2.000 episodi

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

PAULINES Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

    • Religione e spiritualità

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

    Mabuting Balita l Mayo 5, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 5, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 5, 2024



    Ikaanim na Linggo ng Muling Pagkabuhay






    Ebanghelyo: Juan 15, 9-17

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Katulad ng pagmamahal sa akin ng Ama, gayundin naman ang pagmamahal ko sa inyo. Manatili kayo sa pagmamahal ko. Kung tutuparin ninyo ang aking mga utos, mananatili kayo sa pagmamahal ko katulad ng pagtupad ko sa mga utos ng aking Ama at ng pananatili ko sa kanyang pagmamahal. Sinabi ko sa inyo ang mga ito upang mapasainyo ang
    kagalakan ko, at maging ganap ang galak ninyo. Ito ang utos ko: Magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pagmamahal na hihigit pa kaysa
    pag-aalay ng sariling buhay alang-alang sa mga kaibigan niya. Mga kaibigan ko kayo kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo itinuturing
    na mga utusan sapagkat hindi alam ng utusan kung ano ang ginagawa ng kanyang panginoon. Itinuring ko naman kayong mga kaibigan sapagkat ipinaalam ko sa inyo
    ang lahat ng narinig ko mula sa aking Ama. Hindi kayo ang humirang sa akin kundi ako ang humirang sa inyo at itinalaga ko kayo para matagpuang namumunga,
    at manatili ang bunga ninyo. At ipagkakaloob sa inyo ng Ama anuman ang hilingin ninyo sa kanya sa Ngalan ko. Iniuutos ko nga sa inyo na magmahalan kayo.”



    Pagninilay:

    Meron ka bang matalik na kaibigan? O sa tawag ng mga kabataan ngayon, BFF? Kilala ka ng BFF mo – ang lakas at kahinaan mo, ang mga paborito mo at ayaw mo. Alam niya ang lahat ng mahalaga sa iyo, ang mga problema at mga sikreto mo. At BFF mo siya dahil kahit alam niyang lahat
    ito, alam mo na tanggap ka niya kahit ano ka pa at mahal ka niya. Kapanalig, Alam mo ba na ito ang sinasabi ni Jesus sa ebanghelyo ngayon: BFF kita kasi sinabi ko sa iyo lahat ng sikreto ko! Sa katunayan po, ang salitang Griyegong ginamit dito ay mas angkop na isaling
    'minamahal' o 'beloved' sa halip na kaibigan. Itinuturing tayong beloved, minamahal ni Jesus. Huminto tayong sumandali at hayaan nating pumasok ang katotohanang ito hindi lang sa ating isipan kundi sa ating puso at kalooban. MINAMAHAL! Hindi na tayo nag-iisa. Meron na tayong takbuhan sa panahon ng kagipitan at pagdurusa. May kasama tayo anuman ang mangyari, at hindi niya tayo pababayaan. Pinadarama at pinaaalaala niya sa atin na mayroon tayong Ama sa langit: Amang mapagkalinga at mapagmahal. Kapanalig tumingin ka sa paligid mo at balikan mo ang karanasan mo sa mga nakaraang araw. Naranasan mo ba ang pagkalinga at pagmamahal ng Diyos? Nagpasalamat ka ba? Naging BFF ka din ba sa Kanya? Naibahagi mo ba ang pagmamahal niya sa iba? Lalo na sa mga taong nalulungkot o yung aburido at puno ng galit? Baka kailangan din nilang marinig ang mga sikretong ipinahayag sa iyo ni Jesus – pwede bang i-share mo ito sa kanila?












     

    • 4 min
    A Thought A Day | May 5, 2024

    A Thought A Day | May 5, 2024

    A Thought A Day | May 5, 2024



    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp



    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.



