Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines

Church for LGBT - Open Table MCC - Philippines

The Inclusive Church with special ministry to the LGBTQI community

  1. May 7

    Easter: The Walk To Emmaus Part 3

    Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures. As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread. Luke 24:13-35 NRSVUE INTRODUKSYON Tayo ngayon ay nasa ikatlong bahagi ng ating serye. Pangatlong beses na rin nating binabasa at naririnig ang Gospel mula kay Luke, ang kwento ng paglalakbay patungong Emmaus. At gusto ko kayong tanungin: Ano ang naging impact ng marinig ito sa pangatlong pagkakataon? May nabago ba sa mensahe? Meron ba kayong bagong napulot mula sa kwento na hindi pa natin napag-uusapan sa nakaraang dalawang linggo? Ang tema natin sa araw na ito ay “Christ in Our Meals”—si Kristo sa ating mga hapag. PAGBABALIK-TANAW SA PARTS 1 & 2 Pero bago ang lahat, magbalik-tanaw muna tayo sa nakaraang dalawang linggo. Sinamahan natin sina Cleopas at ang kanyang mga kasama sa kanilang paglalakbay, at sa prosesyong iyon, tila tayo rin ay naglakbay kasama nila. Sa Part 1, napag-usapan natin ang kahalagahan ng pagiging present sa ating journey. Madalas sa bigat ng ating dinadala—mga responsibilidad, problema, at mga bagay na hindi natin kontrolado—nakakalimutan nating huminto at namnamin ang kasalukuyan. Tulad ng dalawang disciples, hindi nila napansin na si Jesus ay kasama nila sa daan all along sa kanilang journey. We learned that Emmaus is not just a place; it is a state of being. A moment where our disappointment meets God’s divine presence. At kahit tayo ay tila naglalakad palayo sa pag-asa, si Kristo ay lumalapit sa atin, sinasamahan tayo sa bawat hakbang. Napag-usapan din natin ang involvement ng kababaihan sa journey ng historical Jesus—mula sa pagpondo ng mga ministry ni Jesus, sa kanyang crucifixion, hanggang sa pagkabuhay niyang muli, at sa pagbabahagi ng unang Gospel. Women were always there. Sa ikalawang bahagi naman, nakita natin na si Hesus ay hindi lamang kasama sa ating paglalakbay kundi pati sa ating pakikipamuhay sa kapwa. Through conversations with others, with our community, and even with ourselves, we encounter Christ. I also shared about the importance of clarity through inner work gamit ang M.I.C.K.: Motivate, Inspire, Cheer, Be kind. Mula sa book ni Coach Pia Acevedo na “Focus on What Matters”, we learned that if we don’t do inner work, we don’t just suffer alone; the people we love also encounter a compromised version of us. Napag-usapan natin ang struggle ng pagiging [LGBTQ+]—[LGBTQ+] na nga, breadwinner pa! At kung bakit tila napakahirap para sa ating mga Pilipino ang mag-set ng boundaries sa ating mga mahal sa buhay. Hindi lang ito struggle ng [LGBTQ+] people kundi pati na rin sa ating straight allies. Ang pagsabayin ang pagiging anak, magulang, breadwinner, at tagapagtaguyod ng pamilya sa mga ganitong pagsubok. Mahalaga ang maayos na pag-uusap at pag-engage sa conversations that are uncomfortable but necessary. PART 3: CHRIST IN OUR MEALS Para naman sa ating ikatlong bahagi, ang ating tema ay “Christ in Our Meals.” Alam natin kung gaano kahalaga ang pagkain sa ating buhay upang tayo ay magkaroon ng lakas, makakilos, at makapagpatuloy sa ating journey. Gayun din kahalaga ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo. Ang pagkain ay esensyal upang tayo ay mabuhay. At kung babalikan natin ang naging paglalakbay ni Kristo kasama ang mga unang Kristiyano, malaking bahagi ng ministry ni Jesus ang umikot sa pagkain. Oh ‘di ba? Unlimited food! Sa ating Gospel nga, nakita natin na matapos silang magbahagi ng tinapay, doon lamang nila naunawaan na si Hesus pala ang kasama nila. Ito rin ang iniwan sa atin ni Kristo: “Sa tuwing pagsasaluhan ninyo ang tinapay at inumin, ako ay inyong alalahanin.” Bukod sa isang paalala, ito rin ay isang covenant, isang pangako na si Kristo ay kasama natin. Christ is revealed when the bread is broken. Isa sa pinakasikat na miracle ni Jesus ay ang pagpapakain niya sa 5,000 katao, at ang kwentong ito ay makikita sa apat na Gospels. Meron ding kwento sa John 21:9-14, kung saan matapos mangisda si Peter at ang kanyang mga kasama, niyaya sila ni Hesus, “Come and have breakfast.” Sa mga oras na iyon, wala ni isa sa kanila ang nagtanong kung sino siya dahil alam nilang iyon ay si Kristo. Inabutan niya sila ng tinapay at isda. Ito ang ikatlong pagkakataon na nagpakita si Hesus sa mga disciples matapos siyang mabuhay muli. Meron din sa Luke 5:29-32 kung saan si Hesus ay kumakain sa bahay ni Levi kasama ang ibang tax collectors. Dito, tinanong siya ng mga Pharisees at scribes, “Why do you eat with tax collectors and sinners?” Isang account kung saan pinili ni Kristo na makisalo at makisalamuha sa mga taong itinuturing na “unclean” at immoral noong panahon na iyon. Let us also remember the best meal chika na matatagpuan din sa Luke 14:15-21, kung saan si Jesus ay inimbita sa isang banquet during Sabbath. Before this, he healed a man with dropsy, and he also challenged the religious leaders. Then someone said, “Blessed is anyone who will eat bread in the kingdom of God.” Then Jesus replied with the Parable of the Great Dinner. A man prepares a great banquet and invites many guests. At nang handa na, inutusan niya ang kanyang servant para papuntahin na ang mga ito. Ngunit wala ni isa sa kanila ang dumalo. At ang excuse? Sila ay busy bumili ng lupa, ng oxen, at ‘yung isa naman ay just got married. Umay, ‘no? So nagalit ngayon ‘yung host and told the servant to invite the poor, the crippled, the lame, and the blind instead of the wealthy friends who can repay them. Then the parable ends with a warning: “None of those invited will taste my dinner.” Sa Jewish culture, very symbolic ang mga banquets at isa itong serious social commitment. Kaya deeply insulting na after mong mag-accept, biglang hindi ka pupunta. Ang parable na ito ay ginamit ni Jesus to speak about God’s invitation to the Kingdom, tungkol sa radical na hospitality at inclusion. Malaking bahagi rin ng pagkain sa ating buhay. I mean, hello, not to state the obvious, isa sa aking love languages ay ang pagluto at paghain ng masarap na pagkain para sa aking mga mahal sa buhay. I also hold it as my personal advocacy ang magbahagi ng pagkain sa mga homeless whenever I am able. Para sa akin, ito ang pinakamadaling paraan upang iparamdam ang presence ni Kristong buhay, dahil ito rin ang mas kailangan nila sa mga sandaling iyon. Habang patuloy tayong lumalaban para sa mundo kung saan ang lahat ay binibigyan ng sapat sa araw-araw, ang mga kwentong ito ang nagpapaalala sa atin na Christ is present in our journey, in our conversations, and in our meals. PAKIKIBAKA AT HUSTISYA Siyang tunay, hindi ba? Ang mga kwentong ito ang ating realization sa pagbasa ng ating Gospel ngayon. Nakaraang dalawang linggo, ang kwento ng journey to Emmaus ay tila buod, isang summary at pagpapatotoo sa presensya ni Kristo sa ating buhay—ang kanyang presence with us by default. A presence that is ever inclusive, mapangyakap, at welcoming, tulad ng isang open table o bukas na hapag, regardless of our sexual orientation, gender identity, race, o katayuan sa buhay. Si Kristo ay kasama natin every step of the way. Hindi lamang sa mga panahon ng festive at masaya, kundi lalo’t higit sa mga panahon ng kalungkutan, galit, at pagluluksa. Si Kristo ay kasama natin tuwing tayo ay nakikisangkot at nakikibahagi sa taunang Pride March, at sa iba pang pagkilos laban sa korupsyon at pang-aabuso; sa ating pakikiisa sa manggagawang Pilipino sa panawagan para sa nakabubuhay na sa

