2,000 episodes

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

PAULINES Daughters of St. Paul | Phil-Malaysia- PNG-Thai Province

    • Religion & Spirituality

On the occasion of the 60th anniversary of the birth to heaven of its co-foundress, Venerable Thecla Merlo and on the 30th anniversary of the Pauline trademark, the Daughters of St. Paul announces a restyling of the PAULINES PUBLISHING TRADEMARK and its new INSTITUTIONAL LOGO.
"We are here to provide a new way of communicating and proclaiming the Gospel."
#Paulines #DaughtersOfStPaul

    Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes

    Mabuting Balita l Mayo 24, 2024 – Biyernes

    Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon






    Ebanghelyo: MARCOS 10:1-12

    Nagpunta si Hesus sa probinsiya ng Judea, sa kabilang ibayo ng Ilog Jordan. At napakaraming tao naman ang nagdatingan. At muli niya silang tinuruan gaya nang dati. At lumapit ang ilang Pariseo na gusto siyang subukan at
    tinanong nila siya: “Pinahihintulutan bang diborsiyuhin ng lalaki ang kanyang asawa sa anumang dahilan?” Itinanong naman niya: “Ano ang iniutos ni Moises” At sinabi nila: “Ipinahintulot ni Moises na paalisin ang babae pagkabigay sa kanya ng kasulatan ng diborsiyo.” Sinabi naman ni Hesus sa kanila: “Alam ni Moises na matigas ang inyong puso kaya sinulat niya ang kautusang ito. Ngunit sa simula’y ginawa sila ng Maykapal na lalaki at babae, at dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina at magigigng iisang katawan ang dalawa. Kung gayo’y hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos.” Nang nasa bahay na sila, tinanong siyang muli ng mga
    alagad. At sinabi niya sa kanila: “Kung may lalaking magpaalis sa kanyang asawa at saka magpakasal sa iba, nakiapid siya. At kung ang babae naman ang magpaalis
    sa lalaki at magpakasal sa iba, nakikiapid din siya.

     

    Pagninilay:

    Gaano katigas ang Puso ng tao.

    Mahirap kalaban ang puso ng tao. Lalo na kung katakut-takot ang galit at poot, at nagsusumiksik ang tampo at pagwawalang kibo. Dito nakaugat ang maraming suliranin at pagkakasala. Sa pusong nagmamatigas madalas nagmumula ang paghihiwalay, pag-aaway at
    pagkakawatak-watak ng pagkakaibigan, ng pamilya, ng mag-asawa. Kapag nagmatigas ang puso – wala itong nadarama, walang nauunawa, walang nakikita, ga-pader at ga-bato. Sa pagmamatigas ng puso – yabang, taas ng tingin sa sarili, at kawalang-awa ang pinamamayani. Talo ng nagmamatigas na puso ang kahit na anong maso o bato; hindi ito mapalalambot o madudurog ng kahit na ano. Maliban sa isa – ang pagmamahal ng Diyos na hindi
    sumusuko. Kung makikinig lamang tayo sa patuloy na pagtawag ng Diyos, layon Niya na makaisa natin ang lahat, makasundo, makadaupang palad – makaisang puso
    at diwa. Mangyayari lamang ito kung tumitibok ang ating mga puso nang sabay sabay – tulad ng isang koro na ang mga tinig ay sabay sabay na umaawit. Walang
    pusong matigas sa grasya na patuloy na ibinubuhos ng Diyos. Walang pusong bato sa kapatawaran na laging iniaalay ng Diyos. Hamon ng Mabuting balita sa ating
    lahat na hayaang lumambot ang ating mga puso – sa tulong ng pagmamahal, kapatawaran, pagkalinga at awa na nagmumula sa grasya ng Diyos. Huwag nating hayaang ang yabang, kasinungalingan at pagkamakasarili ang bumalot sa puso natin, upang patuloy na maramdaman ang presensya at pag-ibig ng Diyos; pag-ibig na dapat ibahagi at ibigay din sa lahat – lalung-lalo na sa inyu-inyong asawa at sa ating pamilya. Amen.