    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay



    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/



    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:



    G-CASH: 09686313280



    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    • 5 min
    Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado

    Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado

    Mabuting Balita l Mayo 4, 2024 - Sabado


    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  







    Ebanghelyo: Juan 15: 18-21

    Sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kung napopoot sa inyo ang mundo, alamin ninyo na ako muna bago kayo ang kinapootan. Kung kayo’y mula sa mundo, inibig na sana ng mundo ang sariling kanya. Ngunit napopoot sa inyo ang mundo dahil hindi kayo mula sa mundo kundi ako ang humirang sa inyo mula sa mundo. Tandaan ninyo ang sinabi ko sa inyo: ‘Walang utusang mas dakila sa
    kanyang panginoon.’ Hindi ba’t inusig nila ako? Uusigin din kayo. Tinupad ba nila ang aking salita? Gayon din nila tutuparin ang sa inyo. Dahil sa ngalan ko nila gagawin ang mga ito laban sa inyo, sapagkat hindi nila nakikilala ang
    nagpadala sa akin.”

     

     

    Pagninilay:

    May mga taong ang tiwala at pag-asa ng kanilang buhay ay nakasalalay lamang sa kanilang kapangyarihan at kayamanan. Nabubuhos ang buong kalooban sa
    pag-tatamo ng mga materyal na bagay, hindi ma-satisfy kahit napakayaman na, patuloy pa rin ang pagnanasa na magkamal nang mas marami pang kayamanan. Ang
    mga materyal na bagay ba, kapangyarihan at katanyagan ay makapagbibigay ng kaligayahan sa atin? Siguro marami sa atin, ang isasagot ay oo, pero anong klaseng kaligayahan? Panandalian lamang. Dahil ang mga ito ay ang kaligayahang ibinibigay ng mundo. Hindi nakaugat sa pag-ibig na nagmumula sa Diyos. Ang sabi nga ni Hesus sa Mabuting Balita na narinig natin: “kung tayo’y taga-sanlibutan, mamahalin nito tayo…” Kapanalig, napakalaking temptation talaga na ilaan natin ang buong puso at kalooban sa materialistic pursuits, to the point na nakalimutan na natin kung bakit narito tayo sa mundong ibabaw. Ani Hesus, “kung ‘di tayo taga-sanlibutan, kapopootan nito tayo.” Ang ibig sabihin, kung ibibigay
    natin ang buong puso at kalooban sa pagsunod sa mga yapak ni Hesus dito natin matatagpuan ang tunay na kaligayahan, pero maging handa tayo kung makaranas
    tayo ng persecution at kapootan ng mundo. Maraming uri ng persecution ang nangyayari sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa ating panahon ngayon. Merong mga
    taong hina-harass at binu-bully ng mga matataas at ng may kapangyarihan sa lipunan dahil sa kanilang pagtulong sa mga mahihirap at inaapi. Marami ding mga Christians ang pine-persecute dahil sa pagsasabuhay nila ng kanilang pananampalataya. Talamak din ang pambu-bully na nagaganap sa social media lalo na kung ang ating
    prinsipyo at paniniwala ay taliwas sa kalakaran ng mundo. May mga taong ayaw ng katotohanan, mas gugustuhin pa ang mamuhay sa kadiliman at kasinungalingan. Pero sabi ni Hesus, huwag matakot kung tayo man ay makaranas ng mga panlalait at pag-uusig, dahil ganoon din ang ginawa sa kanya.


    - Sr. Pinky Barrientos, fsp l Daughter's of St. Paul

    • 4 min
    A Thought A Day | May 4, 2024

    A Thought A Day | May 4, 2024

    A Thought A Day | May 4, 2024



    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp



    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.



    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay



    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/



    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:



    G-CASH: 09686313280



    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    • 5 min
    Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 3, 2024 – Biyernes

