9 episodes

Mga jam ni Brian Dys

Brian Dys Brian Dys

    • Music

Mga jam ni Brian Dys

    Cascadians School Song (instrumental)

    Cascadians School Song (instrumental)

    https://www.briandys.com/cascadians-school-song/

    ---

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

    ---

    Andito ako ngayon para i-share sa inyo na nalalapit na ang pagtatapos ng school year ni Bryce (anak ko na 6 years old).

    Tinanong ko siya kung anong nararamdaman niya na sa susunod na buwan, iba na ang makakasama niya sa klase. Ok lang daw, kasi makakausap pa rin naman niya yung mga kaibigan niya online, at tsaka maglalaro pa rin sila ng Roblox.

    Mukhang mas may sepanx pa kami ni Jaycelle kesa sa kanya dahil gusto namin yung adhikain ng Cascades (yung school ni Bryce ngayon). Sustainability and creativity, independence, practicality --- ilan lang yan sa mga salitang mailalarawan ko para sa school. Dahil nga lumipat na kami ng tirahan, meron mas malapit na school dito, at gusto naming subukan.

    Balik tayo sa sepanx. In retrospect, sadyang nakakalungkot ang mga graduation dahil alam nating hudyat ito ng crossroads ng mga magkakabarkada. Dito rin nasusubok kung gaano katibay ang pisi na nagco-connect sa sa'yo at sa bespren mo. Sa totoo lang, habang inaalala ko yung mga graduation, mas excited ako sa bakasyon. Yung pagkikita namin ng mga katropang kaklase, para bagang nasa school lang ang context, may bakasyon din. May kanya-kanya nga naman tayong mga buhay.

    Sa kabila ng lahat, bawat pinto na sinasarhan natin, tayo ay pumapasok sa bagong yugto ng ating buhay. Mga aral at maturity ang baon natin sa mga bagong daang tatahakin, mga bagong taong makikilala, at higit sa lahat mga kaibigan na aalagaan kahit pa magkakaiba na ang ating mundo.

    ---

    Anyway, para sa pagtatapos na'to ng school year ng anak ko, nag-compose siya ng isang kanta at ako lang ang tumipa ng kwerdas. Tara, jam na tayo!

    [Music]

    Ayos, sana ay nagustuhan niyo.

    Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 5 min
    Essemy (Jaycelle's Birthday Song) (instrumental)

    Essemy (Jaycelle's Birthday Song) (instrumental)

    https://www.briandys.com/essemy-jaycelles-birthday-song/

    ---

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

    ---

    Andito ako ngayon para i-share na naga-alsa balutan na kami ngayon, ako, si Jaycelle, at si Bryce. Tama, lipat-bahay. Hindi ko eksakto alam kung bakit parang lumiliit na ang tirahan namin ngayon, pero ang sigurado ako ay napapanahon na ang pagbabago. Positive change, ika nga.

    Ok, hindi literal na alsa-balutan ang nangyayari, ok? Kundi packing. Imagine meron kaming 3 balik-bayan boxes. Yung una doon, sasama sa amin. Yung pangalawa, ibebenta. Yung pangatlo, ibibigay. Kaya pagdating sa bagong tirahan, mas magaan ang dalahin, bagong simulain.

    Payo ko lang, lahat ng pupunta sa kung aling kahon, pag-agreehan niyo ng kasama mo sa bahay para lahat maishoo-shoot sa tamang kahon. Ok?

    Itong kanta ko ngayon ay pinamagatang "Essemy" --- isang kantang dedicated namin ni Bryce para kay Jaycelle nung birthday niya.

    ---

    Anyway, jam na tayo!

    [Music]

    Ayos, sana ay nagustuhan niyo.

    Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 4 min
    Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)

    Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)

    https://www.briandys.com/rasyon-ng-inspirasyon/

    ---

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

    ---

    Naaalala niyo pa ba nung magsimula ang covid lockdown dito sa Manila? On-going pa noon ang ashfall mula sa Taal volcano, kaya mag stock na kami ng masks. Magkasunod na pagsubok bumagsak sa ating lahat. Makalipas ang ilang buwan tsaka ko naramdaman ang kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko parang bangkang may butas ang ating bansa pagdating sa pandemic response. Isang araw, lumabas sa TV si Leni at nagpahayag ng mensahe ng pag-asa. Literal na tumindig ang balahibo ko dahil tsaka ko lang na-realize na pwede pala akong kumapit sa gobyerno.

    Ito sa harapan ko ang isang tao na nakatayo sa gitna ng kaguluhan, nagsasabi na ito ang mga pwede nating gawin para 'di tayo maglugmok ng epekto ng pandemya --- sa kalusugan at ekonomiya. Salita lang ang mga 'yon pero napakalaking bagay para sa akin na maging matatag at harapin ang takot.

    Anong klaseng Pilipinas ang gusto ko para sa sarili at para sa pamilya ko? Pilipinas na nagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao. Isang bansang makatarungan at patas. Isang bansang pinamumunuan ng mga tao na responsable sa kanilang mga tungkulin sa bayan. At higit sa lahat, isang bansa na nangingibabaw ang pag-asa. Pag-asa ang gas at langis natin upang bumangon at magpatuloy, upang maging mabuti unang-una sa ating sarili at sa isa't-isa. Sa pamamagitan ng pag-asa tayo yayabong.

    Nagpapasalamat ako sa'yo, Leni, dahil para sa akin naipakita mo kung ano ang posible para sa isang pinuno. Ang pagiging matino at pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa.

    Para sa inspirasyon na dulot mo ang kantang ito. May mga ilang salita akong naisulat na nagsisilbing pundasyon ng gusto kong sabihin sa kanta:

    ---

    Tuloy-tuloy lang

    Huwag pigilan

    Ang pagbuhos ng rasyon ng inspirasyon



    Tindig-balahibo

    Solusyon

    May pag-asa



    May takdang araw

    May araw-araw

    ---

    Ang mismong eleksyon, isang araw.

    Ang buhay natin, araw-araw.

    Lahat tayong mga Pilipino ay nasa iisang bansa. Nasa iisang bangka. Magkakaiba tayo at magkakasama tayo. Isang matapat na pamumuno ang pinanghahawakan natin para patuloy tayo sa paglayag.

    ---

    Anyway, jam na tayo!

    [Music]

    Ayos, sana ay nagustuhan niyo.

    Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 7 min
    Tingin Ngiti (instrumental)

    Tingin Ngiti (instrumental)

    https://www.briandys.com/tingin-ngiti/

    ---

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

    ---

    Andito ako ngayon para i-share sa inyo ang isang bagay na lagi kong gustong matutunan: ang pag-celebrate ng relationships. Syempre, sa maraming paraan natin pwede gawin ito tulad ng mga dates, mga love letters, at kahit ang simpleng pag-appreciate sa mga ginagawa ng taong pinahahalagahan mo. 

    Sa akin, isang paraan ko para i-celebrate ang relationship ko kay Jaycelle ay gumawa ng kanta bilang pag-alala sa love story naming dalawa. Iba itong kanta na ginawa ko ngayon dahil meron syang lyrics commemorating that story of ours.

    Hindi ako kakanta ngayon kasi 'di pa ako ready. Babasa na lang ako ng isang verse:

    Isang tingin ang namagitan sa atin

    Isang sulyap na puno ng lihim

    Nagkakwentuhan, nagkakiligan

    Ako ba'ng nasa YM status mo?

    YM status? Kung inabutan niyo yan, mga tito tita na kayo hoy! Gaya ko :P


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 7 min
    New Song 4 (instrumental)

    New Song 4 (instrumental)

    https://www.briandys.com/new-song-4/

    ---

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.

    ---

    Andito ako ngayon para i-share sa inyo na nadale ng hot glue yung kaliwang daliri ko kaya nahirapan akong bumuo ng chords na may bar. Sakto pa naman, kinakapa ko yung kanta na binuo ko nung 2003. Hindi ko siya ma-figure out nang maayos dahil mukhang may matataas na tono na kinakailangan ng bar, kaya ibang version ang nabuo ko mula sa kantang yun.

    Ang na-realize ko sa nangyaring ito ay una, huwag magtanga-tangahan sa paghawak ng hot glue, kasi hot nga at glue pa --- mainit at malupit dumikit. Pangalawa, gumawa ka ayon sa kakayahan mo. Kahit ano pa man ang kundisyon mo, try pa rin nating mag-create. Gawin mo yung nagpapasaya sayo.

    Itong kanta ko ay pinamagatang, New Song 4.


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 6 min
    Lubay (instrumental)

    Lubay (instrumental)

    Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat!

    Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer.



    ---

    Andito ako ngayon para bumati sa inyo ng happy Chinese new year! Padaluyin natin ang magandang suerte sa pamamagitan ng pag let go sa mga 

    nakaraan --- mapabagay man yan o pangyayari. Hindi man siya madali, kailangan nating subukan.



    Sa pag let go lang tayo makaka-move on nang mas magaaan kesa dati. Sa ganitong paraan din magkakaroon ng puwang muli ang mga bago at mas 

    magagandang bagay sa buhay natin.



    Related sa letting go and moving on itong tutugtugin ko, na nagsimula sa isang set ng chords na ayaw akong lubayan, parang siyang LSS. Parati ko siyang tinutugtog para mahanap ko yung tamang timpla pero hindi ko talaga makuha.  Parang gusto niyang ipanganak sa mundo regardless sa hitsura niya. Ganun pa man, tatapusin ko na siya para lubayan niya na ako.



    Ang title ng kantang ito ay Lubay.



    ---



    Anyway, jam na tayo!



    [Music]



    Ayos, sana ay nagustuhan niyo.



    Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!


    ---

    Send in a voice message: https://podcasters.spotify.com/pod/show/briandys/message

    • 2 min

Top Podcasts In Music

Doing Music
Ableton
Sidetracked with Annie and Nick
BBC Sounds
Queer The Music: Jake Shears On The Songs That Changed Lives
Mercury Studios
One Song
SiriusXM
Song Exploder
Hrishikesh Hirway
Dissect
The Ringer