     

    - Fr. Buen Cruz , SSP l Society of St. Paul

    • 4 min
    Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes

    Mabuting Balita l Mayo 23, 2024 – Huwebes


    Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: MARCOS 14:22-25

    Habang sila ay kumakain kinuha niya ang tinapay at matapos mag puri sa Diyos ipinaghatihati niya yon at ibinigay sa kanyang mga alagad habang sinasabi : “Kunin ninyo ito and aking katawan”, pagkatapos ay kinuha niya ang kalis, nagpasalamat siya at ibinigay sa kanila at uminom ang lahat at sinabi niya sa kanila “ Ito ang aking dugo, ang dugo ng bagong tipan na ibinubuhos
    para sa marami. Sinasabi ko rin sa inyo hindi na ako iinum pa ng galing sa ubas hanggang sa araw na inumin ko ang bagong alak sa kaharian ng Diyos”. At pagkaawit
    ng mga salmo, pumunta sila sa bundok ng mga olivo.

     

    Pagninilay:

    Ang buwan ng Mayo ang may pinakamaraming
    fiesta dito sa ating bansa. Siyempre, hindi kumpleto ang fiesta kung walang handaan. Ito’y patunay na mahilig tayo sa pagkain. Ano mang okasyon, hindi talaga
    mawawala sa atin ang kainan. Indeed, food is life. Hindi tayo mabubuhay kung di tayo kakain. Pagkain ang nagbibigay sa atin ng lakas sa pang araw-araw nating
    pamumuhay. Kaya naman ginamit ng ating Panginoong Hesukristo ang pagkahilig natin sa pagkain upang makapasok siya hindi lang sa espiritwal na aspeto ng ating buhay, kundi pati na rin sa literal nating katawan. Ginamit niya ang tinapay upang maging TUNAY niyang presensya at HINDI SIMBOLO lamang. Narinig natin sa Mabuting Balita na dumampot ng tinapay si Hesus, at matapos
    magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa mga alagad: “Kunin ninyo; ito ang aking katawan.” Ibinigay ng Panginoong Hesukristo ang Eukaristiya sa atin bilang patunay na hindi niya tayo iniwan. Nasa Eukaristiya ang tunay na
    presensya ng ating Panginoong Hesukristo. Gusto tayong makasama ng ating Panginoon hindi lang sa espiritwal na aspeto, kundi gusto niya tayong makasama
    nang litera. Mga kapanalig, tuwing tinatanggap natin ang Panginoong Hesukristo sa Eukaristiya, hindi lang laman at dugo ang tinatanggap o kinakain natin. Kasama sa kinakain natin ang persona ng ating Panginoong Hesukristo o ang kanyang life style: ang kanyang pagiging
    maawain, mahabagin, at mapagmahal. Kaya’t inaanyayahan din tayo na gawing Eukaristiya ang buhay natin. Tulad ng nangyayari sa Eukaristiya, hayaan nawa
    nating maging tinapay ang ating sarili upang makapagbigay buhay -  taken, blessed, broken, and shared.

    • 3 min
    Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules

    Mabuting Balita l Mayo 22, 2024 – Miyerkules

    Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon



    Ebanghelyo: MARCOS 9,38-40

    Sinabi ni Juan kay Hesus: “Guro, nakita namin ang isang di natin kasama na nagpapalayas ng demonyo sa bisa ng iyong pangalan. Ngunit pinigil namin siya dahil hindi natin siya kasama.” At sinabi ni Hesus: “Huwag n'yo siyang pigilan. Wala ngang gumagawa ng himala sa bisa ng aking pangalan na agad na magsasalita laban sa akin. Kakampi natin ang di natin kalaban.”

