
41 episodes

What The F?! A VERA Files Podcast VERA Files
-
- News
-
-
5.0 • 2 Ratings
-
Abangan ang What the F?! tuwing makalawang Martes para sa kakaibang paraan ng paghahatid ng impormasyon. Walang murahan dito sa What the F?! Usapang FACTS lang. Hihimayin at bubusisiin ng VERA Files ang maiinit na isyu para mas madali itong maintindihan.
---
WE WANT TO HEAR FROM YOU! If you were to have a 5 to 10-minute conversation with a prominent person, who would it be? Answer our quick survey! https://vera.ph/WhatTheFSurveySPOTIFY
-
Mabubuhay ka ba ng walang sibuyas?
Sa pagpasok ng bagong taon, umabot sa P750 hanggang P800 kada kilo ang presyo ng sibuyas na dating nasa P60 lang. Tanong ng maraming Pinoy: Bakit nagkakaganito?
Nakausap ng VERA Files si Dr. Leonardo Lanzona Jr., propesor ng economics sa Ateneo de Manila University, para ipaliwanag kung bakit maraming naiyak sa sobrang taas ng presyo nitong mahalagang rekado sa kusinang Pinoy.
Pakinggan sa episode 18 ng What The F?! podcast. -
Pagpapalaya kay De Lima, isyu ng tama at mali
Tama bang isakripisyo si De Lima para lang hindi magalit si Duterte?
Ngayong linggo, pakinggan ang komentaryo ni Christian Esguerra sa VERA Files. -
PNP cleansing, seryoso ba?
Dapat panagutin ‘yung mga pulis na walang habas na pumatay dahil sa drug war.
Pakinggan ang podcast episode kasama si Christian Esguerra ngayong linggo. -
Bakit gigil na gigil ipasa ang Maharlika fund bill?
Sana lang hindi magpakatuta ang mga senador; protektahan nila ang kapakanan ng sambayanang Filipino.
Alamin sa komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo: -
Gender equality: Kung hindi ngayon, kailan?
Ipinahayag ni Justice Secretary Boying Remulla kamakailan na hindi pa raw handa ang Pilipinas na magkaroon ng batas na magsusulong sa same sex marriage at anti-discrimination batay sa sexual orientation, gender identity, at gender expression.
Pero kailan ba ang tamang panahon para magkaroon ng gender equality sa bansa?
Nakakwentuhan ng VERA Files ang drag queen na si Worship The Gays para dito sa Episode 17 ng What The F?! Podcast. -
Dinoktor na death certificate
Ilan pa kaya ang dinoktor din ang cause of death sa libu-libong kaso ng pagpatay kaugnay sa drug war ni Duterte?
Alamin sa komentaryo ni Christian Esguerra ngayong linggo: