The Linya-Linya Show Ali Sangalang and Linya-Linya
-
- Umorismo
Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo!
-
309: Daddy Diaries - Mastering the Art of Lifelong Learning
Happy Father’s Day sa lahat ng tatay natin sa buhay, Fellow-22s!
Para ipagdiwang espesyal na araw na ito, kasama natin ulit, walang iba kundi ang best dad na si Engr. Rene Sangalang!
At alam niyo bang halos kasabay ng Father’s Day ay ang 100th Anniversary ng MAPUA, kung saan rin graduate si daddy? Kaya naman ngayon, tatalakayin natin ang colleges experiences ni Daddy Rene sa university, pati na ang advocacy nya for further studies! Lahat ito, nakatulong, hindi lang sa kanyang career, pero pati na sa kanyang passions in life!
Kaya para sa students at students of life, para sa atin ito-- maglabas na ng notebook at ang daming learnings dito! Listen up yo! -
308: Bagyo at Brownout w/ Charles Tuvilla
Bagyo, yo, yo! Tag-ulan na naman. Nakahanda na ba kayo, mga fellow 22s?
Sa episode na ito kasama natin, isa sa ating longtime friend at kausap, walang iba kundi si Charles Tuvilla! Mula pa sa Dallas, Texas. BOOM!
Ngayon, napag-usapan namin ni Charles ang karanasan nating mga Pinoy sa bagyo, at sa kapatid nito, ang brownout! Sari-saring kuwento sa Pilipinas at sa Texas ang naibahagi ni Charles at Ali, mula sa mga bagyo sa Novaliches at Ilocos, hanggang sa mga ipu-ipo at kidlat sa Dallas.
Naging parte na nga ba ng kulturang Pinoy ang bagyo, brownout, at mga kalamidad? Pag-isipan at pag-usapan natin ‘yan. Listen up, yo! -
307: Nananatili w/ Bullet Dumas
Umupo kami ng musikero at makatang si Bullet Dumas, nag-usap, nag-isip, at pinadaloy lang ang usapan.
Napunta kami sa proseso ng paglikha, sa pagpapahalaga sa hindi pa ganap, sa tsamba, sa raw, sa draft, sa mga bagay na nananatili at lumilipas. Naglalakad-lakad kami sa makulit at malupit nyang utak.
Tulad ng mga awitin ni Bullet, malaman, masaya, at masarap pakinggan ang kwentuhang ito.
Listen up, yo! -
306: Touchdown, Ali & Reich - The Engagement & The Proposal
Mabuhay ang bagong ikakasal!
Eto ang pasabog na balita namin sa inyo, Fellow-22s– nag-touchdown na ang relasyon nina Ali at Reich, at nag-landing na sa engagement stage!
Talagang kikiligin ka, matutuwa at matututo sa kuwento ng proposal ng dalawa, at sa insights kung paano nga ba nila na-realize na sila na ang para sa isa’t isa. BOOM!
Humanda na para sa emotionally mature na kuwentuhang ito. Yo, yo, yo, listen up, take down notes & spread the love, yo! -
305: Solo Flight & Stage Fright w/ Ali Sangalang
Yo, yo, yo! Heto ngayon si Ali, nagsosolo!
‘Wag sana kayong mabibigla, Fellow-22s, kung wala tayong guest for today’s pod. Consider this a one-on-one session with your host, Ali Sangalang!
Trying something new, nakakatakot, nakakakaba. Kasama na diyan ang pagsasalita nang mag-isa. Pero siyempre, nakakapagod din ang laging may kausap, lalo, iba’t iba ang kaharap na may iba’t ibang puso at utak. Kaya naman ang episode na ito, ituring nating isang form ng pahinga at paghinga.
Pakinggan ang malapitan at malupitang thoughts ni Ali sa paggawa ng podcast, pagharap sa maraming tao, at pag-handle sa hurdles tulad ng impostor syndrome at stage fright.
Ready ka na ba makinig? Wag nang mag Ali-nlangan pa. Stream na! -
304: Mommy Diaries - Lutong Nanay Is Life
Ngayong Mother's Day, muli kong nakasama sa show para sa isang special episode si Mommy Olive Sangalang. BOOM!
Habang abala sa pagluluto, hinatak ko muna sya para magrecord ng episode. Pinagkwentuhan namin ang kanyang culinary journey-- mula sa pagiging self-taught sa kusina, sa mga diskarte nya para mapagkasya ang hain sa lamesa, hanggang sa patuloy nyang paghahanda ng baon sa amin kahit matatanda na. Love language talaga ni Mommy ang paghahain ng masarap na pagkain, kaya tamang pasasalamat at pagbabalik ng pagmamahal ang episode na ito para sa kanya. 3
Happy Mother's Day sa lahat ng minamahal nating mga ina! Have Inay's Day! Listen up, yo!