2,000 episodes

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

PAULINES Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

    • Religion & Spirituality

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

    Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 31, 2024 – Biyernes


    Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon










    Ebanghelyo: Lucas 1,39-56

    Nagmamadaling naglakbay si Maria papunta sa isang bayan sa mataas na lupain ng Juda. Pumasok siya roon sa bahay ni Zacarias at binati si Elizabeth. Nang marinig ni Elizabeth ang bati ni Maria, sumikad ang sanggol sa
    sinapupunan niya, at napuspos ng Espiritu Santo si Elizabeth at malakas siyang sumigaw at sinabi: “Lubos kang pinagpala sa mga kababaihan. Pinagpala rin ang
    bunga ng iyong sinapupunan! Sino nga ba naman ako’t naparito sa akin ang ina ng aking Panginoon? Nang umabot sa aking pandinig ang iyong pagbati, sumikad sa
    tuwa ang sanggol sa aking sinapupunan! Pinagpapala ang naniniwalang magaganap ang mga sinasabi sa kanya ng Panginoon.” At sinabi ni Maria: “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon at nagagalak ang aking espiritu sa Diyos na aking Tagapagligtas dahil isinaalang-alang niya ang balewalang utusan niya, at mula ngayon, ituturing akong mapalad ng lahat ng salinlahi. Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang Pangalan. Patuloy ang kanyang awa sa
    mga sali’t-salinlahi para sa mga may pitagan sa kanya. Ipinakita niya ang lakas ng kanyang bisig, ipinagtabuyan ang mga taong may mapagmataas na balak.
    “Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga balewala. Binusog niya ng mabubuting bagay ang mga nagugutom at itinaboy naming walang-wala ang mayayaman. Nilingap niya ang Israel na kanyang lingkod, inalala ang kanyang awa ayon sa ipinangako niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang angkan magpakailanman.” Mga tatlong buwang nanatili si Mariang kasama ni Elizabeth at saka nagbalik sa kanyang bahay.

     

     

    Pagninilay:

    Sa pagmamadali kong umuwi, nakalimutan ko ang pangako ko sa aking pamangkin. Pagdating sa bahay ng
    aking kapatid, patakbong yumakap ang pamangkin ko at tuwang-tuwang nagtanong – “Uncle, where is my donut?” Naku, halos matunaw ako sa hiya dahil wala akong
    dalang donut. Sabi ko na lang sorry at bukas ko na lang bibilhin kasi nalimutan ni uncle. Laking gulat ko nang ngumiti ang aking pamangkin at niyakap akong
    muli, sabay sabing, “It’s OK uncle. But tomorrow it’s already 2 boxes”.  Mga kapanalig, sa Mabuting balita ngayon, nagmamadali si Maria upang dalawin si Elisabet na kanyang pinsan. Nagmamadali sapagkat dala-dala niya ang Mabuting Balita sa kanyang sinapupunan. Hindi niya
    ito makakalimutan sapagkat napakalaki at kagila-gilalas ito, na tiyak na ikamamangha ni Elisabet, na nakaranas din ng himala sa kanyang pagdadalang-tao. Pareho ang
    dumalaw at dinadalaw na may pasalubong sa bawat isa. Pareho nilang tangan sa kanilang puso at sinapupunan ang Mabuting Balita, at ang tinig na maghahanda ng
    daan para sa Mabuting Balita. Parehong nanalig sa kapangyarihan ng Diyos at naging bahagi sa plano ng kaligtasan ng sanlibutan, ang magpinsan. Sa kanilang pakiki-isa at pagtugon sa Diyos nasimulan ang daan sa pangakong kaligtasan. Kapanalig, Paanyaya ito sa atin na makiisa at magmadali rin sa pagbabahagi ng Mabuting
    balita sa ating kapwa, na naghihintay marinig ang tinig at plano ng Diyos sa buhay nila. Nawa’y huwag nating malimutan ang tunay at nakasasabik na pasalubong para sa kanyang bayan – ang wagas na pagmamahal at walang hanggang awa at biyaya ng Diyos. Amen.

     

    • 5 min
    Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 30, 2024 – Huwebes

    Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon

    Santa Juana ng Arco









    Ebanghelyo: MARCOS 10:46-52

    Dumating si Hesus sa Jerico, at pag-alis n’ya roon kasama ng kanyang mga alagad at ng marami pang tao, may isang bulag na pulubi na nakaupo sa tabing-daan-- si Bartimeo, na anak ni Timeo. Nang marinig niya na si Hesus na taga-Nazaret ang dumaraan, nagsimula siyang sumigaw: “Kaawaan mo ako, Jesus, anak ni David.” Pinagsabihan siyang tumahimik ng mga tao pero lalo lamang niyang nilakasan ang kanyang sigaw: “Panginoon, anak ni David, maawa ka sa akin!” Huminto naman si Hesus at sinabi: “Tawagin n'yo siya.” “Lakasan mo ang iyong loob at tumindig ka. Tinatawag ka nga niya.” Inihagis nito ang kanyang balabal at paluksong lumapit kay Hesus. Kinausap ito ni Hesus at sinabi: “Ano ang gusto mong gawin ko?” “Ginoo, makakita sana ako.” “Sige, ang iyong
    pananalig ang nagligtas sa iyo.” Agad s’yang nakakita at sumunod s’ya kay Hesus sa daan.

     

    Pagninilay:

    Itinalaga ni Papa Francisco ang taong ito na Taon ng Panalangin bilang paghahanda sa dakilang Jubileo sa 2025. Paano ba dapat manalangin? Isang napakagandang
    halimbawa ng panalangin ang ebanghelyo ngayon. Hindi lamang sumigaw si Bartimeo upang humingi ng tulong kay Kristo nang may matibay na pananampalataya. Aktibo
    rin niya siyang hinanap sa pamamagitan ng pagbangon at paglapit sa kanya. Matiyaga at patuloy siyang tumawag kay Hesus na kinilala niya bilang Mesiyas, kahit na pinigilan siya ng iba. Buong tiwala niyang sinabi kay Kristo na gusto niyang makakita, at dininig ng Panginoon ang kanyang hiling. Nagsimulang makakita si Bartimeo, at
    natanggap rin niya ang dakilang biyayang makita ang mukha ni Kristo. Kay Bartimeo, matututunan natin ang mga katangian ng panalangin: Una, ito ay simple at mapagkumbaba – kinikilala ang kahinaan at kakulangan, at idinudulog ito sa Panginoon nang walang maraming palabok na salita. Ikalawa, may matibay itong
    pananampalataya. Ikatlo, punumpuno ito ng pag-asa na nag-udyok kay Bartimeo upang bumangon at lumapit kay Jesus. Ika-apat, paulit-ulit at matiyaga niyang sinambit ang kanyang pagsusumamo, kahit na pinigilan siya ng iba.

    Para kay Santa Teresita ng Lisieux: “Ang panalangin ay silakbo ng puso; ito’y isang simpleng tingin sa langit, isang sigaw ng pagkilala at ng pag-ibig, na yumayakap ng pagsubok man o kagalakan.” Kapanalig dasal tayo Ha.

     

    • 3 min
    Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 29, 2024 – Miyerkules


    Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: MARCOS 10:32-45

    Sa paglakad ng mga alagad paahon sa Jerusalem, nanguna si Hesus at nagtaka sila. Natakot naman ang mga kasunod nila. Muli niyang isinama ang Labindalawa at habang nasa daan ay sinimulan niyang sabihin sa kanila ang mga sasapitin niya: “Tingnan ninyo, papunta na tayo sa Jerusalem. Doon ibibigay ang Anak ng Tao sa mga Punong-pari at mga guro ng Batas na maghahatol sa kanya ng kamatayan. Kaya ibibigay nila siya sa mga pagano. Pagtatawanan nila siya, luluraan, hahagupitin at papatayin. Ngunit babangon siya pagkatapos ng tatlong
    araw.” Lumapit noon kay Hesus sina Jaime at Juan na mga anak ni Zebedeo, at sinabi sa kanya: “Guro, gusto sana naming gawin mo ang hihingin namin sa iyo.”
    “Ano ang gusto n'yong gawin ko?” “Ipagkaloob mo sa amin sa iyong kaluwalhatian na maupo ang isa sa amin sa kanan mo, at ang isa naman sa kaliwa mo.” “Talagang
    hindi ninyo alam kung ano ang hinihingi ninyo. Maiinom ba ninyo ang kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na ibibinyag sa akin?” “Kaya namin.” “Totoong iinom din kayo sa kopang iinumin ko at mabibinyagan sa binyag na
    ibibinyag sa akin. Ngunit wala sa akin ang pagpapaupo sa aking kanan o kaliwa. Inihanda ito para sa iba.” Nang marinig ito ng sampu, nagalit sila kina Jaime
    at Juan. Kaya tinawag sila ni Hesus, at sinabi sa kanila: “Nalalaman ninyo na sinusupil ng mga naghahari ang kanilang mga bansa at inaapi ng mga nasa kapangyarihan. Huwag namang ganito sa inyo: ang may gustong maging dakila, siya ang maging lingkod ninyo, ang may gustong mauna sa inyo, siya ang maging alipin ninyo. Gayundin naman, dumating ang Anak ng Tao hindi para paglingkuran kundi maglingkod at ibigay ang kanyang buhay bilang pantubos sa marami.”

     

     

     

    Pagninilay:

    Sa ating Ebanghelyo ngayon, hiniling nina apostol Santiago at Juan na maupo sa kanan at kaliwa ni Hesus kung sakaling maghahari na siya sa mundo. Tanda ito na hindi pa nila lubusang naiintindihan kung anong klaseng paghahari ang gagawin ni Hesus sa mundo.

    Maghahari si Hesus sa mundo sa pamamagitan ng paglilingkod nang may pagpapakumbaba. Mag-aalay siya ng kanyang buhay alang-alang sa kapakanan ng kanyang
    pinaglilingkuran. Ang tunay na paglilingkod ay may
    pagsasakripisyo ng sarili alang-alang sa ikabubuti ng iba. Minsan kailangan nating pag-isapan ang mga praktikal na katanungan gaya ng: Hindi kaya magaling, may kakayanan, at mas naka-aangat ako sa buhay ay dahil mas malaki ang responsibilidad kong tumulong at maglingkod sa iba? Hindi kaya mas maraming biyaya ang aking natatanggap dahil mas malaki ang aking oportunidad at
    responsibilidad na tumulong sa mga nangangailangan? — Ito marahil ang ibig sabihin ni Hesus sa ating Gospel: “Ang pinakadakila sa inyo ay dapat matutong maglingkod sa inyo.” Sa huling yugto ng ating buhay, walang paunahan sa Muling Pagkabuhay. Diyos ang huhusga sa atin, kung nararapat tayong magkamit ng biyaya ng Muling Pagkabuhay. Ang sukatan ng Diyos ay kung gaano
    tayo nagmahal—ibig sabihin kung gaano natin pinahalagahan ang isa’t isa, at hindi kung gaano kadami ang nalalaman natin at nakamit nating tagumpay sa
    buhay. Ganyan tayo nakikiisa sa plano ng Diyos kooperasyon, hindi kompetisyon.

    Manalangin tayo: O Hesus, inalay mo ang iyong sarili upang ako’y maligtas mula sa kasalanan. Turuan mo akong
    makapaglingkod din sa iba nang may pagpapakumbaba. Amen.

