JUAN MIGUEL SEVERO SCANDAL AT PANULAAN Usap-usapan si Juan Miguel Severo Usap-usapan dahil sa eskandalo Dahil sa alegasyong sexual harrasment rito Pero bago pa man ito Malaon na syang materyal ng kwento, Bilang mahusay sa spoken word poetry ito. Kaalinsabay halos ng hugot lines, Sumikat sa bansa ang ganitong katha Kaya akala ng iba na ang tula'y papawala, Nagkakamali kayo ng inaakala. Normal na katulad ng ibang likha, Dumadaan ito sa iba't-ibang babala Ngunit inaanak ay panibagong mukha, Ebolusyon at inobasyon Sya nating gawing eksplanasyon. Ito rin marahil ang dapat kong paliwanag, Kaya't itong balitula akoy tinawag, Ngunit ayaw kong ariing akin, Dahil kung inyong mapapansin, Matagal na itong ginagawa sa atin. Hinamig lang ako nitong pausuhin Mula ng sa panulaan ako'y akitin Kuya Tiago sa kanyang sulatin, Nagpasikhay muli sa aking damdamin. At ng mabasa minsan ang isang tulain, Balitulang pamagat,syang ginamit ko na rin. Kaya't kay Ka Enchong na Blogger Ako po'y inyong patawarin, Pamagat nyo'y aking inikit din Tingin ko nama'y hawig ating naisin. Inaral ko si Mark Logan pati na rin si Jack Logan, Prinsipe Makatang matugma, Hinalawan ko rin ng katha. At lahok ay pusong makabansa. Kaya islogang aming ginawa Balita sa Masa, Tula ng Konsensya. Maski ngani historikong pagsisimula Inalam ko dangan lang at di naitala Ngunit sa ilang mga hinuha, Libong taon maari yata. Pinasadahan mga epikong tula, Gilgamesh, Mahabarata o Ramayana, Pati kay Homer na Odyssey at Iliad, Na sa Darangan ng Mindanao ay tulad. Soneto ni Shakespeare at Petrarca Hanggang sa panahong Elizabeth I na Reyna, Tumungo ng Satire at Restorayson Hanggang Romantiko at Rebolusyon Pati panulaang kumalat hanggang Amerika, Sulating gyera ng Jamaica, Nobel Prize ni Tagore ng India, At syempre pa ang sarili nating wika. Binalikan ko ri'y bugtong nati't sawikain, Pati tanagang puno ng talinhaga, Pati dulang lahok pambanyaga, Maging Kay Balagtas na maimpluwensya Lalong higit ang Florante at Laura; Paterno,Marcelo,Rizal at Isabelo, Hanggang kay Jose Batute at Amado Hanggang tulaan ng pinatay si Aquino, Nakarating ako ng tulang moderno, Patungo sa panahon ng una kong kwento Si Juan Miguel Severo. Don't forget to follow,like and subscribe our fb, YouTube,tiktok @balitulaphilippines #ShareShareShare #balitula