4 min

Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes PAULINES

    • Religion

Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes

Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon

Paggunita ng Mahal na Birheng Maria , Ina ng Sambayanan

Ebanghelyo: Juan 19, 25: 34

Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat ngunit kailangang maganap ang isa pang kasulatan at sinabi n’ya: “Nauuhaw ako.” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak kaya ikinabit nila sa isang isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniiti nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi n’ya: “Natupad na.” At pagkayuko ng
ulo, ibinigay n’ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang
Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo.
Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig.

Pagninilay:

Naroon si Maria sa paanan ng Krus, nakiramay siya sa sidhi ng pagdurusa ng kanyang Anak. Habang nakikiisa siya sa matinding sákit, lalong naging marubdob ang kanyang pakikinig sa bawat binibigkas ng Kanyang Anak. “Ginang, narito ang iyong anak… Narito ang iyong ina.”  Isang pag-atas ang narinig niya. Atas ng paglingap. Sa paglingap ni Maria sa mga apostol, debosyon naman sa kanya ang inaasahan sa kanila. Doon nagsimula ang special bond ng mga apostol sa ating Inang Maria. Noon at ngayon, tapat na nakikiramay at nakikilakbay siya sa atin. Tayo naman na hinirang bilang Katawan ng kanyang
Anak, sino tayo para hindi maging tapat sa kanya? Sa pahayag ni Pope Francis ngayong Taon ng Panalangin, inaanyayahan tayong manahimik tulad ni Maria at
pagnilayan ang kahulugan ng kasaysayan ng kaligtasan. Sa ganitong paraan, lalalim at lalawak ang pagtanggap natin sa ating misyon bilang Simbahan sa tulong at panalangin ng ating Banal na Ina.  

-      
Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of
St. Paul