4 min

EPISODE 17: Turon!!‪!‬ Letra ‘to

    • Improvisering

TURON

nasilayan mo na ba ang bukas?
marahil hindi pa
pero handa ka bang harapin?
o baka naman nandiyan ka pa din
sa kahapong paulit-ulit kang inaalipin
pinaghandaan mo ba?
o baka naman tinatangay ka pa
ng agos ng sarili mong mga luha
magdabog man ang langit
kumulog at kumidlat
hanggang sa maramdaman ang galit
hayaan mo na
kasama sa paglago ang paglagas ng mga dahon
magiging marupok ang mga sanga
pero mas patitibayin ka ng panahon
magiging magulo ang lahat
pero mamumunga lahat ng pagod
konting tiis lang
makikita mo din kung bakit ka nasa baba
malalaman mo din na hindi porket nasa taas ka na malaya ka na
na kaya mo ng gawin ang lahat
pwede mong matanaw ang kalayuan
pero hindi mo mararating
pwede mong titigan lahat ng nasa baba
pero hindi mo rin sila maaabot
para saan ang posisyon
kung ikaw lang din ang magiging talo ng sarili mong misyon
pwede kang gumamit ng lakas
pero wag mo sanang daanin sa dahas
hayaan mong maging patas ang batas
maging matatas ang mananalastas
buhayin mo ang poso
padaluyin ang tubig sa bukal
palalimin ang berso
hayaan ang titik na bumungkal
ng mga salitang ugat na itinagot inilihim
huwag mo na tabunan
huwag mo na pagtakpan
tama na ang pagpapaikot
tama na ang pagpapainit
nasusunog na ang labas
nadadamay ang kalooban
walang sustansiya ang sangkap
kung hindi mo babantayang mabuti
iligtas mo ang lahat kasama ang iyong sarili
sa kagaguhan ay huwag na manatili
dahil hindi lalago ang puno kung mga sanga ay pilit binabali
damdamin mo ang sakit
kalimutan mo na ang nakaraan
huwag mo lang basta subukan
dapat piliin mong makasanayan
na wala na ang dati sayong nagpapasaya
wala na ang dating init ng pinagsamahan niyong dalawa
wala na ang lahat
kaya pakiusap
kalimutan mo na siya


*turrrroooon*
ayaw ko na

TURON

nasilayan mo na ba ang bukas?
marahil hindi pa
pero handa ka bang harapin?
o baka naman nandiyan ka pa din
sa kahapong paulit-ulit kang inaalipin
pinaghandaan mo ba?
o baka naman tinatangay ka pa
ng agos ng sarili mong mga luha
magdabog man ang langit
kumulog at kumidlat
hanggang sa maramdaman ang galit
hayaan mo na
kasama sa paglago ang paglagas ng mga dahon
magiging marupok ang mga sanga
pero mas patitibayin ka ng panahon
magiging magulo ang lahat
pero mamumunga lahat ng pagod
konting tiis lang
makikita mo din kung bakit ka nasa baba
malalaman mo din na hindi porket nasa taas ka na malaya ka na
na kaya mo ng gawin ang lahat
pwede mong matanaw ang kalayuan
pero hindi mo mararating
pwede mong titigan lahat ng nasa baba
pero hindi mo rin sila maaabot
para saan ang posisyon
kung ikaw lang din ang magiging talo ng sarili mong misyon
pwede kang gumamit ng lakas
pero wag mo sanang daanin sa dahas
hayaan mong maging patas ang batas
maging matatas ang mananalastas
buhayin mo ang poso
padaluyin ang tubig sa bukal
palalimin ang berso
hayaan ang titik na bumungkal
ng mga salitang ugat na itinagot inilihim
huwag mo na tabunan
huwag mo na pagtakpan
tama na ang pagpapaikot
tama na ang pagpapainit
nasusunog na ang labas
nadadamay ang kalooban
walang sustansiya ang sangkap
kung hindi mo babantayang mabuti
iligtas mo ang lahat kasama ang iyong sarili
sa kagaguhan ay huwag na manatili
dahil hindi lalago ang puno kung mga sanga ay pilit binabali
damdamin mo ang sakit
kalimutan mo na ang nakaraan
huwag mo lang basta subukan
dapat piliin mong makasanayan
na wala na ang dati sayong nagpapasaya
wala na ang dating init ng pinagsamahan niyong dalawa
wala na ang lahat
kaya pakiusap
kalimutan mo na siya


*turrrroooon*
ayaw ko na

4 min