     

    Pagninilay:

    Empowered na ang mga alagad ng ating Hesus Maestro na magpalayas ng mga demonyo mula sa kanilang binibiktima. Sa kakayanan nilang magpalabas ng masamang Espiritu, ginagawa nila ito sa Ngalan ng ating Panginoong Hesus, pananalangin nang taimtim at may buong pananampalataya. Mukhang kampante na sila sa kanilang bokasyon at misyon. Kaya nang may nakita silang nagpapalayas ng demonyo, binawalan nila. Sila lang ang may ministry credentials. Parang buhay na naririnig ko na sinasabi nila na “O, eto ang aming certificate!” Kami lang ang authorized, well-trained kami dyan.” Mukhang hindi tayo nalalayo sa ganitong asal. Bilang Pilipino, by social orientation may tinatawag tayong “tayo-tayo” culture. Tayo lang ang may pribilehiyo na gumawa nito o pumasok doon. Halimbawa, kung ano ang ating expertise, tayo lang ang pwedeng mag-execute. Secure na tayo at hindi pwedeng ipagkatiwala sa iba. Pwedeng i-consider ito na
    makasarili, o self-serving. Ang nagiging masama pa rito,  nauuwi sa pagkainggit at pakikipagpaligsahan sa iba. Nangyayari ito kapag binigyan natin ng kahulugan ang umaangat na status o karangalan ng iba. Nakakaligtaan na kung ano ang para sa kabutihan ng lahat. Pero alam ko na marami pa rin sa atin ang nagsusumikap na hindi humabol sa special privilege ng tayo-tayo culture. May mga samahan na nagpupunyaging gawing motibasyon ng kanilang kakayanan ang malalim na panawagan na paglingkuran ang ating Panginoon. At di ba, maganda ring isipin na pagkakataon na para sa atin ang tanggapin ang Mabuting Balita ngayon.  Chance ito na harapin din natin ang tukso ng masamang espiritu. Madala skung babad tayo sa paglilingkod at masaya tayong gumagawa para sa ikabubuti ng lahat, doon tayo binubulungan ng pagmamataas, paghahanap ng kung ano ang
    mapapakinabangan o pagsasantabi sa kakayanan ng iba. Challenging at mahiwaga ang empowered servants of God. Kaya sa tendency nating mag-‘tayo-tayo’, gawin
    nating ‘tayong lahat-lahat’!  Sa Ngalan ng ating Hesus Maestro ibandila natin ang handog ng paglilingkod, pagkakaisa, pagkilala sa kakayanan ng bawat isa, at kabanalan para puksain ang tukso ng pagkakahiwa-hiwalay.

    -       Sr. Gemmaria Dela Cruz l Daughters of St. Paul

    • 4 min
    Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes

    Mabuting Balita l Mayo 21, 2024 – Martes


    Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon





    Ebanghelyo: MARCOS 9:30-37

    Umalis sa bundok si Hesus at ang kanyang mga alagad at nagsimulang dumaan sa Galilea. Gusto niya na walang sinumang makaalam sapagkat tinuturuan niya ang kanyang mga alagad. At sinabi niya sa kanila: “Ibibigay ang Anak ng Tao sa kamay ng mga tao. Papatayin nila siya ngunit pagkapatay nila sa kanya, babangon siya sa ikatlong araw.” Kaya lubha silang nalungkot. Hindi nila ito
    naintindihan at hindi rin sila nangahas magtanong sa kanya. Pagdating nila sa Capernaum, nang nasa bahay na siya, tinanong niya sila: “Ano ang pinag-uusapan
    n’yo sa daan?” At hindi sila umimik; pinagtatalunan nga nila sa daan kung sino ang mas una. Kaya naupo siya at pagkatawag sa Labindalawa ay sinabi sa kanila:
    “Kung may gustong mauna, maging huli siya sa lahat at lingkod ng lahat.” At pagkakuha niya sa isang maliit na bata, pinatayo ito sa gitna nila at inakbayan at saka sinabi sa kanila: “Tinatanggap ako ng sinumang tumatanggap sa isa sa mga batang ito nang dahil sa aking pangalan. At kung may tumatanggap sa akin, tinatanggap din niya ang nagsugo sa akin.”

