3 min

Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes PAULINES

    • Religion

Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes

Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: MARCOS 14:22-25

Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi : “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “ Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos
para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos”. At pagkaawit
ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.

Pagninilay:

Ang buwan ng Mayo ang may pinakamaraming
fiesta dito sa ating bansa. Siyempre, hindi kumpleto ang fiesta kung walang handaan. Ito’y patunay na mahilig tayo sa pagkain. Ano mang okasyon, hindi talaga
mawawala sa atin ang kainan. Indeed, food is life. Hindi tayo mabubuhay kung di tayo kakain. Pagkain ang nagbibigay sa atin ng lakas sa pang araw-araw nating
pamumuhay. Kaya naman ginamit ng ating Panginoong Hesukristo ang pagkahilig natin sa pagkain upang makapasok siya hindi lang sa espiritwal na aspeto ng ating buhay, kundi pati na rin sa literal nating katawan. Ginamit niya ang tinapay upang maging TUNAY niyang presensya at HINDI SIMBOLO lamang. Narinig natin sa Mabuting Balita na dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos
magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa mga alagad: “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.” Ibinigay ng Panginoong Hesukristo ang Eukaristiya sa atin bilang patunay na hindi niya tayo iniwan. Nasa Eukaristiya ang tunay na
presensya ng ating Panginoong Hesukristo. Gusto tayong makasama ng ating Panginoon hindi lang sa espiritwal na aspeto, kundi gusto niya tayong makasama
nang litera. Mga kapanalig, tuwing tinatanggap natin ang Panginoong Hesukristo sa Eukaristiya, hindi lang laman at dugo ang tinatanggap o kinakain natin. Kasama sa kinakain natin ang persona ng ating Panginoong Hesukristo o ang kanyang life style: ang kanyang pagiging
maawain, mahabagin, at mapagmahal. Kaya’t inaanyayahan din tayo na gawing Eukaristiya ang buhay natin. Tulad ng nangyayari sa Eukaristiya, hayaan nawa
nating maging tinapay ang ating sarili upang makapagbigay buhay -  taken, blessed, broken, and shared.