9 episodes

Ang sabi nila, huwag daw sasabat ang mga bata sa usapan ng mga matatanda. Batid nina RJ, Mama K, at Matt na masasabihan silang bastos at walang respeto kung sasagot pa sila; kaya naman bumuo na lamang sila ng sariling diskurso na bukas *maging* sa mga nakatatanda. Isang talakayang hindi pormal, pwede ring hindi normal, ngunit maaaring kapulutan ng aral.

Bilang mga tipikal na kabataang napabibilang sa Gen Z, sina RJ, Mama K, at Matt ay uhaw sa pagkakaroon ng diskusyon o chikahan kasama ang mga kaibigan dahil sa hindi matapos-tapos na quarantine period sa Pilipinas.

Gen Zombie Podcast Gen Zombie

    • Society & Culture

    EP7: The Elementary Days That Made Us

    EP7: The Elementary Days That Made Us

    Ang elementarya ay puno ng mga karanasang nakaka-cringe isipin sa kasalukuyan, ngunit hindi maitatangging naging mahahalagang parte ng ating buhay.

    Sa episode na ito ay magbabalik-tanaw sina Rj, Mama K, at Matt sa kanilang elementary days. Mula sa puppy love at jeje days, hanggang sa iba’t ibang mga karanasang akala nila ay ikina-cool nila noon. Kaaya-aya man o hindi, ang mga bagay na ito ay hindi lamang parte ng nakaraan, dahil maaari  rin silang gamitin sa kasalukuyan.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast #GenZombie #HindiNaKamiBata

    • 52 min
    EP6: We're All Lost, Baby Gurl (Part 2)

    EP6: We're All Lost, Baby Gurl (Part 2)

    [CONT.]

    Nasaang yugto ka man ng buhay, may pagkakataon talaga na mararamdaman mong tila nawawala ka.

    Sa episode na ito ay magkakasamang susubukan nina Rj, Mama K, at Matt na alamin ang lugar nila sa kasalukuyang mundo. Batid nila na pare-pareho silang lost, at alam nilang ikaw rin, kaya naman inaanyayahan ka nilang maligaw at maglakbay kasama nila.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast #GenZombie #HindiNaKamiBata

    • 33 min
    EP6: We're All Lost, Baby Gurl (Part 1)

    • 31 min
    EP5: Ang Walang Kwentang Chikahan

    EP5: Ang Walang Kwentang Chikahan

    Minsan, masasabi nating masaya ang naging usapan kasama ang tropa kung hahayaan lang nating dumaloy ang tsismisan.

    Sa episode na ito ay magchichikahan lang tungkol sa kung anu-anong bagay sina Rj, Mama K, at Matt. Iyong tipo ng bardagulan na maririnig mo sa mga kaklase mo habang wala pa ang guro sa silid-aralan. Pwede ring sa mga estudyante sa kabilang table ng kinakainan mong restaurant, o kaya sa grupo ng kabataan na nakasabay mo mag-commute sa jeep at feeling nila sila lang ang laman. Maaaring nakakairita noon, pero siguradong miss mo.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast!

    Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata

    • 27 min
    EP4: An Open Podcast to Influencers

    EP4: An Open Podcast to Influencers

    Mayroong lalim sa pagkakaroon ng kakayahang makaimpluwensya.

    Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang mga kilalang social media personalities sa kasalukuyang panahon. Aalamin din nila at susubukang bigyang linaw ang kaibahan ng pagiging isang ‘Content creator’ at ng isang ‘Influencer’. Sa huling bahagi nito ay mayroon silang panawagan hindi lamang para sa mga may kakayahang makaimpluwensya, kundi maging sa mga naiimpluwensyahan nila.

    • 42 min
    EP3: Online Class RealiZtions

    EP3: Online Class RealiZtions

    Mayroong paglago mula sa pagkatuto.

    Sa episode na ito ay pag-uusapan nina Rj, Mama K, at Matt ang mga karanasan nila sa unang online semester na nagdaan. Sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kani-kanilang mga paghihirap, mga tagumpay, at mga natutuhan ay susubukan nilang makabuo ng mga paraan upang mas maging handa para sa susunod na semestre.

    Subscribe to our YouTube channel Gen Zombie Podcast Follow us on Twitter @genzombie_ and use the hashtags #GenZombiePodcast​ #GenZombie​ #HindiNaKamiBata

    • 55 min

Top Podcasts In Society & Culture

На каком основании
libo/libo
Давай Поговорим
Анна Марчук, Стелла Васильева
«Подкаст Лайфхакера»
Лайфхакер
Психология с Александрой Яковлевой
Александра Яковлева
Время есть. Лайфхакер
Лайфхакер
Jillian on Love
Jillian Turecki | QCODE