalagahan ang isa’t isa, at hindi kung gaano kadami ang nalalaman natin at nakamit nating tagumpay sa
buhay. Ganyan tayo nakikiisa sa plano ng Diyos kooperasyon, hindi kompetisyon.

Manalangin tayo: O Hesus, inalay mo ang iyong sarili upang ako’y maligtas mula sa kasalanan. Turuan mo akong
makapaglingkod din sa iba nang may pagpapakumbaba. Amen.