Heidelberg Catechism Lord's Day 6 (Questions 16-19)

Studies on the Heidelberg Catechism

Q16. Bakit kinakailangan na siya ay maging tunay na tao at tunay na matuwid? Siya ay kinakailangang maging tunay na tao sapagkat ito ang hinihingi ng katarungan ng Diyos na ang parehong kalikasang tao na nagkasala ang siyang dapat magbayad para sa kasalanan. Kinakailangan rin na siya ay maging matuwid sapagkat hindi kayang bayaran ng makasalanan ang kasalanan ng iba.

Q17. Bakit kinakailangang siya’y maging tunay na Diyos rin? Siya ay dapat maging tunay na Diyos upang sa pamamagitan ng kapangyarihang taglay ng kanyang kalikasan bilang Diyos ay makaya niyang dalhin sa kanyang kalikasang tao ang tindi ng poot ng Diyos, nang sa gayon ay makamtan at maibalik niya sa atin ang katuwiran at buhay.

Q18. Ngunit sino ang tagapamagitang ito na tunay na Diyos at tunay na taong matuwid? Ang ating panginoong Jesu-Cristo, na siyang ginawa ng Diyos na maging ating karunungan, katuwiran, kabanalan at katubusan.

Q19. Saan mo nakuha ang kaalamang ito? Mula sa banal na ebanghelyo, kung saan ang Diyos mismo ang nagpahayag nito doon sa Paraiso. Nang maglaon, inihayag niya rin ito sa pamamagitan ng mga patriarka at mga propeta, at ipinahiwatig sa pamamagitan ng mga haing handog at iba pang mga seremonya ng kautusan. Sa wakas, ito’y kanyang ipinatupad sa pamamagitan ng kanyang bugtong na Anak.

To listen to explicit episodes, sign in.

Stay up to date with this show

Sign in or sign up to follow shows, save episodes, and get the latest updates.

Select a country or region

Africa, Middle East, and India

Asia Pacific

Europe

Latin America and the Caribbean

The United States and Canada