Grade 3. 9 years old. Section Masipag Hindi akma sayo yung section natin. Hindi ka masipag, hindi ka matalino, pero bibo ka. Ikaw yung bida bida sa klase, maingay, at mahilig magpapansin Ngunit may isang bagay akong napansin, hindi ito ang lakas ng boses mo o ang pagdaan daan mo sa aisle ng row ko. Ito ay ang laging mong pagtingin sa akin. Mula sa pagpasok ko sa room, pag baba ng bag, at pag upo sa upuan. Nakatingin ka. At alam ko yun, dahil nakatingin din ako. Dumating ang araw na nagsimula na ang asaran, kantsyawan, at pag FLAMES ng ating pangalan. Pati sa larong MASH, lagi mong sinasama ang pangalan ko sa category ng "Marry" na never naging ako ang ending. Hanggang sa isang hapon, paguwi ko ng bahay... "Telepono, hinahanap ka" napaisip ako kung sino ang tumawag, kaklase ko na magtatanong kung pwede kumopya o kaklase ko na magtatanong ano bang homework ang kelangan sagutan. Kinuha ko ang telepono at sabay sabing "Hello? sino to?" Hindi mo pa nababanggit ang pangalan mo, pero sa unang salita mo palang, alam ko ikaw na 'to. Dinala ko ang telepono sa kwarto ng mama ko habang pinipilit isipin kung saang lupalop mo nalaman ang numero ng bahay ko. Sa likod ba ng ID? o sa likod ng mga libro kong nagsasabi na "In case of lost, pls bring back to this address or call this number" Tumakbo ang segundo minuto at oras. patuloy lang tayong nagkwekwentuhan na nagsimula sa eskwelahan, sa titser nating masungit, sa homework, sa laban ni sakuragi at rukawa, hanggang sa pag kagusto mo sa akin. at ito na. ramdam ko na, hindi mo na kayang itago. ramdam ko na na gusto mo ng sabihin ang matagal mo ng tinatago, na halatang halata ko. "Gusto kita, I love you" tumigil sandali ang oras at mabilis na tumibok ang puso ko. Ito ang unang beses na narinig ko ang tatlong salitang yun, hindi mula sa nanay ko, sa tatay ko, o kay Barney na lagi akong kinakantahan ng "I love you, you love me" ito ang unang beses na narinig ko siya mula sa ibang tao. Grade 3. 9 years old. Section Masipag. Binaba ko kaagad ang telepono. hindi alam ang sasabhin. nag iisip pero nakangiti. lumipas ang ilang segundo, tumawag ka ulit. Hinihintay mo ang sagot sa mga salitang binitawan mo. at hinihingi ang aking "oo" Grade 3. 9 years old. Section Masipag. At sinagot kita "oo, I love you" sabay baba ng phone mabilis ang pintig ng puso. Grade 3 9 years old, sa linya ng bayantel, una kong sinabi ang I love you.