     

    Pagninilay:

    Bahagi na ng buhay pamilya ang pag-aaway ng mga magkakapatid o sibling rivalry. Ang nakakagulat ay madalas, nagmumula ito sa pinakamaliliit na dahilan. Isa sa mga laging pinag-aawayan ng magkapatid ay kung sino ang nakatokang maghugas ng pinggan. Minsan, humahantong ito sa tampuhan dahil tila naaalila ang isa sa kanila at ‘di nila nakikita ito bilang pagkakataong
    makatulong at makapaglingkod sa pamilya. Tulad ng mga bata, nagtalo ang mga alagad kung sino ang pinakadakila sa kanila. Hindi nila lubos na naunawaan na ang tunay na kadakilaan ay makikita sa kahandaang maglingkod, katulad ng kahandaan ni Hesus na yakapin ang kamatayan at muling pagkabuhay para sa ating kaligtasan. Ganyan ang kadakilaan sa mata ng Diyos: ang paglalaan ng sarili sa kapwa alang-alang sa pag-ibig.

    Mga kapanalig, hindi tayo dapat maging isip-bata sa ating pagpiling magmahal. Sa katunayan, inaanyayahan tayo ni Hesus na buksan ang ating mga bisig sa paglilingkod,
    katulad ng kanyang ginawa sa krus – mga kamay at bisig na bukas at handing yakapin ang lahat, lalo na ang hindi kaibig-ibig sa atin. Sa mga pagkakataong hindi natin mapiling magmahal at maglingkod, lagi tayong bumalik sa mukha ng pag-ibig: si Kristo Hesus na nakabayubay sa krus.

     

     

    • 3 min
    Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes

    Mabuting Balita l Mayo 20, 2024 – Lunes

    Ikapitong Linggo ng Karaniwang Panahon

    Paggunita ng Mahal na Birheng Maria , Ina ng Sambayanan



    Ebanghelyo: Juan 19, 25: 34

    Nangakatayo naman sa tabi ng krus ni Hesus ang kanyang ina at ang kapatid na babae ng ina niya, si Mariang asawa ni Cleofas at si Maria Magdalena. Kaya pagkakita ni Hesus sa ina at sa kanyang mahal na alagad na nakatayo sa tabi, sinabi niya sa ina: “Babae, hayan ang anak mo!” Pagkatapos ay sinabi naman niya sa alagad: “Hayan ang iyong ina.” At mula sa oras na iyo’y tinanggap siya ng alagad sa kanila. Pagkaraan nito, nakita ni Hesus na natupad na ang lahat ngunit kailangang maganap ang isa pang kasulatan at sinabi n’ya: “Nauuhaw ako.” May sisidlan naman doon na puno ng mapait na alak kaya ikinabit nila sa isang isopo ang esponghang ibinabad sa alak at idiniiti nila sa kanyang bibig. Pagkasipsip ni Hesus ng alak, sinabi n’ya: “Natupad na.” At pagkayuko ng
    ulo, ibinigay n’ya ang espiritu. Ayaw ng mga Judio na manatili sa krus ang mga bangkay sa Araw ng Pahinga. Paghahanda ng Paskuwa noon, kaya mas dakila pa ang
    Araw na iyon ng Pahinga. At hiniling nila kay Pilato na baliin ang mga binti ng mga nasa krus at saka alisin ang mga bangkay. Kaya pumaroon ang mga sundalo.
    Binali nila ang mga binti ng una at pati ng ikalawa na kasama niyang ipinako sa krus. Pagsapit naman nila kay Hesus, nakita nilang patay na siya kaya hindi nila binali ang kanyang mga binti. Gayunma'y sinibat ng isa sa mga sundalo ang kanyang tagiliran at umagos ang dugo at tubig.

     


    Pagninilay:

    Naroon si Maria sa paanan ng Krus, nakiramay siya sa sidhi ng pagdurusa ng kanyang Anak. Habang nakikiisa siya sa matinding sákit, lalong naging marubdob ang kanyang pakikinig sa bawat binibigkas ng Kanyang Anak. “Ginang, narito ang iyong anak… Narito ang iyong ina.”  Isang pag-atas ang narinig niya. Atas ng paglingap. Sa paglingap ni Maria sa mga apostol, debosyon naman sa kanya ang inaasahan sa kanila. Doon nagsimula ang special bond ng mga apostol sa ating Inang Maria. Noon at ngayon, tapat na nakikiramay at nakikilakbay siya sa atin. Tayo naman na hinirang bilang Katawan ng kanyang
    Anak, sino tayo para hindi maging tapat sa kanya? Sa pahayag ni Pope Francis ngayong Taon ng Panalangin, inaanyayahan tayong manahimik tulad ni Maria at
    pagnilayan ang kahulugan ng kasaysayan ng kaligtasan. Sa ganitong paraan, lalalim at lalawak ang pagtanggap natin sa ating misyon bilang Simbahan sa tulong at panalangin ng ating Banal na Ina.  

