7 episodes

Rants/ Random Thoughts/ Personal

Clx Srn Clix Soriano

    • Society & Culture

Rants/ Random Thoughts/ Personal

    Panghihinayang

    Panghihinayang

    Kung para saan man ang ginagawa nyang pagtakas, paglayo o pagdistansya.

    Ito ay patungo sa isang dako.

    Ang paglisan.

    Pag-iwan sa mga dapat ay matagal nya ng binitawan.

    Pag-iwan sa mga ala-alang hindi na dapat sya ginagambala.

    Itinali mo siya ng matagal.

    Pinabayaan na walang alam na para bang hangal.

    Karapat-dapat bang maranasan ito ng isang tao na ang gusto lamang ay magmahal?

    Pag-iwan ang ginawa mo sa taong kayang manatili sa tabi mo.

    Pangungulila ang ipinaramdam mo sa taong kaya sayo magparamdam nang hindi ka nag-iisa.

    Pagtangis ang isinukli mo sa mga galak na ibinigay nya sa mga panahong wala kang dahilan para maging masaya.

    Inuna ang iba kaysa sa tulad nya na ikaw ang inuna bago ang sarili nya.

    Hinuli mo sya dahil alam mong maiintidihan ka.

    Pinabayaan mong mamatay ang nararamdaman nya.

    Ngayon ay hinahanap mo na ito dahil hindi nya na ito ginagawa sayo.

    Na hindi na ikaw ang nakikinabang sa kaya nyang ipagkaloob kaninuman na kaya syang pahalagahan.

    Hinahanap mo ang hindi mo pinakita nung nakikita ka nya.

    Gusto mong muling maramdaman ang nakaraan na sinayang.

    Sino ka para hingin ang hindi mo naibigay nung mga panahong kailangan nya?

    • 1 min
    Baka Ayaw Na Talaga

    Baka Ayaw Na Talaga

    Marami tayong bagay na hindi kailangan. 

    Tampuhan. 

    Iyakan. 

    Sumbatan. 

    Pero nagpabaya ka. 

    Tayo yata.

    Nagparaya na lang dahil mukhang di na yata natin talaga kayang maisalba ang mga nararamdaman. 

    Ang dami nating oras ngunit mas marami dito ang nasayang. 

    Ang dami nating panahong na pinagsamahan na ginawa na lang nating ala-ala ng kahapon. 

    Ang daming beses na lumaban ngunit mas naging matimbang na piliin na lamang ang pagsuko at hindi na magpatuloy. 

    Binawi ang pagkakataon na magsasama tayo hanggang dulo. 

    Tandaan mo na lang na minahal ka hanggang sa huli kahit pinipilit mong hindi

    • 46 sec
    Teka Muna

    Teka Muna

    May mga nagawa kang alam kong hindi pa maaring gantihan. 

    Hindi dahil sa hindi kaya kundi sa kadahilanang magulong tao pa ako sa ngayon.

    May mga nakaraang nagturo sakin ng masasakit na leksyon.

    Hindi ikaw ang may gawa nito. 

    Hindi ko rin sinisisi ang mga nauna sayo. 

    Sadyang habang nadaragdagan ang numero sa buhay ng tao ay mas lalo itong nagiging komplikado. 

    Ang gusto ay biglang ayaw na, at ang mga dahilan minsan ay hindi na rin malaman. 

    Ang madali ay nagiging mahirap hanggang sa hindi na lang susubukan. 

    Magsisimula ngunit mawawalan ng ganang tapusin. 

    Sasabihin sa sariling “hindi ito para sa akin.”

    Hindi ako umaayaw. 

    Ayoko lang masayang. 

    Hindi ko isinasara ang pagkakataong subukan ito lalo na kung ikaw ang kapareho. 

    Sadyang hindi pa lang talaga ito ang tamang panahon para sakin. 

    Ako ang magiging “magandang umaga” mo at ikaw ang magiging paboritong takip-silim. 

    Ikaw ang magiging lilim sa tanghali pero sa ngayon, huwag lang muna tayong magmadali.

    • 1 min
    Kung Saan Ako Binitawan

    Kung Saan Ako Binitawan

    Pagkatapos nito, ayoko na. Ayoko na muna. Gusto ko ng pahinga. Gusto ko ng espasyo upang maghilom para sa susunod na pahina. Kailangan ko ng sapat na oras upang mapag-aralan tanggapin ang nawala at matutunang magpatuloy sa kung anong natira. Kailangan kong maniwala na kaya ko pa. Kailangan kong magkaroon ng lakas tumayo kahit dahan-dahan. Kailangan kong umusad. Hindi man ganun kabilis, ang mahalaga ay hindi ako manatili kung saan ako naiwanan. Kung saan ako binitawan.

    • 37 sec
    Nandito ako/Nandito ka.

    Nandito ako/Nandito ka.

    Sa magulong mundo na kung saan lahat tayo ay hinahanap ang kaligayahan sa kahit anong paraan habang ang iba ay sumuko na at tinanggap ng walang para sa kanila at ang pag-ibig ay di na nila makikita dahil pakiramdam nila ay tinalikuran na sila ng tadhana para sa ganitong bagay, nandito ako. Nandito ka. Lumalaban. Sumusubok. Walang kasiguraduhan kung kaiba tayo o matutulad lang din tayo sa kanila.

    Sa mundo na kung saan ang una ay nakakadala, nakakatakot kahit hindi pa nasusubukan. Kung saan nakakabahalang maging masaya dahil pakiramdam mo ay babawian ka nito ng isang matinding lungkot. Nandito tayo, sinusubukang ayusin agad ang mga pagkakamali ng isa’t-isa upang magkaroon ng masasandalan upang magtagal.

    Sa mundo na kung saan madali ng sumuko ang tao at nawawala na ng tiwala na makamit ang nais nila, nakapaloob tayo sa kaisipang kung hindi man maging maayos ang ngayon, may bukas para bumawi, may bukas para mas maging maayos

    • 1 min
    Kung Hindi Man

    Kung Hindi Man

    A Freestyle Spoken Poetry inspired by Glaiza De Castro's London



    Ang pinakamasakit na parte sa salitang “tayo” ay ang katotohanang walang nabuong ganito sa pagitan ng ikaw at ako.

    Habang ako ay dahan-dahang lumalapit, lumuluwag naman ang iyong pagkakakapit.

    Naiinggit ako sayo.

    Dahil mas mahal ka ng sarili ko kaysa sa sarili nya mismo.

    Ang sabi nga nila, kapag may isang taong naglakas loob na ipaglaban ka, bigyan mo sya ng laban na alam mong hindi sya dehado sa umpisa.

    Ngunit bakit hindi pa man ako nagsisimula ay tila ba nasa dulo na ako ng karera.

    Sisimulan ko pa lamang ay tila ba ang pag-asa sa akin ay pasara na.

    Karapat-dapat bang malasap ito ng isang taong na tanging pag-ibig lamang ang hanap?

    Naging masama ba ko sa tadhana para ang tulad ko’y mapunta sa taong hindi handa?

    Sa taong ang kaya lang mahalin ay ang sarili nya?

    Sa taong duwag magpapasok sa mundo nya?

    Sa taong sya lang ang gustong makaranas ng saya?

    Kaya kong pangatawanan ang pagmamahal ko sa kahit anong aspeto pagdating sayo ngunit kung ganito ang aking magiging estado pagdating sa buhay mo, kahit gaano man ako maging matiyaga, dadating sa punto na ako’y madadala. Bakit ko kailangang pagtiisan at bakit ko kailangang maranasan ang ganito kung ang hinahangad ko lang naman ay maranasan rin naman ang pagmamahal na kaya kong maibigay?

    Hindi naman ako naghahangad ng katulad ng kaya kong i-alay.

    Hindi ko naman sinabing pantayan mo ang kaya kong maibigay.

    Gusto ko lang makaramdam ng pagmamahal pabalik.

    Gusto ko lang naman itong marinig.

    Mula sayo.

    Totoo at walang halong pagbabalat-kayo.

    Kaya kitang mahalin.

    Kaya ko yung gawin.

    Ngunit habang ginagawa ko yun ay nakakalimutan kong kailangan ko rin gawin ito para sa sarili ko.

    Naging madamot ako para sa sarili ko dahil sayo.

    Ang saya natin ay hindi dapat dumedepende sa tao ngunit ganun ang nangyari.

    Ang pag-ibig, dapat ay parang kanin at tubig.

    Hindi nakakasawa kahit na walang lasa.

    Pero sabi mo’y nagsasawa ka na.

    Kung hindi ako ang nakikita mong makakasama hanggang dulo,hayaan mo akong kumawala sa pagkakahawak mo.

    Hayaan mong mapakinabangan ako ng iba na kayang magparamdam ng pag-ibig na hindi mo alam.

    Kung hindi ako ang nakgikita mong sasabihan mo ng “mahal kita”,tuldukan natin ang nasimulan at sabihin na sa aking ang salitang “paalam”.

    Hayaan mong magsimula tayo.

    Bilang mga estrangherong naligaw sa maling mundo.

    Bilang ikaw at ako,

    Bilang mga taong minsan naging magkakilala at natapos bilang mga nilalang na tila walang naging nakaraan.

    Kung hindi man para sa atin ang salitang  “tayo”, hayaan natin itong mahanap sa labas ng pareho nating mundo.

    • 2 min

Top Podcasts In Society & Culture

فنجان مع عبدالرحمن أبومالح
ثمانية/ thmanyah
بودكاست طمئن
Samar
كنبة السبت
Mics | مايكس
Bidon Waraq | بدون ورق
بودكاست السندباد
بودكاست صحب
بودكاست صحب
هدوء
Mics | مايكس