    Ikalimang Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay           








    Ebanghelyo: Juan 14:6-14

    Sinabi ni Hesus kay Tomas: “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang sinumang nakalalapit sa Ama liban sa pamamagitan ko. Kung nakilala sana ninyo ako, nakilala rin ninyo ang aking Ama. Ngunit kilala na
    ninyo siya at nakita ninyo siya.” Sinabi sa kanya ni Felipe: “Panginoon, ituro mo na sa amin ang Ama at sapat na sa amin.” Sumagot sa kanya si Hesus: “Diyata’t matagal na panahon na ninyo akong kasama at hindi mo pa ako kilala,
    Felipe? Sa pagkakita sa akin ninuman, ang ama ang nakita niya. Papaano mong masasabi: ‘Ituro mo sa amin ang Ama’? Hindi ka ba naniniwalang nasa Ama ako at nasa akin ang Ama? Hindi mula sa sarili ko sinasabi ang mga salitang binibigkas ko. Sa akin nanunuluyan ang Ama, at siya ang gumagawa ng kanyang mga gawa. Maniwala kayo sa akin na nasa Ama ako at nasa akin ang Ama. Kung hindi dahil sa akin, maniwala kayo dahil man lamang sa mga gawa. Talagang-talagang sinasabi ko sa inyo, magagawa ng nananalig sa akin ang aking ginagawa; at mas dakila pang mga bagay ang kanyang gagawin. Sapagkat sa Ama ako papunta. Anumang hingin n’yo sa Ngalan ko’y gagawin ko upang luwalhatiin ang Ama sa Anak. At kung sa aki’y may hihingin kayo sa Ngalan ko, gagawin ko iyon.”

     

     Pagninilay:

    Kamakailan, nakasalubong ko ang isang babae na humingi ng blessing. Pagka-bless niya, nangilid ang luha. “O bakit? Anong nangyari?” tanong ko. “Pwede po ba kayong
    makausap sandali?” sabi niya… Tumango ako at
    pinakinggan ang kanyang kwento. Galing pala siya sa isang simbahan para humingi ng payo sa pari, pero wala daw itong panahon dahil abalang-abala. Sinubukan din
    ng babae na kausapin ang isang madre, pero hindi rin siya pinakingan. Kaya sabi niya, “Salamat, sister, dahil ikaw ang naging mukha ng Diyos para sa akin ngayon.”

    Sa Mabuting Balitang narinig natin, hiniling ni Felipe kay Hesus na ipakita sa kanya ang mukha ng Diyos Ama, at masisiyahan na siya. Kahit matagal na nilang kasama si Hesusay hindi pa rin nila siya nakikilala – na kaisa niya ang Diyos Ama. kapanalig, nilikha tayong lahat sa wangis ng Diyos. Pinalalalim mo ba ang pagkilala mo sa Panginoon sa panalangin at pag-aaral ng kanyang Salita? Nagtataglay ang bawat isa sa atin ng natatanging katangian ng Diyos. Ano ang katangiang ipinagkaloob niya sa iyo? Paano
    mo maipapakita ang mukha ng Diyos sa iba sa araw na ito?

     

    Sr. Rose Agtarap, fsp l Daughter's of St. Paul

    • 3 min
    A Thought A Day | May 3, 2024

    A Thought A Day | May 3, 2024

    A Thought A Day | May 3, 2024



    You are listening to the daily gospel reflections with Sr. Cloth, fsp



    This podcast is brought to you by the Paulines Multimedia. It is our mission to Bring the WORD of GOD to all peoples, through sounds and images, voices and music. Come and join us as we share “A THOUGHT A DAY”.



    #pray #withme #gospel #reflection

    #Paulines #DaughtersOfStPaul #GospelPower #aThoughtaDay



    For more spiritual nourishment please visit: https://store.paulines.ph/



    HELP US MAINTAIN THIS PROGRAM

    Send your donations and love offerings to:



    G-CASH: 09686313280



    METROBANK (Dollar Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-2-51400590-1

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    METROBANK (Peso Account)

    BRANCH: Skyland Plaza, Makati

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 514-3-51430769-6

    SWIFT CODE: MBTCPHMM



    BDO (BRANCH: Leveriza-Libertad)

    ACCOUNT NAME: The Provincial Superior of the Pious Society of the Daughters of St. Paul, Inc.

    ACCOUNT NUMBER: 002620011465

    • 6 min

Top podcast nella categoria Religione e spiritualità

Anima Ribelle Podcast con Ellis De Bona
Ellis De Bona
Tara Brach
Tara Brach
The Astrology Podcast
Chris Brennan
Taccuino celeste
Riccardo Maccioni - Avvenire
21 giorni di meditazione
Media Data Factory
Come ci si prepara a vivere nel Fiat Supremo
Don Leonardo Maria Pompei

Potrebbero piacerti anche…