    -      
    Sr. Gemmaria Dela Cruz, fsp l Daughters of
    St. Paul

    • 4 min
    Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 19, 2024 – Linggo

    Mabuting Balita l Mayo 19, 2024

    Linggo ng Pentekostes





    Ebanghelyo: Juan 20,19-23

    Agaw-dilim na noon sa unang araw na iyon ng sanlinggo at nakasara ang mga pinto sa kinaroroonan ng mga alagad dahil sa takot sa mga Judio, dumating si Hesus at pumagitna. At sinabi niya sa kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Pagkasabi nito, ipinakita niya sa kanila ang mga kamay at ang tagiliran. Kaya nagalak ang mga alagad pagkakita nila sa Panginoon. At muli niyang sinabi sa
    kanila: “Sumainyo ang Kapayapaan!” Gaya ng pag kakasugo sa akin ng Ama, Gayon ko rn kayo ipadadala.” At pagkasabi nito, hiningahan niya sila at sinabi: “Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin.”

     

     

     

    Pagninilay:

    Isang araw may batang lumapit sa akin at nagtanong. “Sir, ano po ang kulay ng Holy Spirit?” Nagulat ako sa kanyang tanong. Naisip ko na sabihing pula, pero nahamon ako na
    pagnilayan: May kulay nga ba ang Espiritu Santo? Kung mayroon, ano kaya ito? Isang mapagpalang araw
    ng linggo mga kapanalig. Sa araw na ito ginugunita natin ang Dakilang kapistahan ng Pentekostes, ang pagdating ng Espiritu Santo sa mga apostol, at araw rin ng kapanganakan ng ating simbahan. Bagama’t sa simula pa
    lamang ng binyag tinanggap na natin ang Espiritu Santo, mas pinagtitibay sa kumpil o Confirmation ang tinanggap
    na nating Banal na Espiritu. Tinatawag din siyang Parakletos, ang tagapagbigay-lakas, ang Tagapagpabanal, ang hininga ng Diyos (ruah) at ang Pag-ibig sa pagitan ang
    Ama at Anak. Marami pang mababanggit tungkol sa Espiritu Santo pero walang sinasabing kulay.

    Kung titingnan sa malikhaing mga mata, ang katapangan at katatagan na mga bunga ng Espiritu Santo ay kulay pula; makikita naman ang Chrisma at Biyaya ng Buhay na kulay luntian o berde; pwede ring kulay puti ng kalinisan o kabanalan, tulad ng kalapati na madalas na larawang ginagamit para sa Espiritu Santo.

    Mga kapatid/kapanalig, marahil tulad ng liwanag na
    dumaraan sa isang prism at nagbubunga ng isang buháy na hanay ng iba’t ibang kulay, masasabi nating walang iisang kulay ang Espiritu Santo. Higit sa pula o sa puti, higit pa sa bahag-hari. Ang bawat kulay at bawat biyaya na aakma sa taong tumatanggap sa apoy ng espiritu
    ang magbibigay kulay sa buhay ng mundong ating ginagalawan. Higit sa anupamang kulay, sa ating pagtanggap sa Espiritu Santo, pinag-aalab niya ang marubdob nating adhika na makagawa at makapagbigay-patotoo bilang isang Simbahan na buháy ang ating Panginoong Hesukristo sa ating isip, sa bawat salita, lalo na sa ating mga gawa. Amen.

     

    • 4 min

Top Podcasts In Religion & Spirituality

Nader Abou Anas
Nader Abou Anas
La Pensée du Jour
TopChrétien
100 façons par safaaetoi
Safaa
Bible in a Year with Jack Graham
Pray.com
La Fille de Dieu
Nicole Shepard
Saved Not Soft
Emy Moore

You Might Also Like