     

    • 4 min
    Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 28, 2024 – Martes

    Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon








    Ebanghelyo: MARCOS 10,28-31

    Nagsalita si Pedro at sinabi: “Iniwan namin ang lahat upang sumunod sa iyo.” Sinabi ni Hesus: “Talagang sinasabi ko sa inyo: walang nag-iwan ng tahanan, mga kapatid, ina at ama at mga anak at mga bukid alang-alang
    sa akin at sa Ebanghelyo na walang gantimpala. Tatanggap nga siya ngayon ng makasandaang beses ng mga tahanan, mga kapatid, mga ina at mga anak at mga
    bukid sa gitna ng mga pag-uusig, at sa panahong darating nama'y makakamit n’ya ang buhay na walang hanggan. May mga una ngayon na mahuhuli at may mga huli
    naman na mauuna.”

     

    Pagninilay:

    Narinig natin ang sinabi ni Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan namin ang lahat at kami’y sumunod sa inyo.” Mukhang may hugot ang binitawang salita ni Pedro. Totoong may kalakip na pag-uusig, sa bawat panawagan na sumunod sa yapak ng ating Panginoon. Ito ang great challenge. Noong nagsisimula akong tumugon sa calling ng pagmamadre, exciting para sa akin. Dahil nananabik ako noon na manahan sa kumbento. At sa formation na natanggap ko, doon ko lang napagtanto na ang
    kamangha-manghang panawagan ay ang ugnayan ko sa Diyos. Sa initial formation, dahan-dahan kong nauunawaan kung sino ako. Unti-unti, natutuhan ko ring mahalin ang sarili ko. Kasabay nito, little by little, ang nakilala kong Hesus, hindi ko lang nakikilala sa pangalan kundi, ang tunay na kahulugan ng Kanyang
    pangalan sa aking buhay. Kay tamis pagnilayan: Aking Tagapagligtas. Hindi lang din Siya bilang aking Hesus Maestro na nagtuturo sa akin, kundi isang Maestro
    na mas nakakaalam pa ng aking pagkatao kaysa sa akin. Nang tumatagal na ako sa pagtugon sa paghuhubog sa akin, natagpuan ko ang aking strengths and
    weaknesses, talents and incompetencies. Mayroon na ring requirement na i-let go ang maraming bagay na natutuhan kong i-treasure. Higit pa roon, mas natatanggap
    ko na, ang panawagan ng pag-uusig. Yun bang kahit na malinis ang iyong intensyon, at iba ang kanilang interpretasyon, kaya ko nang tiisin. May tukso
    rin na pilit sinusungkit ang pagmamahal ko sa aking Hesus Maestro at ipagpalit sa yamang material, at sa inaalok na pag-ibig ng isa ring nilalang, pero nakakayanan ko Siyang ipaglaban. Sa mga pag-uusig na ito, hindi ito dapat ikabahala dahil kailangan ko ito sa paglago ng aking pagmamahal at pananampalataya sa Kanya.

    • 3 min
    Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 27, 2024 – Lunes


    Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: MARCOS 10,17-27

    Isang tao ang patakbong sumalubong kay Hesus at paluhod na nagtanong: “Mabuting guro, ano ang dapat kong gawin para magmana ng walang hanggang buhay?” Sumagot sa kanya si Hesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang. Alam mo ang mga utos: Huwag papatay, wag makiapid, wag magnakaw, wag manirang puri sa kanyang kapwa, wag mandaya, igalang ang iyong ama’t ina. Sinabi sa kanya ng tao: Sinunod ko ang lahat ng ito mula pagkabata, ano pa ang kulang ko?” Kaya tinitigan siya ni Hesus at minahal siya at sinabi: “Isa ang kulang sa iyo. Umuwi ka at ipagbili ang lahat ng iyo at ibigay sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.” Pinanghinaan ng loob ang tao sa salitang ito at umalis na malungkot sapagkat napakayaman niya. Kaya tumingin si Hesus sa
    paligid at sinabi sa kanyang mga alagad: “Napakahirap ngang pumasok sa Kaharian ng Diyos ang mga may kayamanan.” Takang-taka ang mga alagad dahil sa
    pananalitang ito. Kaya muling sinabi sa kanila ni Hesus: “Mga anak, napakahirap ang pumasok sa Kaharian ng Diyos! Oo, mas madali pa para sa kamelyo ang lumusot
    sa butas ng karayom kaysa pumasok ang isang mayaman sa Kaharian ng Diyos.” Lalo pang namangha ang mga alagad at nag-usap-usap: “Kung gayon, sino ang
    maliligtas?” Tinitigan sila ni Hesus at sinabi: “Imposible ito para sa tao pero hindi para sa Diyos; lahat ay posible para sa Diyos.”

