4 min

Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes PAULINES

    • Religion

Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes

Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon

Ebanghelyo: MARCOS 10:1-12

Nagpunta si Hesus sa probinsiya ng Judea, sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. At napakaraming tao naman ang nagdatingan. At muli niya silang tinuruan gaya nang dati. At lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at
tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises” At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.” Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. Ngunit sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magigigng iisang katawan ang dalawa. Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga
alagad. At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking magpaalis sa kanyang asawa at saka magpakasal sa iba, nakiapid siya. At kung ang babae naman ang magpaalis
sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya.

Pagninilay:

Gaano katigas ang Puso ng tao.

Mahirap kalaban ang puso ng tao. Lalo na kung katakut-takot ang galit at poot, at nagsusumiksik ang tampo at pagwawalang kibo. Dito nakaugat ang maraming suliranin at pagkakasala. Sa pusong nagmamatigas madalas nagmumula ang paghihiwalay, pag-aaway at
pagkakawatak-watak ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng mag-asawa. Kapag nagmatigas ang puso – wala itong nadarama, walang nauunawa, walang nakikita, ga-pader at ga-bato. Sa pagmamatigas ng puso – yabang, taas ng tingin sa sarili, at kawalang-awa ang pinamamayani. Talo ng nagmamatigas na puso ang kahit na anong maso o bato; hindi ito mapalalambot o madudurog ng kahit na ano. Maliban sa isa – ang pagmamahal ng Diyos na hindi
sumusuko. Kung makikinig lamang tayo sa patuloy na pagtawag ng Diyos, layon Niya na makaisa natin ang lahat, makasundo, makadaupang palad – makaisang puso
at diwa. Mangyayari lamang ito kung tumitibok ang ating mga puso nang sabay sabay – tulad ng isang koro na ang mga tinig ay sabay sabay na umaawit. Walang
pusong matigas sa grasya na patuloy na ibinubuhos ng Diyos. Walang pusong bato sa kapatawaran na laging iniaalay ng Diyos. Hamon ng Mabuting balita sa ating
lahat na hayaang lumambot ang ating mga puso – sa tulong ng pagmamahal, kapatawaran, pagkalinga at awa na nagmumula sa grasya ng Diyos. Huwag nating hayaang ang yabang, kasinungalingan at pagkamakasarili ang bumalot sa puso natin, upang patuloy na maramdaman ang presensya at pag-ibig ng Diyos; pag-ibig na dapat ibahagi at ibigay din sa lahat – lalung-lalo na sa inyu-inyong asawa at sa ating pamilya. Amen.

- Fr. Buen Cruz , SSP l Society of St. Paul