
32 episodes

USTinig: The Official Podcast of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies UST CCWLS
-
- Society & Culture
This is a monthly podcast produced by the UST Center for Creative Writing and Literary Studies (CCWLS). It features Filipino writers and literary enthusiasts.
Facebook: http://www.facebook.com/USTCCWLS
E-mail: ustinigpodcast@gmail.com.
-
Episode 32: Discussions Matter Featuring Angelo "Sarge" Lacuesta
Ngayong National Literature Month, makakasama natin si Angelo "Sarge" Lacuesta. Siyempre, kasama sa kuwentuhang ito sina Resident Fellows Jose Mojica na magtatanong tungkol sa naging proseso ng pagsulat ng nobela, graphic literature, at ng screenplay. At hindi mawawala ang hard questions ni Dawn Marfil-Burris sa ating mga segments na USTinig Questionnaire at Save, Edit, Delete.
Si Sarge Lacuesta ay isang award-winning fictionist at essayist. Nakapaglathala na siya ng limang koleksiyon ng maiikling kuwento sa Ingles, dalawang aklat ng nonfiction at koleksiyon ng graphic stories. Ang unang nobela niyang “Joy” ay inilathala ng Penguin Random House SEA. Siya rin ang Editor-at-Large ng Esquire Philippines, publisher ng Good Intentions Books, at ang pangulo ng Philippine Centre of International PEN.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta -
Episode 31: Discussions Matter featuring Stefani Alvarez
Narito na ang Women’s Month episode ng USTinig, kasama si Stefani Alvarez. Pakinggan ang kuwentuhan nila Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa kaniyang early beginnings hanggang sa kaniyang fellowship sa Germany. Sa ating fun segments, makikilala pa nating lalo si Stefani sa kaniyang mga sagot sa Save, Edit, Delete, at sa USTinig Questionnaire.
Si Stefani Alvarez ang awtor ng Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga na nagwagi bilang Best Book of Nonfiction Prose in Filipino sa National Book Awards, at ng sequel nitong Autobiografia ng Ibang Lady Gaga: Ang Muling Pag-ariba. Siya rin ang awtor ng mga nobelang Kagay-An, At isang Pag-ibig sa Panahon ng All-Out War at Lama Sabactani.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez -
Episode 30: Discussions Matter featuring Louie Jon Sánchez
Mapapakinggan na ang latest episode ng USTinig Podcast bago matapos ang buwan ng Pag-ibig, mag-usap tayo tungkol sa mga kwento ng pagmamahal at pakikipagsapalaran. Pag-usapan natin ang patuloy na popularidad ng mga teleserye sa kabila ng pagpasok ng streaming services at foreign series pati na rin ang nagbabagong metrics ng panonood. Pakinggan natin ang kuwentuhan nina Louie Jon Sánchez at Resident Fellows Jose Mojica at Dawn Marfil-Burris tungkol sa teleserye at kung bakit nananatili ang hawak nito sa imahinasyon ng publiko.
Si Louie Jon Sánchez ay nagtuturo sa UP Diliman. Siya ay premyadong makata at ang awtor ng mga koleksiyon ng tula kabilang ang Kung Saan Sa Katawan, Siwang Sa Pinto ng Tabernakulo, at mga aklat ng sanaysay at kritisismo tulad ng Abangán: Mga Pambungad na Resepsiyon sa Kultura ng Teleserye na inilimbag ng UST Publishing House.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta -
Episode 29: Discussions Matter featuring Zig Dulay
Ito na ang kauna-unahang offering ng USTinig para sa taong 2023 kasama si Zig Dulay, ang direktor sa likod ng hit teleserye ngayon na Maria Clara at Ibarra. Sa episode na ito ng Discussions Matters, maririnig natin ang pakikipagkuwentuhan niya kasama si Resident Fellow Jose Mojica tubngkol sa proseso ng MCAI, ang pagiging isekai o historical-portal series nito, ang tema nitong dalagang Filipina, at ang nais niyang maging silbi ng adaptation ng mga nobela ni Jose Rizal para sa mga mag-aaral ngayon. Makikipagkulitan din siya kasama si Resident Fellow Dawn Marfil-Burris para malaman kung aling mga pelikula at palabas ang gusto niya sa segment nating "Save, Edit, Delete."
Si Zig Dulay ay award-winning screenwriter, editor, at direktor sa telebisyon at pelikula. Kabilang sa mga naidirek niya ang mga pelikulang Bambanti, Paglipay, Bagahe, at Black Rainbow. Itinanghal na ang mga obra niya sa mga film festivals na Sinag Maynila, ToFarm, at Cinemalaya. Siya rin ang nasa likod ng kamera ng mga serye ng GMA7 na Sahaya, Legal Wives, at ang patok na patok ngayong Maria Clara at Ibarra.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta -
Episode 28: Reading Texts featuring Katrina Martin
Narito na ang December episode ng USTinig, kasama ang nobelistang si Katrina Martin. Sa edisyong ito, mapapakinggan natin ang pakikipagkuwentuhan niya with Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagkabuo ng YA novel niyang At Home With Crazy, ang mga dapat na malaman hinggil sa mental health care, at ang infulence ng filmmaking sa akdang ito. Malalaman din natin mula kay Katrina Martin ang mga paborito niyang libro at mga writers sa segment natin kasama si Dawn Marfil-Burris sa segment na "USTinig Questionnaire."
Si Katrina Martin ay naging fellow sa 3rd Amelia Lapeña Bonifacio Writers Workshop on the Novel at naging finalist sa PBBY-Scholastic Asia’s You Write to Me, I’ll Write to You manuscript competition noong 2017. Nagtapos siya ng BS Nursing sa UP Manila at ng MA Creative Writing sa UP Diliman. Nakapagsulat na rin siya para sa telebisyon, pelikula, at sa global social sector. Siya ang awtor ng nobelang pag-uusapan natin ngayon, ang At Home With Crazy.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta -
Episode 27: Discussions Matter featuring Dwein Baltazar
Ito na November episode namin, kasama si Dwein Baltazar. Pakinggan ang kuwentuhan nila ni Resident Fellow Jose Mojica tungkol sa pagdi-direct ng mga pelikula at mga serye sa telebisyon at iba ang unang film school niya. Sasagutin din ni Direk Dwein ang mga tanong ni Resident Fellow Dawn Marfil-Burris sa segment natin na “USTinig Questionnaire.”
Si Dwein Baltazar ang award-winning writer-filmmaker ng mga pelikulang independent na Mamay Umeng, Gusto Kita With All My Hypothalamus, at Oda sa Wala na nanalo sa Famas ng Best Screenplay, Best Director at Best Picture. Aside from that, Nanalo na rin ang films niya sa Golden Horse Film Festival sa Taiwan, at Jeonju International Film Festival sa Korea. Director din siya ng mga series na Past, Present, Perfect?, I Am U, Marry Me, Marry You na ipinalabas sa IwantTFC at ABS-CBN.
Ang USTinig podcast ay maaaring pakinggan sa Spotify, Anchor, Google, at Apple podcasts:
1. https://spoti.fi/37QKuAh
2. https://apple.co/33L5Dd7
3. https://bit.ly/2JNeRye
4. https://anchor.fm/ust-ccwls
Maraming salamat sa USTinig Creatives:
Kristan Lemuel Esguerra
Russel John Dimarucot
Hannah Mariel Mancenon
Jose Paulo Prietos
Rommel Sales Jr.
Caryl Kilvette Sanchez
Maria Camila Sureta