     

    Pagninilay:

    Anuman ang imposible sa tao, sa Diyos, lahat ay maaaring mangyari. Ito ang nais kung bigyang-diin sa aking pagninilay. Ipinapaalaala sa atin na lahat ng nangyayari
    dito sa mundo ay nakikita ng Diyos. Totoong anumang gawin natin ay makakaapekto sa ating relasyon sa bawat isa, at sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa ating
    kalayaan, maaari tayong pumili ng ating desisyon. Harinawa ay isipin natin ang kapakanan ng higit na nakararami, kaysa sa pansariling kapakinabangan.
    Nalungkot ang taong nagtanong kay Hesus kung ano ang dapat pa niyang gawin upang makamtan ang buhay na walang hanggan noong marinig ang sagot niya. Winika
    kasi ni Hesus na ipagbili nito ang lahat niyang ari-arian at ipamigay sa mga dukha. Tayo po kaya, mga kapanalig, saan nakasalalay ang ating kaligayahan at kahulugan ng ating buhay? Sa kayamanang bumibilanggo ng kalayaan? O sa karukhaan sa materyal na bagay pero maayos ang relasyon sa Diyos at sa kapwa?  

     

    • 4 min
    Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 26, 2024 – Linggo

    Dakilang Kapistahan ng Talong persona sa isang Diyos 

     



    Ebanghelyo: Mateo 28,16-20

    Pumunta sa Galilea ang Labing-isang alagad, sa bundok na itinakda ni Hesus. Pagkakita nila sa kanya, sumamba sila, ngunit may nag-aalinlangan pa. At nilapitan sila ni Hesus at sinabi: “Ibinigay sa akin ang buong kapangyarihan sa Langit at sa lupa. Kaya humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng bansa. Binyagan sila sa Ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, at turuan sila na sundin ang lahat ng iniutos ko sa inyo. Kasama ninyo ako sa lahat ng araw hanggang sa wakas ng panahon.”

     

    Pagninilay:

    Ngayong araw, ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng Santisima Trinidad, ang Banal na Santatlo, ang pinakasentro ng ating pananampalataya. Naniniwala tayo na ang Diyos ay may tatlong Persona - Ama, Anak at Espiritu Santo, pero iisa lamang ang Diyos. Paano nating pinararangalan ang Banal na Santatlo?  Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ni Hesus na gawing alagad ang lahat ng mga bansa. Ito ang tinatawag na Dakilang Komisyon
    na binasa natin sa Mabuting Balita. Ito ang ating misyon bilang mga Kristiyano: na ibahagi ang ating pananampalataya sa Banal na Santatlo sa pamamagitan ng
    ating mga salita at gawa, sa pamamagitan ng ating pagpapakita ng pag-ibig sa Diyos at sa kapwa, sa pamamagitan ng ating pagsaksi sa buhay na banal, sa
    pamamagitan ng ating pakikilahok sa buhay ng Simbahan. Mga kapanalig, ngayong kapistahan ng Banal na Santatlo, magpasalamat tayo sa Diyos sa kanyang dakilang
    pag-ibig. Tumugon tayo sa kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating pag-ibig. At ipagdiwang natin ang kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng ating buhay.

    -Fr. Rolly Garcia

    • 3 min

Top Podcasts In Religion & Spirituality

The Bible in a Year (with Fr. Mike Schmitz)
Ascension
The Bible Recap
Tara-Leigh Cobble
WHOA That's Good Podcast
Sadie Robertson Huff
BibleProject
BibleProject Podcast
With The Perrys
The Perrys
Girls Gone Bible
Girls Gone Bible

You Might Also Like