
3 episodes

Arkana: Podkast ni Louie Jon A. Sánchez LJ Sánchez
-
- Arts
Arkana: Podkast ni Louie Jon A. Sánchez
-
Ep. 3 Ang Ibig Sabihin ng Katahimikan
Pinagninilayan sa episode na ito ang konsepto ng katahimikan sa pamamagitan ng pagbubulatlat sa mga kahulugan nito gámit ang Vocabulario de la Lengua Tagala (1860), ang unang diksiyonaryong Tagalog na ginawa ng mga paring sina Juan Jose de Noceda at Pedro de Sanlucar. May pagbása rin sa akda ni Paring Albert Alejo SJ hinggil sa loob, at sa kaniyang salin ng tula ni Gerard Manley Hopkins SJ.
-
Ep. 2: Radio Romance: Homage sa Magulang ng Podcast
Sa pinakaunang full episode, pinahahalagahan ang midyum ng radyo bílang magulang ng podcasting. Magbabalik-tanaw din si LJ Sanchez sa naging papel ng radyo sa pagiging manunulat niya, habang isinasalaysay ang naging kasaysayan nito. May pagbása rin mula sa mga akda nina Cirilo Bautista, Elizabeth Enriquez, at Resil Mojares, na may kani-kaniyang pananaw at gunita sa kultura ng radyo sa Filipinas. Mahalagang tanong sa podcast ang, "Ano bang kultura ng pagsasalita at pakikinig ang nalilikha ng radyo at podcast para sa atin? Mabuti ba o masamâ?” Makichika Lit na!
-
Pilot Episode: Bakit Chika Lit?
Ano ba itong Chika Lit, at ano ang ibig natin gawin dito?
Sa pilot episode na ito, nagpapakilala po ang ating host na si LJ Sanchez, upang magpaliwanag hinggil sa paksa at tunguhin ng podcast. Pasok na po sa isang makabuluhang chikahan tungkol sa Panitikan at Kulturang Pinoy!