    28 min
  2. Apr 27

    Easter: The Walk To Emmaus Part 2

    Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures. As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread. Luke 24:13-35 NRSVUE Sermon Part 2: Christ in Our Conversations So for this part two, our theme of our preaching is “Christ in our conversations.” Sabi nga sa Matthew chapter 18:20, “For where two or three are gathered in my name, I am there among them.” But of course, we also honor and value ‘yung mga intimate at personal conversations natin with God through prayer. While it is true na mas yumayabong at nabibigyan ng buhay ang ating mga conversations with each other and the community. After all nga ‘di ba, bilang isang Metropolitan Community Church, community is our middle name. Tama ba?. I also believe na mahalagang pagtuunan din natin ng pansin and a good practice ‘yung pagiging self-aware. Ang matutong makinig sa pansariling pangangailangan, to listen to our bodies, to affirm ourselves first na hindi kasalanan ang pagiging bakla, so that we can also affirm others. We need to resolve our own struggles before we can do that for other people. The famous line: you cannot pour from an empty cup. And we have clarity in our personal lives to inspire that capacity to others. Shit ba? Paborito na ni Joseph?. Mga kasita, we miss you, Chang. So we know that God, through Jesus, has always been with us in our journey. At napakinggan din natin ang isa sa mga pinaka-life-changing na holy conversation moment doon sa ating gospel reading , kung saan, after nilang mag-sharing about scripture ng breaking of bread ay bigla na lang naglaho ‘yung stranger na kasalubong nila patungong Emmaus. At sa punto ring ‘yon, na-realize nila na it was Jesus, that it was him all along. Christ is present in our conversations. Hindi lamang tuwing linggo sa ating praise and worship, kundi sa mga ordinary moments in our lives. Hindi lamang sa mga masasaya, lalo’t higit sa mga masasalimuot at difficult conversations that we have to deal with. Naalala ko ‘yung chika ko, paniniwala ako nung bago ako dumating sa MCC sa Open Table. Pansin niyo ba na sa mga moments na when we have personal conversations with God, may mga times na tayo lang ‘yung nagsasalita, where we cry out to Jesus. We give thanks, we ask forgiveness, and may mga moments naman na tayo ay tahimik lang and letting our hearts speak the prayers that our mouths couldn’t utter. Parang ‘yung mga moments na ‘yon na siya naman ‘yung nangungusap sa atin. Man through words, pero alam mo at ramdam mo ‘yung healing, ‘yung kagaanan ng loob, at sa mga ganitong moments natin tila mas nararamdaman ang kanyang presence sa ating buhay. So last week ay na-mention ko ‘yung tungkol sa mga naging struggle ko sa work recently at kung paano ko binaka ‘yung feeling of being overwhelmed. I mean, I am glad that I was able to get through it, but I am also aware that it’s not the same for everyone. Some people may still be in that situation or perhaps find themselves in the loop na paulit-ulit lang or paikot-ikot lang. Sa dami ng aking iniisip—trabaho, travels, at iba pang ganap as an extrovert at natural people person. At the same time, ‘yung mga gampanin sa ating simbahan as pastor in discernment, in that journey, I stumbled upon ‘yung podcast of Coach Pia Acevedo. Kilala niyo ba si Coach Pia? So si Coach Pia is a life coach, author, and a leadership trainer with over two decades of experience in coaching and counseling. She helps people cut through confusion and live with clarity, purpose, and intention so that they can focus on what truly matters. Isa sa mga magandang napulot ko from her ay connected sa pagiging present. Hindi man lingid sa kaalaman ng lahat na marami sa ating mga akla ay mga breadwinner. Imagine as a queer person who is already struggling to fight discrimination on top of the fight for the same rights as our straight allies. Isa pa sa mga dagdag na challenge ang pagiging breadwinner. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang na-tackle ang topic na ito. I think deserve na nito ng isang preaching series at malalang holy conversation moments at kasama na sa mga listahan ng mga personal advocacies na malapit sa aking puso. Pero habang wala pa tayo doon, I suggest you can grab muna ‘yung copy nung books from Coach Pia. Nag-promote pa, not sponsored. So I’m yet to finish ‘yung first book and ito ‘yun. Ito ‘yung unang “Focus on What Matters”. I’m yet to finish this and plan to start ‘yung isa pa, ‘yung “Moment to Moment”, right after. I hope na makatulong ito upang magkaroon tayo ng clarity sa dami ng ating mga iniisip. So anyway, I’m sure nag-aantay na kayo kung ang haba na ng sinabi ko at wala pa ako doon sa main point. Ito na nga, bilang isang breadwinner na bakla, at another example is sa ating mga straight allies na as a parent, sa mga kapatid nating OFWs na nagtatrabaho at kumakayod , ginagawang araw ang gabi para lang makapagpadala ng pera sa kanilang mga mahal sa buhay. ‘Di ba nga sila ‘yung mga sagot natin sa tanong na, “Para kanino ka bumabangon?”. “Para sa pamilya, para sa future ng mga anak ko.” ‘Di bale nang magkalayo kami kaysa naman sama-sama kaming mamatay na dilat at gutom. At dahil sa dami na nating iniisip, siyempre wala na tayong capacity para sa maliliit na bagay. Tama ba?. No more time to play with the kids after work dahil madalas pagod na lang sa trabaho kung ‘di pa rin sa commute. Buti kung ganun lang, pero minsan mas malala. At personally, ganito ‘yung eksena ko nung mga unang taon ko sa BPO industry bilang isang breadwinner. Napansin ko na sobrang mainitin ang ulo ko at ang dali kong ma-trigger, ‘yung angil sa mga tao kahit na wala pa naman silang ginagawang masama or kahit sa mga maliliit na bagay. Kayo rin ba may ganitong eksena? Let’s pause for a moment at balikan ‘yung mga sandali ng ating mga buhay na tayo ay napasabi ng, “Ang dami ko nang iniisip, dumagdag pa ‘to.”. Ito ang isang manifestation ng kawalan ng clarity. Akala ko ba para sa kanila ka bumabangon, pero sila rin ‘yung unang nakakaramdam ng mga angil at frustrations mo sa buhay. And si Coach Pia reminds us that when we don’t do our inner work, we don’t just suffer alone. The people we love encounter a compromised version of us. ‘Yun ‘yon. Meet the compromised version of you. Imagine that you’re in front of the mirror ng mahiwagang salamin, boy, for a few moments. Look at that compromised version of you. Do you like what you see?. And imagine kung ano na kaya ang extent ng damage that it had cost you and your loved ones. So paano natin matutulungan ‘yung ating compromised version? What does it take to achieve clarity and focus sa ating mga buhay?. So sa book na “Focus on What Matters,” Coach Pia talks about the need for inner work, which is a journey that starts by laying the groundwork for clarity through practices like self-mastery, self-development, and self-commitment. She talked about habits that we can commit to in order to achieve personal clarity. And for today, I’d like to share to you about M.I.C.K. abbreviation siya. That stands for motivating, inspiring, cheering, and being kind to ourselves. It is both a habit that we can commit to and a muscle we exercise because, again, we can’t pour from an empty cup. And these intentional habits will help us fill our cup. So number one is ‘yung letter M, Motivation. Motivation habit is any regimen or routine that you know works well for you. I

