2 min

EPISODE 14: Tanghali at ang Hari Letra ‘to

    • Improvisering

minamahal niyo lang ako sa simula at sa wakas...

hindi naman ako palaging kasing ganda ng buwan
hindi rin ako palaging kasing rikit ng mga bituin
hindi rin ako kaakit-akit gaya ng ulap
at lalong hindi ako kasing lawak ng kalawakan at dagat

isa pa,
hindi lang ako maganda sa umpisa,
hindi ko hangad na pahalagahan lang sa simula,
sa pasasalamat kasi dumating,
sa pagmulat pagkatapos ng gabing madilim,

hindi ko hanggad na mahalin mo ako sa tuwing makikita mo akong umaakyat sa mga pagitan ng bundok,

hindi ko rin hinangad na ngitian mo lang ako sandali bago magsimula ang maghapon mong nakakapagod,

hindi ko hangad ang ganito,
hindi ko hanggad ang paghanga,
hindi ko hanggad ang titig,
hindi ko hangad ang mga larawang kuha mo sa akin habang dahan-dahan akong lumulubog sa kanluran,
nalulunod sa ilalim ng karagatan,
inaagos ang alaala ng maghapong dumaan,

tinitiis ko ang paninisi mo sa hatid kong init,
nalulungkot habang tinataboy ng mga taong pilit hinahanap ang ihip ng hanging kaibigan mong matalik,
subalit,
nasasaktan ako,
dahil
hindi man lang ako pinansin,
hindi man lang tinatanggap,
hindi man lang pinahahalagahan,
hindi man lang naisip
na sa buong maghapo’t magdamag
ako lamang ang nananatiling tapat

tapos babalewalain lang,
dahil ang halaga ko
ay nakikita lang sa umpisa
at sa pagwawakas

saka niyo lang ako minamahal
kapag nasisilayan niyo na ang liwanag,
ang kulay pulang sinag
ang bahaghari,
ang kulay na mapanlinlang

pero nakalimutan niyong ako ang hari
ang palaging tapat
ang may koronang tinatakpan ng ulap
ang palagi mong kaharap

at palagi kang pinagbibigyan

pagkatapos ay lilimutin mo lang
pagdating

ng

isang buwan

—TANGHALI AT ANG HARI (2021)

Letra 'to
Mga Tula Ni Pedro Gwapo / Juan Tanga