Brian Dys

Brian Dys

Mga jam ni Brian Dys

Épisodes

  1. 31/07/2022

    Cascadians School Song (instrumental)

    https://www.briandys.com/cascadians-school-song/ --- Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat! Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer. --- Andito ako ngayon para i-share sa inyo na nalalapit na ang pagtatapos ng school year ni Bryce (anak ko na 6 years old). Tinanong ko siya kung anong nararamdaman niya na sa susunod na buwan, iba na ang makakasama niya sa klase. Ok lang daw, kasi makakausap pa rin naman niya yung mga kaibigan niya online, at tsaka maglalaro pa rin sila ng Roblox. Mukhang mas may sepanx pa kami ni Jaycelle kesa sa kanya dahil gusto namin yung adhikain ng Cascades (yung school ni Bryce ngayon). Sustainability and creativity, independence, practicality --- ilan lang yan sa mga salitang mailalarawan ko para sa school. Dahil nga lumipat na kami ng tirahan, meron mas malapit na school dito, at gusto naming subukan. Balik tayo sa sepanx. In retrospect, sadyang nakakalungkot ang mga graduation dahil alam nating hudyat ito ng crossroads ng mga magkakabarkada. Dito rin nasusubok kung gaano katibay ang pisi na nagco-connect sa sa'yo at sa bespren mo. Sa totoo lang, habang inaalala ko yung mga graduation, mas excited ako sa bakasyon. Yung pagkikita namin ng mga katropang kaklase, para bagang nasa school lang ang context, may bakasyon din. May kanya-kanya nga naman tayong mga buhay. Sa kabila ng lahat, bawat pinto na sinasarhan natin, tayo ay pumapasok sa bagong yugto ng ating buhay. Mga aral at maturity ang baon natin sa mga bagong daang tatahakin, mga bagong taong makikilala, at higit sa lahat mga kaibigan na aalagaan kahit pa magkakaiba na ang ating mundo. --- Anyway, para sa pagtatapos na'to ng school year ng anak ko, nag-compose siya ng isang kanta at ako lang ang tumipa ng kwerdas. Tara, jam na tayo! [Music] Ayos, sana ay nagustuhan niyo. Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!

    5 min
  2. Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)

    19/05/2022

    Rasyon ng Inspirasyon (instrumental)

    https://www.briandys.com/rasyon-ng-inspirasyon/ --- Oi mga repapips, magandang good day sa inyong lahat! Ako si Brian Dys, isang composer ng electronic music, photographer at UX designer. --- Naaalala niyo pa ba nung magsimula ang covid lockdown dito sa Manila? On-going pa noon ang ashfall mula sa Taal volcano, kaya mag stock na kami ng masks. Magkasunod na pagsubok bumagsak sa ating lahat. Makalipas ang ilang buwan tsaka ko naramdaman ang kawalan ng pag-asa. Pakiramdam ko parang bangkang may butas ang ating bansa pagdating sa pandemic response. Isang araw, lumabas sa TV si Leni at nagpahayag ng mensahe ng pag-asa. Literal na tumindig ang balahibo ko dahil tsaka ko lang na-realize na pwede pala akong kumapit sa gobyerno. Ito sa harapan ko ang isang tao na nakatayo sa gitna ng kaguluhan, nagsasabi na ito ang mga pwede nating gawin para 'di tayo maglugmok ng epekto ng pandemya --- sa kalusugan at ekonomiya. Salita lang ang mga 'yon pero napakalaking bagay para sa akin na maging matatag at harapin ang takot. Anong klaseng Pilipinas ang gusto ko para sa sarili at para sa pamilya ko? Pilipinas na nagpapahalaga sa buhay at karapatang pantao. Isang bansang makatarungan at patas. Isang bansang pinamumunuan ng mga tao na responsable sa kanilang mga tungkulin sa bayan. At higit sa lahat, isang bansa na nangingibabaw ang pag-asa. Pag-asa ang gas at langis natin upang bumangon at magpatuloy, upang maging mabuti unang-una sa ating sarili at sa isa't-isa. Sa pamamagitan ng pag-asa tayo yayabong. Nagpapasalamat ako sa'yo, Leni, dahil para sa akin naipakita mo kung ano ang posible para sa isang pinuno. Ang pagiging matino at pagbibigay ng inspirasyon at pag-asa. Para sa inspirasyon na dulot mo ang kantang ito. May mga ilang salita akong naisulat na nagsisilbing pundasyon ng gusto kong sabihin sa kanta: --- Tuloy-tuloy lang Huwag pigilan Ang pagbuhos ng rasyon ng inspirasyon Tindig-balahibo Solusyon May pag-asa May takdang araw May araw-araw --- Ang mismong eleksyon, isang araw. Ang buhay natin, araw-araw. Lahat tayong mga Pilipino ay nasa iisang bansa. Nasa iisang bangka. Magkakaiba tayo at magkakasama tayo. Isang matapat na pamumuno ang pinanghahawakan natin para patuloy tayo sa paglayag. --- Anyway, jam na tayo! [Music] Ayos, sana ay nagustuhan niyo. Salamat, at hanggang sa muli. Ingat mga repapips!

    8 min

À propos

Mga jam ni Brian Dys