  3. Apr 20

    Easter: The Walk To Emmaus

    Now on that same day two of them were going to a village called Emmaus, about seven miles from Jerusalem, and talking with each other about all these things that had happened. While they were talking and discussing, Jesus himself came near and went with them, but their eyes were kept from recognizing him. And he said to them, “What are you discussing with each other while you walk along?” They stood still, looking sad. Then one of them, whose name was Cleopas, answered him, “Are you the only stranger in Jerusalem who does not know the things that have taken place there in these days?” He asked them, “What things?” They replied, “The things about Jesus of Nazareth, who was a prophet mighty in deed and word before God and all the people, and how our chief priests and leaders handed him over to be condemned to death and crucified him. But we had hoped that he was the one to redeem Israel. Yes, and besides all this, it is now the third day since these things took place. Moreover, some women of our group astounded us. They were at the tomb early this morning, and when they did not find his body there they came back and told us that they had indeed seen a vision of angels who said that he was alive. Some of those who were with us went to the tomb and found it just as the women had said, but they did not see him.” Then he said to them, “Oh, how foolish you are and how slow of heart to believe all that the prophets have declared! Was it not necessary that the Messiah should suffer these things and then enter into his glory?” Then beginning with Moses and all the prophets, he interpreted to them the things about himself in all the scriptures. As they came near the village to which they were going, he walked ahead as if he were going on. But they urged him strongly, saying, “Stay with us, because it is almost evening and the day is now nearly over.” So he went in to stay with them. When he was at the table with them, he took bread, blessed and broke it, and gave it to them. Then their eyes were opened, and they recognized him, and he vanished from their sight. They said to each other, “Were not our hearts burning within us while he was talking to us on the road, while he was opening the scriptures to us?” That same hour they got up and returned to Jerusalem, and they found the eleven and their companions gathered together. They were saying, “The Lord has risen indeed, and he has appeared to Simon!” Then they told what had happened on the road and how he had been made known to them in the breaking of the bread. Luke 24:13-35 NRSVUE Isang mapayapang araw sa inyong lahat. For today and the next dalawang Linggo, iisang Scripture reading lamang ang ating tatalakayin, ngunit hahatiin natin ang preaching sa tatlong bahagi. For this Sunday, I’d like to talk about being present. Sa ating buhay, madalas tayong nagiging masyadong pokus sa pagtapos ng mga gawain (tasks). Masyado tayong nagmamadali na nakakalimutan na nating maramdaman o ma-appreciate ang proseso—ang “smelling the roses” at ang tunay na pag-enjoy sa journey. Nang una kong mabasa ang tekstong ito mula sa Ebanghelyo ni Lucas (The Road to Emmaus), naisip ko: “Parang ang lakas mang-power trip ni Jesus?” Dahil sa isang kisap-mata, pinigilan niyang makilala siya ng mga alagad, at sa isang kisap-mata rin ay ipinakilala niya ang kanyang sarili. Pero kalaunan, na-realize ko na si Jesus ay kasama na nila sa buong biyahe. Hindi niya ito ginawa para paglaruan sila; sadyang ang dalawang alagad ay masyadong nakapokus sa ibang bagay. Marahil sila ay puno ng kalituhan at emosyon dahil sa balita ng muling pagkabuhay. Unveiling the Characters: Who Was on the Road? Habang binabasa ang kuwento, may mga tanong na lumitaw sa isip ko: Bakit sila papuntang Emmaus? Taga-doon ba sila? At isa pang mahalagang tanong: Sino ang kasama ni Cleopas? Sa kuwento, si Cleopas lamang ang pinangalanan. Sabi ng ilang scholars, maaaring si Simon Peter ito, pero marami ang naniniwala na ang kasama niya ay si Mary of Cleopas—ang kanyang asawa. Ayon sa tradisyon ng Simbahan, si Cleopas ay kapatid ni Jose (na asawa ni Maria, ang ina ni Jesus). Ibig sabihin, sila ay magbilas. Bago natin sagutin ang ibang tanong, nais kong bigyang-diin ang presensya ng mga kababaihan sa buhay at ministeryo ni Jesus. Mula simula hanggang sa krus, at maging sa muling pagkabuhay, laging nandoon ang mga babae. Sila ang may lakas ng loob at pananampalataya na hindi iniwan si Jesus. Minsan, ang pangalawang disipulo ay sadyang hindi pinangalanan sa Bibliya upang makita natin ang ating mga sarili sa kuwento. Tayo ang kasama ni Cleopas sa paglalakad. The Retreat from Hope Bakit nga ba sila papuntang Emmaus? Walang record na taga-doon sila. Maaaring ito ay nagsilbing temporary refuge o “halfway house” para sa kanila. Alam natin ang nangyari: Marami ang umasa na si Jesus ang magpapalaya sa kanila mula sa Imperyong Romano. Nang siya ay mamatay, tila namatay din ang kanilang mga pangarap. Ang pag-alis nila sa Jerusalem patungong Emmaus ay simbolo ng kanilang pag-atras mula sa pag-asa at komunidad. Ngunit narito ang maganda: Ang pagpapakita ni Jesus sa kalsada ay patunay na ang “Divine Presence” ay sumasalamin sa atin kahit sa mga sandaling tayo ay tumatalikod na sa pag-asa. Si Jesus ang nag-adjust para sa kanila. Nakipagtagpo siya sa kanila kung nasaan man sila. Ipinahayag niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng Kasulatan at sa pagpipiraso ng tinapay (Breaking of the Bread). At nang muling mag-alab ang pag-asa sa kanilang puso, bumalik agad sila sa Jerusalem nang gabing iyon upang magbahagi ng mabuting balita. Vulnerability as Strength Sa ating sariling buhay, madalas tayong nahihirapang lumapit sa Diyos kapag tayo ay nasa gitna ng pagsubok. Kadalasan, lumalapit lang tayo para magpasalamat kapag “tapos na” ang problema. Minsan naman, lumalapit lang tayo kapag nasa breaking point na tayo. Hindi ba natin naiisip na sa gitna ng ating mabigat na problema, malumanay na tumatawag si Jesus: “Hello, I am here. You can be vulnerable with me.” Your vulnerability is as beautiful as your strength. Madalas din nating mahalin ang ating “privacy” hanggang sa punto na hindi na tayo nakakapag-open up sa mga kaibigan o mahal sa buhay. Sinasabi lang natin ang kuwento kapag “overcome” na natin ang challenge. Paano naman yung mga struggle na kasalukuyan nating nilalabanan? Nasaan ang diwa ng komunidad? Bilang inyong pastor, nais kong malaman ninyo na maaari kayong maging vulnerable sa akin. Maaaring hindi ko masolusyunan ang lahat ng inyong problema, lalo na kung pinansyal, pero nangangako akong sasamahan ko kayo sa inyong paglalakbay. We are here to journey with you in your “Emmaus moments.” Learning to Pause Sa gitna ng trabaho at buhay, marami tayong bitbit na “baggages”: job security, inflation, midlife crisis, and the search for purpose. Para silang mabibigat na bag na isa-isang pinapasan hanggang sa tayo ay “ma-freeze” o ma-paralyze sa bigat. Minsan, kailangan nating tumigil at mag-assess: Bakit ito mabigat? 2. Alin sa mga ito ang pwede ko nang bitawan? 3. Alin dito ang pwede kong ipagkatiwala sa iba? Huwag nating kalimutang tumingin sa paligid. May mga taong handang tumulong sa pagpasan ng ating dalahin. Matutong huminga, tumigil, at pahalagahan ang mga kasama sa journey. Conclusion: Today is a Gift Bilang isang “frustrated wanderlust,” aminado akong hindi ako magaling sa direksyon o Maps. Umaasa lang ako sa mga landmarks. Sa paggamit ng mapa, mahalagang malaman mo muna kung nasaan ka (orienting yourself) bago mo malaman kung saan ka pupunta. Gayundin sa ating spiritual journey: Minsan kailangan nating mag-reflect kung nasaan na tayo. Gamitin natin si Jesus bilang ating compass at ang ating komunidad bilang sacred space para sa paghilom. Tandaan natin: Yesterday is history, tomorrow is a mystery, and today is a gift. That’s why it’s called the PRESENT. Pahalagahan natin ang kasalukuyan at magtiwala na ang Kristong nabuhay ay kasama natin sa bawat hakbang ng ating paglalakbay. The post Easter: The Walk To Emmaus appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

