Madaling Araw Chronicles JJ Pine
-
- Comedy
Pinagsama-samang tula na nabasa ko kung saan at mga saloobin na niluwal ng kape at katahimikan ng madaling araw. O pwede rin ng mga agam agam—mga bagay na pinapanganak natin tuwing akala natin ay walang tengang handang makinig. Kapag masaya o malungkot. Kapag mag-isa. Tara, samahan mo ko.
-
Paborito
Hango sa isang post sa isang fb page na may ngalan na: Sa Eskinita ni Inday. Binago nang kaunti para umakma sa pag aalayan.
-
Uwian na
Para sa mga tumatayong bituin at bumbilya sa ating buhay. Sa pagbibigay ng kislap sa walang kasiguraduhang bukas. Salamat! **kuha ang litrato sa himpapawid ng Maynila
-
But That's Life!
Mula sa librong Tagos ni TPC. Para satin na madalas na kinukwestyon ang buhay. Ito ang mumunting paalala na minsan, isa kang naging magiting na... *kuha ang litrato sa dalampasigan ng Sta Fe, Bantayan Island*
-
Pag-ikot
Sabi ko kaninang madaling araw, magsasalang ako ng pelikulang may malaking ambag sa kung ano ako ngayon. Pelikulang naging bahagi at sumasalamin pa nga sa mga kahapon na hanggang kahapon na lang. Kaya naman dali-dali akong tumipa sa keyboard. Ang plano, isang pelikula muna. Eh ang kaso pagtapos ng isa, parang di kumpleto ang experience kako. Isinalang ko na rin yung sequel. Ayun, napuruhan ako nang husto sa Ang Kwento Nating Dalawa at Tayo, Sa Huling Buwan ng Taon. Ang mga nabanggit ay sa direksyon ni Nestor Abrogena. Ang tulang Pag-ikot naman ay parte ng nasabing pelikula sa opening scene at closing frame. Di naman masakit!
-
Sa Ating Muling Pagkikita
Nilingon kita ngayong madaling araw. Akda ni Reinne Villasanta na natagpuan sa pahina ni Rod Marmol—na Utot Catalog—nung taon 2016. Nilapatan ng kantang Burnout ng Sugarfree. **kuha ang litrato sa itaas ng Maligcong Rice Terraces, Mt Province.
-
Maliwanag ang Langit, Malamig ang Gabi
Mula sa librong Habang Wala Pa Sila ni JMS. **kuha ang litrato sa isang sulok ng Quezon City