30 episodes

Kung naghahanap ka ng podcast na magtuturo sa'yo kung paano maachieve ang Best Life™ mo, hindi ito yon. Chz. Pero kung gusto mong makinig sa kwento ng mga normal na tao mong tulad mo at tulad ko, then this show is for you!

Ordinary People The Ordinary People Podcast

    • Society & Culture

Kung naghahanap ka ng podcast na magtuturo sa'yo kung paano maachieve ang Best Life™ mo, hindi ito yon. Chz. Pero kung gusto mong makinig sa kwento ng mga normal na tao mong tulad mo at tulad ko, then this show is for you!

    Episode 29: Ayoko Pong Mag-Artista, Gusto Ko Pong Mag-Aral

    Episode 29: Ayoko Pong Mag-Artista, Gusto Ko Pong Mag-Aral

    Welcome sa crossover episode ng Ordinary People at BAD VIBES, dahil ang guest natin ay ang aking co-host na si Jaja! 🥳

    Sa episode na ito, kami ay naglakad-lakad down memory lane at nagchikahan tungkol sa pagkabata ni Jaja sa City of Stars. Alam nyo bang muntik na din syang maging star? Pero si teh, iba ang priorities at three years old: books before (show) business! 😌

    Kumusta nga ba si Little Miss Papaya matapos nyang tanggihan ang offer ni Johnny Manahan? Masaya ba siya sa kanyang life choices o may pagsisisi ba ng very light? 😳

    Mahaba-habang kwentuhan ito mga kaibigan, dahil mahaba-haba din ang aming kasaysayan. Makichismis na sa mga tita nyong laging galit dito lamang sa podcast ng mga pangkaraniwang nilalang!

    • 1 hr 42 min
    Episode 28: Dati Akong Alipin ng Corporate Ladder

    Episode 28: Dati Akong Alipin ng Corporate Ladder

    Sa episode 28 aking nakapanayam si Mitzi, ang aking roomie na hindi ko naman tunay na naging roommate. 😆

    Nagchikahan kami tungkol sa kanyang trabaho as a freelancer at ang kanyang buhay as a cafe owner na sumusuporta sa local artists ng Paete. 💗 Napagkwentuhan din namin ang kanyang experience mag-asawa, kasama syempre ang love story nila ng kanyang hubby na minsang nabura sa kanyang alaala. 😂

    Yan at marami pang iba dito lang sa napaka-overdue na episode ng podcast ng mga OP!

    • 1 hr 36 min
    Episode 27: This is the Next Best Thing

    Episode 27: This is the Next Best Thing

    Sa episode 27 ng ating mumunting podcast, aking nakapanayam ang isa sa pinakamamahal kong kaibigan, ang aking morning telebabad kachika na si Andei! Kinwento niya sa akin ang kanyang buhay as a victim of Philippine poverty, tulad ng maraming Pilipino 😟

    Napagusapan namin ang kanyang pagkabata, pamilya, pagiging ex-Math major 🤯, mga sama ng loob sa UP, life choices, at kung anu-ano pa. Makinig at kilalanin ang aking mystery best friend 😆

    • 1 hr 43 min
    Episode 26: There’s A Tinge of Jealousy, A Sense of Mourning

    Episode 26: There’s A Tinge of Jealousy, A Sense of Mourning

    Sa ika-26 na episode ng Ordinary People, nagkwentuhan kami ng aking kaibigan mula sa Kalayaan Residence Hall (ang freshie dorm ng UP Diliman) tungkol sa kanyang buhay sa probinsya, unconventional life choices, astrology, hobbies, at marami pang iba!

    Ano na nga ba ang ginagawa nitong kaibigan ko "from a lifetime ago" na kapwa ko Pisces? Makinig na at makichika!

    • 59 min
    Episode 25: Mas Okay na na Friend Ko Yung Sarili Ko, Kaysa Yung Nagpi-People Please Ako

    Episode 25: Mas Okay na na Friend Ko Yung Sarili Ko, Kaysa Yung Nagpi-People Please Ako

    Sa episode 25, nagbabalik ang aking kaibigan na si Tita Ella para ikwento sa atin ang kanyang naging karanasan sa kanyang second trip sa Korea kung saan siya ay sumali sa Seoul Illustration Fair 🥳

    At bilang nagpakaturista din sya sa Land of Bangtan, marami syang opinion tungkol sa Instagram Reels at kung paano nagbago ang travel after ng pandemya. Nagchikahan din kami tungkol sa friendships in adulthood, Barbenheimer, character strengths, healing your inner child, real self-care, at maraming marami pang iba. Makichika naaaa! 😎

    • 1 hr 50 min
    Episode 24: Mahirap I-Sustain Yung Ganung Buhay ng Musikero

    Episode 24: Mahirap I-Sustain Yung Ganung Buhay ng Musikero

    Sa panibagong episode ng Ordinary People (makaraan ang halos isang buwan!!!), aking nakapanayam ang isang kaibigan mula sa pinakaunang kumpanyang pinagtrabahuhan ko: si Gwen!

    Samahan kaming magreminisce tungkol sa aming call center days noong panahon ng emo, PSP, Ragnarok Online, at Yahoo Messenger! 🫣 Nagchikahan din kami tungkol sa trabaho, pagkakaibigan, pagbabanda, photography, at kung anu-ano pa! Matagal na mula nung huli kaming magchikahan kaya pasensya na at inuna pa namin ang chismisan bago seryosohin yung interview. 🤪

    Makinig at kilalanin ang number one fan ng Ordinary people! 🥳

    • 1 hr 33 min

Top Podcasts In Society & Culture

Fryktløs
Både Og & Blåkläder
Svarttrost Dok
Svarttrost
Fladseth
Moderne Media
MÍMIR&MARSDAL – den venstrevridde podkasten
Manifest Media
Mer än bara morsa!
Kenza & Ines
Grenseløs
BATONG MEDIA og Bauer Media