    18 min
  4. Apr 13

    Easter: Pagkilala Sa Pag-Asa

    When it was evening on that day, the first day of the week, and the doors were locked where the disciples were, for fear of the Jews, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” After he said this, he showed them his hands and his side. Then the disciples rejoiced when they saw the Lord. Jesus said to them again, “Peace be with you. As the Father has sent me, so I send you.” When he had said this, he breathed on them and said to them, “Receive the Holy Spirit. If you forgive the sins of any, they are forgiven them; if you retain the sins of any, they are retained.” But Thomas (who was called the Twin), one of the twelve, was not with them when Jesus came. So the other disciples told him, “We have seen the Lord.” But he said to them, “Unless I see the mark of the nails in his hands and put my finger in the mark of the nails and my hand in his side, I will not believe.” A week later his disciples were again in the house, and Thomas was with them. Although the doors were shut, Jesus came and stood among them and said, “Peace be with you.” Then he said to Thomas, “Put your finger here and see my hands. Reach out your hand and put it in my side. Do not doubt but believe.” Thomas answered him, “My Lord and my God!” Jesus said to him, “Have you believed because you have seen me? Blessed are those who have not seen and yet have come to believe.” Now Jesus did many other signs in the presence of his disciples that are not written in this book. But these are written so that you may continue to believe that Jesus is the Messiah, the Son of God, and that through believing you may have life in his name. John 20:19-31 NRSVUE Magandang hapon sa inyong lahat. Kamusta kayo? Napansin niyo ba na parang ang haba ng Good Friday? Kahit Easter na, parang hindi natin maramdaman. Napakatahimik ng buong linggo. Pagod ang mga tao, walang gaanong sasakyan sa labas, at dahil na rin siguro sa mahal ng gas kaya nananatili lang tayo sa loob. Parang kailan lang nung kumanta tayo ng “Happy Day” noong Easter Sunday, pero heto na naman tayo, bumalik na sa tahimik at matamlay nating mga buhay. Ito ang nais kong pag-usapan natin ngayon: kung paano natin matututunang mapansin ang mga “glimpses of Easter” o ang mga bakas ng pag-asa sa gitna ng ating pang-araw-araw na buhay na madalas nating binabalewala. Ngayon ay ikalawang linggo na natin sa panahon ng Easter, at sinusundan natin ang naging buhay ng mga alagad pagkatapos mamatay ni Jesus. Sa ating pagbasa ngayon, makikita natin silang nasa loob ng isang silid na nakakandado ang pinto dahil sa takot. Takot sila sa mga awtoridad na baka sila ay hulihin o usigin dahil kakamatay lang ni Jesus. Noong mga oras na iyon, iilan pa lamang ang nakakita sa libingan, kabilang sina Simon Pedro at Juan. Tanging kay Maria Magdalena pa lamang nagpapakita si Jesus, at siya ang unang inutusan ni Jesus na ipahayag ang balita ng muling pagkabuhay. Sa katunayan, maaari nating sabihin na ang unang itinalagang ministro ni Jesus ay isang babae. Isipin natin ang nararamdaman ng mga alagad habang nakakulong sila sa silid na iyon. Isipin niyo ang takot na kailangan niyo pang i-lock ang pinto dahil sa sobrang paranoia. Ginagawa nila ito para lang maramdaman ang kahit katiting na seguridad. Wala na si Jesus. Patay na ang kanilang pinuno at hindi nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Siguro ay hindi pa nga sila tapos mag-luksa, pero heto na agad ang banta ng pag-uusig. At ang mga kinatatakutan nila ay hindi lang basta ordinaryong tao; sila ay mga makapangyarihan at may awtoridad. Nakita nila ang sinapit ng kanilang lider, at iniisip nila na baka sila na ang susunod. Napakasakit ng kawalang-pag-asang nararamdaman nila. Wala na silang aasahan. Ang taong sandigan nila, ang nagbibigay sa kanila ng lakas at suporta, ay wala na. Naalala ko tuloy noong nalaman nating magsasabbatical si Pastor Sean—grabe ang naging reaksyon natin. Marami ang nalungkot at nagtanong, “Paano na tayo?” Gayong alam naman nating babalik din siya. Paano pa kaya ang mga alagad na sa isip nila ay tuluyan nang nawala si Jesus?. Kahit sino naman ay gagawin ang ginawa nila. Tayo rin, madalas nating “ikandado ang ating mga pinto” sa panahon ng kawalang-pag-asa at kalungkutan. Ang pagkakandado ng pinto ay maaaring maging porma ng pag-isolate sa sarili, ang hindi pagpapakita sa iba, at ang pagkawala ng gana sa mga bagay-bagay. Minsan ay napapatanong tayo: “Para saan pa? Bakit ko pa kailangang magpatuloy kung parang bale-wala rin ang lahat?”. Ang takot na nararamdaman natin ay hindi lang basta personal; madalas ito ay bunsod ng mga sistemang mas malawak sa atin. Sa ating panahon, marami tayong kinatatakutang “awtoridad” at mga pangyayaring hindi natin kontrolado. Andiyan ang takot para sa ating bansa. Malapit na ang 2028, at may personal akong pangamba: muli ba tayong mabibigoy? Ma-iistuck na naman ba tayo sa isang gobyernong mas malala pa sa nararanasan natin ngayon? Minsan, nakakapagod nang lumabas at makisangkot kung parang walang nangyayari sa ating mga pagsisikap na humanap ng mga lider na may tunay na malasakit sa bayan. Maging sa mga simpleng bagay tulad ng pagbabayad ng pamasahe o pagpapagas, pinapaalalahanan tayo ng mga epekto ng mga desisyong ginagawa ng mga makapangyarihang lider sa mundo. Nakakalungkot isipin na ang mga “tantrums” at reckless na desisyon ng mga taong ito ay nagdudulot ng pasakit sa buhay nating mga ordinaryong tao. Ito ay isang trend sa buong mundo—mga lider na tila walang pakialam sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Bukod sa politika, isa pang bumabagabag sa akin ay ang tila pag-atras o pag-regress ng pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Kaya naman ngayong taon, ang ating tema ay nakatutok sa queer at feminist theology. Ito ang dahilan kung bakit naramdaman namin ang pangangailangang ilabas ang aming unang single na “She Preached” noong nakaraang Easter. Nais nating ipaalala na sa kasaysayan ng ating pananampalataya, ang unang boses na nagpahayag ng pinakamahalagang balita—ang muling pagkabuhay—ay boses ng isang babae. Minsan, ang mundo ang mismong nagsasara ng pinto para sa atin. Ngunit tulad ng mga alagad, sa gitna ng ating pagtatago at takot, doon tayo kailangang puntahan ng pag-asa. Ang nakakalungkot na katotohanan ay hindi lamang iisang tao ang ganito; ito ay naging trend na sa buong mundo—mga lider na tila walang tunay na malasakit sa bayan at inuuna ang sariling “tantrums” kaysa sa kapakanan ng nakararami. Ang problema, kapag nag-tantrums sila, tayong mga ordinaryong tao ang pumapasan ng hirap at pasakit. Isa pa sa mga bagay na personal na bumabagabag sa akin ay kung paano tila umaatras o nag-re-regress ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Ito ang dahilan kung bakit, bukod sa pagiging tema natin ang queer at feminist theology ngayong taon, naramdaman namin ang bigat at pangangailangang ilabas ang ating unang single na “She Preach” noong nakaraang Easter. Ito ang aming paraan ng paglaban sa mga mapanirang naratibo at sentimyento laban sa mga kababaihan. Sa kabila ng lahat ng mga “pinto” na isinasara sa atin ng mundo—maging ito man ay dahil sa takot, politika, o diskriminasyon—ang mensahe ng Easter ay nananatili. Tulad ng mga alagad na nakakulong sa silid, doon tayo kailangang puntahan ng muling nabuhay na Kristo. Ang hamon sa atin ngayong panahon ng Easter ay ang matutong kumilala sa mga “glimpses” o bakas ng pag-asa na madalas nating hindi napapansin sa gitna ng ating pagod at takot. Huwag nating hayaang manatiling nakakandado ang ating mga puso. Sa bawat pagkakataon na tayo ay nagmamalasakit, tumitindig para sa katotohanan, at kumikilala sa halaga ng bawat isa, doon natin nararanasan ang tunay na muling pagkabuhay. Salamat sa inyong pakikinig, at nawa’y maging inspirasyon ito sa inyong pagharap sa bagong linggo. Amen. The post Easter: Pagkilala Sa Pag-Asa appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

