3 min

JUAN MIGUEL SEVERO SCANDAL at PANULAAN Juan Miguel Severo Scandal At Panulaan

    • Artes visuales

JUAN MIGUEL SEVERO SCANDAL AT PANULAAN

Usap-usapan si Juan Miguel Severo
Usap-usapan dahil sa eskandalo
Dahil sa alegasyong sexual harrasment rito
Pero bago pa man ito
Malaon na syang materyal ng kwento,
Bilang mahusay sa spoken word poetry ito.

Kaalinsabay halos ng hugot lines,
Sumikat sa bansa ang ganitong katha
Kaya akala ng iba na ang tula'y papawala,
Nagkakamali kayo ng inaakala.

Normal na katulad ng ibang likha,
Dumadaan ito sa iba't-ibang babala
Ngunit inaanak ay panibagong mukha,
Ebolusyon at inobasyon
Sya nating gawing eksplanasyon.

Ito rin marahil ang dapat kong paliwanag,
Kaya't itong balitula akoy tinawag,
Ngunit ayaw kong ariing akin,
Dahil kung inyong mapapansin,
Matagal na itong ginagawa sa atin.

Hinamig lang ako nitong pausuhin
Mula ng sa panulaan ako'y akitin
Kuya Tiago sa kanyang sulatin,
Nagpasikhay muli sa aking damdamin.
At ng mabasa minsan ang isang tulain,
Balitulang pamagat,syang ginamit ko na rin.

Kaya't kay Ka Enchong na Blogger
Ako po'y inyong patawarin,
Pamagat nyo'y aking inikit din
Tingin ko nama'y hawig ating naisin.

Inaral ko si Mark Logan
pati na rin si Jack Logan,
Prinsipe Makatang matugma,
Hinalawan ko rin ng katha.
At lahok ay pusong makabansa.
Kaya islogang aming ginawa
Balita sa Masa, Tula ng Konsensya.

Maski ngani historikong pagsisimula
Inalam ko dangan lang at di naitala
Ngunit sa ilang mga hinuha,
Libong taon maari yata.

Pinasadahan mga epikong tula,
Gilgamesh, Mahabarata o Ramayana,
Pati kay Homer na Odyssey at Iliad,
Na sa Darangan ng Mindanao ay tulad.

Soneto ni Shakespeare at Petrarca
Hanggang sa panahong Elizabeth I na Reyna,
Tumungo ng Satire at Restorayson
Hanggang Romantiko at Rebolusyon

Pati panulaang kumalat hanggang Amerika,
Sulating gyera ng Jamaica,
Nobel Prize ni Tagore ng India,
At syempre pa ang sarili nating wika.

Binalikan ko ri'y bugtong nati't sawikain,
Pati tanagang puno ng talinhaga,
Pati dulang lahok pambanyaga,
Maging Kay Balagtas na maimpluwensya
Lalong higit ang Florante at Laura;
Paterno,Marcelo,Rizal at Isabelo,
Hanggang kay Jose Batute at Amado
Hanggang tulaan ng pinatay si Aquino,
Nakarating ako ng tulang moderno,
Patungo sa panahon ng una kong kwento
Si Juan Miguel Severo.

Don't forget to follow,like and subscribe our fb, YouTube,tiktok @balitulaphilippines

#ShareShareShare
#balitula

JUAN MIGUEL SEVERO SCANDAL AT PANULAAN

Usap-usapan si Juan Miguel Severo
Usap-usapan dahil sa eskandalo
Dahil sa alegasyong sexual harrasment rito
Pero bago pa man ito
Malaon na syang materyal ng kwento,
Bilang mahusay sa spoken word poetry ito.

Kaalinsabay halos ng hugot lines,
Sumikat sa bansa ang ganitong katha
Kaya akala ng iba na ang tula'y papawala,
Nagkakamali kayo ng inaakala.

Normal na katulad ng ibang likha,
Dumadaan ito sa iba't-ibang babala
Ngunit inaanak ay panibagong mukha,
Ebolusyon at inobasyon
Sya nating gawing eksplanasyon.

Ito rin marahil ang dapat kong paliwanag,
Kaya't itong balitula akoy tinawag,
Ngunit ayaw kong ariing akin,
Dahil kung inyong mapapansin,
Matagal na itong ginagawa sa atin.

Hinamig lang ako nitong pausuhin
Mula ng sa panulaan ako'y akitin
Kuya Tiago sa kanyang sulatin,
Nagpasikhay muli sa aking damdamin.
At ng mabasa minsan ang isang tulain,
Balitulang pamagat,syang ginamit ko na rin.

Kaya't kay Ka Enchong na Blogger
Ako po'y inyong patawarin,
Pamagat nyo'y aking inikit din
Tingin ko nama'y hawig ating naisin.

Inaral ko si Mark Logan
pati na rin si Jack Logan,
Prinsipe Makatang matugma,
Hinalawan ko rin ng katha.
At lahok ay pusong makabansa.
Kaya islogang aming ginawa
Balita sa Masa, Tula ng Konsensya.

Maski ngani historikong pagsisimula
Inalam ko dangan lang at di naitala
Ngunit sa ilang mga hinuha,
Libong taon maari yata.

Pinasadahan mga epikong tula,
Gilgamesh, Mahabarata o Ramayana,
Pati kay Homer na Odyssey at Iliad,
Na sa Darangan ng Mindanao ay tulad.

Soneto ni Shakespeare at Petrarca
Hanggang sa panahong Elizabeth I na Reyna,
Tumungo ng Satire at Restorayson
Hanggang Romantiko at Rebolusyon

Pati panulaang kumalat hanggang Amerika,
Sulating gyera ng Jamaica,
Nobel Prize ni Tagore ng India,
At syempre pa ang sarili nating wika.

Binalikan ko ri'y bugtong nati't sawikain,
Pati tanagang puno ng talinhaga,
Pati dulang lahok pambanyaga,
Maging Kay Balagtas na maimpluwensya
Lalong higit ang Florante at Laura;
Paterno,Marcelo,Rizal at Isabelo,
Hanggang kay Jose Batute at Amado
Hanggang tulaan ng pinatay si Aquino,
Nakarating ako ng tulang moderno,
Patungo sa panahon ng una kong kwento
Si Juan Miguel Severo.

Don't forget to follow,like and subscribe our fb, YouTube,tiktok @balitulaphilippines

#ShareShareShare
#balitula

3 min