4 episodes

Mga tula at kwentong di maletrahan ng pusong iniwan.

Tula ng Pusong Iniwan RR Timoteo

    • Society & Culture

Mga tula at kwentong di maletrahan ng pusong iniwan.

    Maraming lakas ang inipon ko

    Maraming lakas ang inipon ko

    Maraming lakas ang inipon ko
    Makalimutan lang ang ngiti mo.

    Maraming lakas ang inipon ko
    Makalimutan lang ang amoy ng iyong pabango.
    Na naglalakbay sa ilong
    Patungong puso.
    Amoy na kayang pakiligin
    Kayang pasayahin
    Kayang alipinin
    Bawat taglay kong angkin.

    Maraming lakas ang inipon ko
    Mawala lang sa isip ang tinig mo.
    Tinig na kayang payapain
    Bawat problemang malalim —
    Sa pera
    Sa trabaho
    Sa pamilya
    Sa sarili.
    Mabisang pampigil ang yong tinig
    Sa maraming beses kong tangkang pag-alis.

    Maraming lakas ang inipon ko
    Wag ko lang hanap-hanapin
    Ang higpit ng yakap mo.
    Yakap na tila laging nagsusumamo,
    Na kita’y pawalan
    At hayaang maglaho.
    Mahal,
    Patawarin mo ako,
    At umabot tayo dito.

    Maraming lakas ang inipon ko
    Maalis lang sa isip ko ang ‘yong mga pangako,
    Na walang iba kundi tayo
    Na bawat hapunan
    Laging magkasalo,
    Na bubuo tayo ng sariling mundo.
    Haaaaaaaaaay!
    Ngayon ko napagtanto
    Di pala lahat ng kwento
    Maligaya ang dulo.

    Maraming lakas ang inipon ko
    Wag lang magbalik muli:
    Ang ngiting bumihag sa’king puso
    Ang di malimutang amoy ng pabango
    Ang di mawala-walang mayuming tinig
    Ang hinahanap-hanap na yakap
    At mga pinangakong pangarap.
    Mahal,
    Maraming lakas ang inipon ko
    Masabi lang ang "paalam".

    • 3 min
    Your mom called me

    Your mom called me

    Nagpapasalamat ako, sa kabila ng mga nangyari, patuloy kong nararamdaman kung gaano kalaki ang tiwala sa akin ng mga magulang mo, na kung papipiliin lang daw sila, ako ang pipiliin nila. Hindi sa pinipilit kong maging tayo ulet, nakakataba ng puso marinig ang mga taong pinaka-nagmamahal sayo, ako ang mahal hindi yung bago mo. Sana, matutunan rin nilang mahalin ang mahal mo. Ingat ka!

    • 8 min
    Kung sakaling marinig mo, para sayo to.

    Kung sakaling marinig mo, para sayo to.

    May mga gabing gusto kitang kantahan, gaya ng dati kapag di ka makatulog.

    • 4 min
    Tula para sa mga sinungaling

    Tula para sa mga sinungaling

    Kagabi, nagsinungaling ako sa’yo
    Hindi totoong busy ako.
    Papaano magiging busy ang isang taong
    Maghapon nakabantay sa telepono?
    Nagaantay,
    Umaasa.
    Umaasang babalik sa dating gawi
    Ang lambing ng ‘yong tinig
    At marahang ngiti sa bawat hinto ng hininga.
    Nagsinungaling din ako
    Nang sinabi kong okay na ako.
    Hindi ako magiging okay.
    Walang okay na taong ulit-ulit babalikan
    Ang mga naipong larawan
    Ng kamay na magkahawak
    At balikat na magkaakbay.
    Ng pagkaing di maubos-ubos,
    Ng masunuring tuwalyang sang linggong pinagsaluhan,
    Ng halimuyak niyong pabango,
    Ng gusto mong tamang timpla ng kape,
    (Di masyadong matamis,
    Di masyadong matapang)
    Sakto lang.
    Gaya ng aking pagkatao,
    Di masyadong matamis,
    Di masyadong matapang,
    Sakto lang.

    Nagsinungaling din ako, nang sabihin kong "kaya ko pa"
    Mahirap kayaning lumaban mag-isa.
    Bumibigay ang lahat sa kawalan ng pahinga.
    Gaya ng pagbigay ng tuhod ng tsuper sa maghapong pasada,
    Ng pagbigay ng nilakaran mong kawayang tulay,
    Ng pasensyang nasasagad sa palagian mong di pag-uwe sa bahay,
    At nang tuluyang pagbigay ng di mapigil-pigil na damdamin.
    Damdaming di natatakpan ng tawanan,
    Ng masarap na higop ng mainit-init pang sotanghon,
    Ng halamang nadidiligan ng malulungkot na salitang kinikimkimkimkim.
    Damdaming di na paawat pa sa ngiti mo’t bango.
    Gaya ng pagbigay ng isip sa mga tanong na di masagot-sagot,
    Bumibigay ang lahat sa kawalan ng pahinga.
    Bumibigay ang puso sa kawalan ng pag-asa.

    Bago ako tuluyang bumigay, magsasabi ako ng totoo,
    Ikaw ang laman ng puso
    Iba man ang piliin mo.

    • 3 min

Top Podcasts In Society & Culture

Stuff You Should Know
iHeartPodcasts
Shawn Ryan Show
Shawn Ryan | Cumulus Podcast Network
Where Everybody Knows Your Name with Ted Danson and Woody Harrelson (sometimes)
Team Coco & Ted Danson, Woody Harrelson
This American Life
This American Life
Call It What It Is
iHeartPodcasts
Animal
The New York Times