    23 min
  5. Apr 6

    Easter: The Unsealed Entrance

    Early on the first day of the week, while it was still dark, Mary Magdalene came to the tomb and saw that the stone had been removed from the tomb. So she ran and went to Simon Peter and the other disciple, the one whom Jesus loved, and said to them, “They have taken the Lord out of the tomb, and we do not know where they have laid him.” Then Peter and the other disciple set out and went toward the tomb. The two were running together, but the other disciple outran Peter and reached the tomb first. He bent down to look in and saw the linen wrappings lying there, but he did not go in. Then Simon Peter came, following him, and went into the tomb. He saw the linen wrappings lying there, and the cloth that had been on Jesus’s head, not lying with the linen wrappings but rolled up in a place by itself. Then the other disciple, who reached the tomb first, also went in, and he saw and believed, for as yet they did not understand the scripture, that he must rise from the dead. Then the disciples returned to their homes. But Mary stood weeping outside the tomb. As she wept, she bent over to look into the tomb, and she saw two angels in white sitting where the body of Jesus had been lying, one at the head and the other at the feet. They said to her, “Woman, why are you weeping?” She said to them, “They have taken away my Lord, and I do not know where they have laid him.” When she had said this, she turned around and saw Jesus standing there, but she did not know that it was Jesus. Jesus said to her, “Woman, why are you weeping? Whom are you looking for?” Supposing him to be the gardener, she said to him, “Sir, if you have carried him away, tell me where you have laid him, and I will take him away.” Jesus said to her, “Mary!” She turned and said to him in Hebrew, “Rabbouni!” (which means Teacher). Jesus said to her, “Do not touch me, because I have not yet ascended to the Father. But go to my brothers and say to them, ‘I am ascending to my Father and your Father, to my God and your God.’ ” Mary Magdalene went and announced to the disciples, “I have seen the Lord,” and she told them that he had said these things to her. John 20:1-18 NRSVUE Sa mapagpalang hapon po sa inyo. Tuwing pumupunta ako sa ibang simbahan, ang pulpito lagi ang una kong tinitingnan para malaman kung kasya ba ako at makikita doon. Finally, nandito na rin ako sa inyong harapan; tuwing busy ang buong linggo at hindi makauwi sa bahay tuwing hapon ng Linggo, nanonood lamang ako ng inyong live. Ang pakiramdam ay parang nasa iisang tahanan na rin tayo. Tayo po ay manalangin para sa ating pagbubulay ng mensahe ng ating Panginoon. Salamat po dakilang Diyos sa pagkakataon na ito na kami ay pare-parehong magbubulay at makikinig ng inyong mensahe. Dalangin namin Panginoon na ang inyong abang lingkod ay magamit na instrumento sa paghahatid ng inyong mabuting balita sa bawat isa sa pangalan ni Hesus, Amen. Ang Pagbabalik ni Maria Magdalena at ang Huling Paglilingkod Si Maria ay muling bumalik at may dalang mabuting balita. Sa tuwing ako ay nagbibigay ng mensahe, iniisip ko kung anong komunidad ang aking dadalhan at kung ano ang mabuting balita para sa kanila. Hindi po tayo pumipili kung ano ang ating dadalhin, kundi kung ano ang ating pinaniniwalaan na iyon ang mabuting balita para sa inyo. Bakit nga ba patungo sa libingan si Maria Magdalena? Ang layunin ni Maria Magdalena at ng ibang alagad ay pumunta roon para magbigay sana ng maayos na libing kay Hesus—isang huling pagkakataon ng paglilingkod, isang “last ritual”. Ngunit ang kanilang kalungkutan at takot ay napalitan ng pagkagulat, pananabik, at kagalakan. Ang Kakulangan ng Pag-asa: Kasama ba si Maria sa mga alagad na sinabihan ni Hesus na Siya ay muling mabubuhay? Sa mga ebanghelyo nina Mateo, Marcos, at Lucas, malinaw na binanggit ni Hesus na ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo, papatayin, ngunit muling bubuhayin sa ikatlong araw. Sa Ebanghelyo ni Juan, may mga pahiwatig tulad ng “Gibain ninyo ang templong ito at sa loob ng tatlong araw ay muli kong itatayo,” at “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita at pagkaraan ng kaunti pang panahon ako’y inyong makikitang muli.” Ang Pangamba ng mga Alagad: Bagama’t may mga pahayag si Hesus, hindi ito lubusang naunawaan at inasahan ng mga alagad. Nang mamatay si Hesus, binalot silang lahat ng takot at nagtago; walang naitalang nagpakita ng pag-asa na Siya ay mabubuhay muli. Naniwala na lamang sila noong Siya ay kanilang narinig, nakita, at muling nakasalo sa pagkain. Ang Nagmamadaling Paglilibing: Dahil namatay si Hesus noong Biyernes at ang kasunod na araw ay Sabado (Sabbath kung saan bawal gumawa), dali-dali lamang ang ginawang pagbabalot at pagpapahid ng pabango upang mapreserba ang Kanyang katawan. Kaya naman noong Linggo ng umaga, inipon nila ang kanilang mga pabango at nagtungo sa libingan upang