68 episodes

With more than 20 years of friendship, these Men of culture and experience tackle life or anything under the sun with wit, facts and positive approach, hoping to learn from stories and experiences, extracting good vibes and sprinkling to everyone.

Ang PUBcast - Positibong Usapan at Balitaktakan Ang PUBCast

    • Society & Culture

With more than 20 years of friendship, these Men of culture and experience tackle life or anything under the sun with wit, facts and positive approach, hoping to learn from stories and experiences, extracting good vibes and sprinkling to everyone.

    Episode 66: Kalsada, Pelikula, at iba pa

    Episode 66: Kalsada, Pelikula, at iba pa

    After a little more than a few months of hiatus, we are back. Bagong format pero pareho pa ring Positibong Usapan at Balitaktakan ang inyong mapapakinggan mula ang inyong mga titos-next-door ng Ang PUBcast. Sana ay nakarelate or at least, naaliw kayo sa aming kwentuhan. Feel free to suggest topics, anything under the sun, na pwede nating pag-usapan, pagtawanan at pwede ring kapulutan ng aral. 

    Follow and comment on our socials:

    https://www.facebook.com/angpubcastph

    https://www.instagram.com/angpubcastph/



    Happy 2023 mga PUBs! 

    • 1 hr 17 min
    Episode 65: Bakit ka boboto ngayong ELEKSYON 2022

    Episode 65: Bakit ka boboto ngayong ELEKSYON 2022

    Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa aming mga past experiences sa pagboto at kung paano ito nakatulong o naka-impluwensiya sa aming magiging batayan sa pagpili sa mga susunod na mamumuno sa ating bansa. Ano na ba ang pinagkaiba ng mga eleksiyon simula noon hanggang ngayon? Importante pa bang bumoto kahit kaliwa't-kanan ang mga iskandalo at balita ng katiwalian?

    • 1 hr 43 min
    Episode 64: Men and His Sexual Urge (Kalibugan ng Kalalakihan)

    Episode 64: Men and His Sexual Urge (Kalibugan ng Kalalakihan)

    Samahan niyo kami sa isa namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang paksa na hindi kaila sa karamihan pero nahihiyang pag-usapan. Talakayin natin ang ilan sa mga makalumang stereotypes tungkol sa pagiging malibog ng mga kalalakihan at unti-unti nating basagin upang ito ay mas lalong maunawaan. 

    Lilinawin lang po namin na ito ay hindi upang i-justify ang mga irresponsible acts na nag-ugat sa kalibugan kundi upang magbigay liwanag sa mga katotohanan na matagal nang natatabunan ng panghuhusga dulot ng kakulangan sa kaalaman.

    • 1 hr 31 min
    Episode 63: Breaking the Cycle of Sandwich Generation

    Episode 63: Breaking the Cycle of Sandwich Generation

    Ang pagsuporta sa magulang ay isang napakarangal na kaugalian bilang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng kanilang ginawa at sinakripisyo sa pagpapalaki sa atin noong tayo ay wala pang kapasidad na maka-survive sa mundong ito. Ngunit mas madalas sa minsan ay may mga magulang na tinatrato ang kanilang mga anak na para bang retirement plan o insurance at nagkakaroon ito ng hindi magandang epekto sa anak lalo na kung ito ay struggling sa pagsisimula ng sariling pamilya. Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa isang cycle na matagal na nating pinag-dadaanan bilang isang lahi na kilala sa pagkakaroon ng close family ties.

    • 1 hr 17 min
    Episode 62: I-Undress is Andres (De Saya)

    Episode 62: I-Undress is Andres (De Saya)

    Masunurin o Submissive ba kayo sa inyong mga asawa, girlfriend o partner? Kung oo ang sagot niyo, malamang sa malamang ay pamilyar na kayo sa tawag na Andres De Saya. Hango ito sa isang idiomatic expression dito sa Pilipinas na "under the saya" na ibig sabihin ay nasa ilalim o nagpapasakop sa isang female character - nanay, asawa, o nobya - sa inyong buhay. Sa inyong palagay, dapat bang hangaan o kaawaan si Andres? Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan at i-undress o hubarin natin ang masamang connotation ng expression na ito. Unti-unti nating tanggalin ang saplot na bumabalot sa magagandang naidudulot ng pakikinig at pagsunod sa mga babae sa ating buhay.

    Sa mga hindi nakasama sa aming Facebook live broadcast last November 13, 2021, maaari niyong mapanood ulit ang video sa link na ito: https://fb.watch/9OZxVf70r3/

    • 1 hr 37 min
    Episode 61: PUSITibong Reaksyon at Review para sa Squid Game

    Episode 61: PUSITibong Reaksyon at Review para sa Squid Game

    Samahan niyo kami sa isa na namang Positibong Usapan at Balitaktakan tungkol sa "most watched series" sa Netflix, ang Squid Game. Yung akala mo brutal na palabas lang ito pero may kurot pala sa puso, na tumimo hindi lang sa mga Koreano at Pilipino, pati na sa buong mundo. Tara na at makireact sa mga characters at mga moments sa series na ito habang sini-celebrate ang pilot episode ng ika-apat na season ng Ang PUBcast.

    Sa mga hindi nakasali sa aming Facebook live broadcast last October 23, 2021, maaari niyo pa ring mapanood ang video sa link na ito: https://fb.watch/9f2TIAtMfj/

    • 1 hr 57 min

Top Podcasts In Society & Culture

Shawn Ryan Show
Shawn Ryan | Cumulus Podcast Network
Stuff You Should Know
iHeartPodcasts
Animal
The New York Times
Call It What It Is
iHeartPodcasts
This American Life
This American Life
Lights On with Carl Lentz
B-Side