iayos ang katawan ni Hesus. Hindi sila pumunta para tingnan kung Siya ay nabuhay, kundi para pahiran ng langis ang Kanyang katawan. Ang Mga Batong Humaharang at ang Pagbibigay-Access ni Hesus Sa kabilang banda, nakarating sa mga pinunong pari ang balita na mabubuhay si Hesus, kaya’t hiniling nila sa mga Romano na i-seal ang libingan. Nilagyan ito ng malaking bato, lubid, at wax, pati na ng Roman Seal, upang walang makabukas nito; ang sinumang sumira sa selyo ay maaaring patayin. Ngunit hindi na inabot ni Maria ang ganitong tagpo dahil naigulong na ang bato nang sila ay makarating doon. Hindi na rin nila kinailangang tangkain na buksan ito. Ang ganitong pagharang at pagkontrol sa katawan ni Hesus ay hindi na bago sa mga gawain ng mga political and religious leaders. Kinokontrol nila at sila ang may access sa lahat ng bagay: sa pera, sa kaayusan, at sa mga ritwal. Sila ang nagpapasya at nagtatakda kung sino ang matuwid, kung sino ang makasalanan, kung sino ang karapat-dapat, at kung sino ang mga hamak. Ginagamit nila ang buwis, templo, at batas upang manipulahin ang mga tao, na nagresulta sa pagmamayagpag ng injustice kung saan maraming naging alipin at naghirap. Ang Ministeryo ni Hesus: Kabaligtaran ito ng ginawa ni Hesus. Kung hinaharangan ng mga lider ang access, ibinubukas naman ito ni Hesus para sa lahat. Nagbigay Siya ng access sa kagalingan para sa mga may sakit, pagpapatawad, pagtanggap sa mga makasalanan, at pag-asa sa mga itinakwil ng lipunan, habang hinahamon ang pagpapaimbabaw ng mga nasa kapangyarihan. Ang Kanyang buhay, ministeryo, at muling pagkabuhay ay nangangahulugang pagbibigay ng access sa kaganapan ng buhay; wala nang pwedeng humadlang sa kabutihan ng Diyos. Noon, kamatayan ang laging panakot sa mga tao, pero muling nabuhay si Hesus para mawala ang hadlang tungo sa buhay na ganap. Mga Makabagong “Bato” sa Ating Buhay: Sa ating buhay ngayon, marami pa ring “bato” na tila nagsasara ng pagkakataon upang makamit natin ang biyaya ng Diyos. Sa buong mundo, nariyan ang tatlong malalaking bato: imperialism, feudalism, at capitalism. Madalas ding pinipigilan, at kung minsan ay humahantong pa sa kamatayan, ang gawain at ministeryo ng mga sumusunod kay Hesus. Tila paulit-ulit na nakukulong si Hesus at sinasaraduhan ang pagkakataong malapitan Siya. Napakayaman sana natin sa resources, ngunit dahil nakaharang ang mga bato, pare-pareho tayong nahihirapang makamit ang access sa biyaya ng Panginoon. Lalo na para sa LGBTQ community, alam kong danas ninyo ang maraming batong iniharang—mga sandaling “access denied” kayo, sinasabihang bawal o hindi kabilang. Ngunit patuloy na ipinapaalala ng Panginoon na ang access ay ibinigay na Niya; walang nakaharang para tayo ay dumiretso, manalangin, at maniwala sa Kanya. Kahit may mga pumipigil sa pagtatayo ng ganitong simbahan, dito ninyo mararanasan ang pag-ibig ng ating Panginoon. Ang Mga Ebidensya ng Muling Pagkabuhay 1. Ang Mga Nakatiklop na Telang Lino Nang pumasok si Pedro sa libingan, nakita niya ang mga telang lino, at ang telang nakatakip sa ulo ni Hesus ay nakatiklop at inilagay nang hiwalay. Para sa mga Hudyo, mahalagang igalang ang katawan at gawin itong disente kaya ibinabalot sa lino. Praktikal din ito dahil wala silang embalsamo, at ang lino ang sumisipsip sa mga likidong lumalabas sa katawan. Ang ritwal ng pagbabalot sa telang lino ay ang kaganapan ng kamatayan. Kung ninakaw ang katawan, walang magnanakaw ang mag-aaksaya ng oras na tanggalin ang lino lalo’t ito ay didikit na sa sugatang katawan ni Hesus. Nawala ang katawan hindi dahil ito ay kinuha, kundi nabuhay si Hesus at hindi na Niya kailangan pang manatiling nakabalot. Ang simpleng telang ito na maayos na nakatupi ay ebidensya na Siya ay bumangon. Aplikasyon: Sa ating buhay pananampalataya, dapat din tayong magpakita ng ebidensya na tayo ay kasamang muling nabuhay. Kailangan nating kumawala sa mga “telang lino” na bumabalot sa atin na nagpapakitang tayo ay patay; kung hindi, magiging parang mga “mummy” o walking dead tayo na naging komportable na sa maling pakikitungo at panggigipit. Ipinapakita ng Panginoon na kayang pagtagumpayan ang kamatayan, at dapat din tayong mag-iwan ng ebidensya ng Kanyang muling pagkabuhay. 2. Ang Luklukan ng Awa (Ang Dalawang Anghel) Nakita ni Maria ang dalawang anghel na nakaupo kung saan inilagay ang bangkay ni Hesus, isa sa ulo at isa sa paa. Bakit sila nakaupo? Kung titingnan natin ang Exodo 25, inilalarawan doon ang Kaban ng Tipan (Ark of the Covenant) kung saan may dalawang kerubin sa magkabilang dulo ng “luklukan ng awa” (mercy seat). Doon nagtatagpo ang Diyos at nagaganap ang pagbabayad-sala. Ang mga anghel sa libingan ay nakaupo dahil hindi na nila kailangang magbantay kung maghahandog ng dugo ang mga tao. Naganap na ang pinakamainam na handog at nakamit na ang pagpapatawad; bukas na ang mesa para sa lahat, at may direkta na tayong ugnayan sa Diyos. Konklusyon: Tayo ang Patunay Paano tayo

  6. Mar 23

    Purity and Sanctification

    I thank my God for every remembrance of you, always in every one of my prayers for all of you, praying with joy for your partnership in the gospel from the first day until now. I am confident of this, that the one who began a good work in you will continue to complete it until the day of Jesus Christ. Philippians 1:3-6 NRSVUE “I am the true vine, and my Father is the vine grower. He removes every branch in me that bears no fruit. Every branch that bears fruit he prunes to make it bear more fruit. You have already been cleansed by the word that I have spoken to you. Abide in me as I abide in you. Just as the branch cannot bear fruit by itself unless it abides in the vine, neither can you unless you abide in me. I am the vine; you are the branches. Those who abide in me and I in them bear much fruit, because apart from me you can do nothing. John 15:1-5 NRSVUE Pakinggan natin ang sinasabi ng Espiritu Santo sa atin ngayong araw. Nawa’y ang pangangaral na ating matatanggap ay magbigay-inspirasyon, kalinga, at hamon sa atin. Amen. Kanina, nabanggit ng ating Hermanan na gumagamit tayo ng mga kanta nina Adele at Lady Gaga. Pero ngayon, ibang klaseng kanta ang gagamitin ko—isang K-pop song. Bago ako magsimula, may ipaparinig ako sa inyo. DJ, pasensya na Chris dahil baka ma-copyright tayo, pero gaya ng sabi ko, ito ang ganda ng preaching sa isang inclusive church—meron tayong mga contemporary readings. Ang pamagat ng kanta ay “What It Sounds Like” ng Huntrix. Ito ang huling kanta sa Netflix movie na KPop Demon Hunters (na ngayon ay Oscar’s best animated feature film). Para sa akin, maraming bahagi ng movie ang queer-coded at ang plot mismo ay isang malakas na queer allegory, partikular sa pag-explore ng themes ng shame at coming out. Ang kantang ito ay sumasalamin sa kwento ng mga queer Christians. Ang unang verse ay nagpapaalala sa akin ng aking karanasan bago ako nag-come out. Nagsisimula ito sa isang tapat na pag-amin: marami sa ating mga queer Christians ang dumaan sa hiya dahil sa kung sino tayo. Sinubukan nating ayusin ito at nagdasal tayo nang marubdob sa Diyos na baguhin tayo. Nung umuwi ako sa Cavite kamakailan, hinanap ko ang dati kong diary. Hindi ako consistent sa pagsusulat, pero kapag may dinaramdam ako, isinusulat ko ito. Ang simula ng bawat entry ko ay “Dear Jehovah” dahil iyon ang tawag sa Diyos sa kinalakihan kong relihiyon bilang Jehovah’s Witness. May isang pahina doon na ang sabi ko sa Diyos, “Bakit niyo po ako ginawang ganito? Ang hirap-hirap”. Ang prayer ko pa nga noon, gawin niyo na lang po akong bisexual para man lang may option ako at maitawid ko pa rin. Sa dulo ng diary, nakiusap ako sa Diyos na huwag sana akong ma-fall sa aking first love. Pero walang nangyari sa pagbe-beg ko. Siguro ang sabi ng Diyos sa akin, “Deserve mo anak, i-experience mo ‘yan.” Doon natapos ang diary dahil lumandi lang talaga ako at hindi na ako nag-pray. Siguradong may ganyan din kayong moments. Sinubukan ninyong labanan ang inyong nararamdaman at ni-repress ang inyong mga emosyon. Gaya sa kanta, baka nagsinungaling kayo sa inyong pamilya, kaibigan, at lalo na sa inyong sarili. Naramdaman ninyong wala ang Diyos sa inyong panig. Ang mga karanasang ito ay nangyari dahil ang tingin ng maraming simbahan sa queerness ay “unholy”. Madalas sa kanila, ang kabanalan ay kapareho lamang ng moral o sexual purity, o kaya ay pag-conform sa mga tradisyon. Malamang isa yan sa rason bakit kayo narito sa Open Table, dahil na-realize ninyo na ang listahan nila ng rules ay hindi naman talaga sukatan ng holiness. Bawal ang premarital sex, bawal ang same-sex relationships, pati ang pag-aayos ng sarili ay binabantayan. Dahil sa mga rules na ito, marami ang nakakaramdam ng guilt. Sa mga Katoliko, tinatawag itong “Catholic guilt”. Pero ang totoo, karamihan sa mga rules na iyon ay hindi naman talaga Biblical. Sa framework na ito kung saan “conformity” ang goal, nakondisyon tayo na ikahiya ang ating mga katawan at relasyon. Pati ang ating mga straight allies ay biktima rin ng sistemang ito. Ang turo sa kanila, ang sex ay regalo ng Diyos pero sa loob lang ng kasal. Ninakawan sila ng purity culture ng pagkakataong intindihin ang kanilang mga katawan at ang tunay na kahulugan ng intimacy. Na-witness ko kung gaano ka-obsessed ang mga simbahan sa purity. Sa dati kong church, bawal lumabas ang couple nang silang dalawa lang; dapat laging may “chaperone”. Noong bata ako, pabor ito sa akin dahil lagi akong libre sa pakain kapag isinasama ako ng tita ko sa date nila ng boyfriend niya. Bukod doon, matindi rin ang pressure sa mga couple na magpakasal agad para “hindi magkasala”. Sa mga Jehovah’s Witness, maximum na ang dalawang taon ng dating; kapag lumampas doon, minamata na kayo. Kahit hindi pa ready ang couple—hindi lang sa financial kundi pati sa emosyon—napipilitan silang magpakasal dahil sa takot sa “sexual immorality”. May malaking stigma rin, lalo na sa mga kababaihan, pagdating sa virginity—na kapag nawala ito ay “marumi” ka na. Bukod sa pressure na magpakasal, matindi rin ang pressure sa mga kababaihan na manatiling birhen hanggang kasal. Mas malaki ang stigma sa kanila; kapag nawala ang kanilang virginity, itinuturing na silang “marumi” at parang wala nang halaga. Ang mga straight women ay tinuruan din na maging submissive sa kanilang mga asawa, habang ang mga lalaki naman ang dapat na may final say sa lahat ng desisyon. Ang ganitong sistema ay hindi lang nakakaapekto sa mga kababaihan kundi pati sa mga lalaki, dahil itinuturo nito na ang intimacy ay tungkol lamang sa kontrol at hindi sa mutual respect at pag-ibig. Dito pumapasok ang ating pagbasa mula sa Filipos. Sabi ni Pablo, “May tiwala ako na ang nagsimula ng mabuting gawa sa inyo ay ipagpapatuloy ito hanggang sa ganap na matapos sa araw ni Jesu-Cristo”. Ang “mabuting gawa” na ito ay ang proseso ng sanctification o pagpapakabanal. Sa maraming simbahan, ang sanctification ay tinitignan bilang isang checklist ng mga bawal at dapat gawin. Pero ang tunay na kahulugan nito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Kanyang grasya. Hindi ito tungkol sa pagiging perpekto sa mata ng tao, kundi sa pagiging tapat sa kung sino tayo sa harap ng Diyos. Sa ating Ebanghelyo, binanggit ni Jesus na Siya ang puno ng ubas at tayo ang mga sanga. Ang pagbubunga ay hindi nangyayari dahil sa sarili nating pagsisikap na sumunod sa mga panuntunan ng tao. Nangyayari ito kapag tayo ay nananatili sa Kanya. Para sa ating mga queer Christians, ang pananatiling ito ay nangangahulugan ng pagtanggap sa ating sarili bilang mga nilalang na minahal at tinanggap ng Diyos. Ang mga “pruning” o paglilinis na binanggit sa Ebanghelyo ay hindi ang pagtanggal sa ating pagkatao, kundi ang pag-alis sa mga shame, guilt, at takot na humahadlang sa atin na magmahal nang lubos. Ang pagiging isang inclusive church gaya ng Open Table ay isang hamon sa tradisyonal na konsepto ng kabanalan. Ipinapakita natin na ang kabanalan ay matatagpuan sa pag-ibig, sa pagtanggap, at sa pagiging totoo. Hindi kailangang ikahiya ang ating mga katawan o ang ating mga relasyon dahil ang mga ito ay bahagi ng mabuting gawa na sinimulan ng Diyos sa atin. Gaya ng kanta ng Huntrix na “What It Sounds Like,” ang ating kwento ay hindi na tungkol sa pagtatago o pagsisinungaling. Ito ay tungkol na sa pagbangon mula sa hiya at pagyakap sa liwanag ng katotohanan. Sa dulo ng kanta, may pagbabago sa tono—isang pagtanggap na hindi kailangang maging “normal” o sumunod sa dikta ng iba para maging karapat-dapat. Ang ating mga kwento bilang queer Christians ay hindi nagtatapos sa hiya. Gaya ng sinabi ni Pablo, ang Diyos na nagsimula ng mabuting gawa sa atin ay hindi tayo iiwan sa gitna ng daan. Ang bawat “Dear Jehovah” entry sa aking diary, ang bawat dasal ninyo na sana ay maging “straight” na lang kayo, ay bahagi ng mahabang proseso. Ngayon, ang ating mga katawan at relasyon ay hindi na tinitignan bilang “unholy” kundi bilang mga sisidlan ng grasya ng Diyos. Ang sanctification ay hindi isang biglaang pangyayari kundi isang mahabang paglalakbay ng pagpapakabanal. Ito ay ang patuloy na paghubog ng Diyos sa atin, hindi para maging kamukha ng mga tradisyon ng tao, kundi para maging mas malapit sa puso ni Cristo. Huwag nating hayaan na ang “purity culture” ang magdikta ng ating halaga sa harap ng Diyos. Ang ating pananatili sa “Puno ng Ubas” ay sapat na para tayo ay magbunga. Hindi natin kailangang baguhin ang ating pagkatao para mahalin ng Diyos; sapat na ang tayo ay manatili sa Kanya. Sa huli, ang ating pananampalataya ay hindi tungkol sa mga listahan ng bawal. Ito ay tungkol sa kagalakan ng pagkilala sa Diyos na tumitingin sa puso at hindi sa panlabas na anyo o oryentasyon. Nawa’y magpatuloy tayo sa paglalakbay na ito nang may kagalakan at pag-asa, alam na ang Diyos ay kasama natin sa bawat hakbang. Amen. The post Purity and Sanctification appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

  7. Mar 16

    Paglaya at Paghilom

    Awe came upon everyone because many wonders and signs were being done through the apostles. All who believed were together and had all things in common; they would sell their possessions and goods and distribute the proceeds to all, as any had need. Day by day, as they spent much time together in the temple, they broke bread at home and ate their food with glad and generous hearts, praising God and having the goodwill of all the people. And day by day the Lord added to their number those who were being saved. Acts 9:1-18 (NRSVUE) When he came to Nazareth, where he had been brought up, he went to the synagogue on the Sabbath day, as was his custom. He stood up to read, and the scroll of the prophet Isaiah was given to him. He unrolled the scroll and found the place where it was written: “The Spirit of the Lord is upon me, because he has anointed me to bring good news to the poor. He has sent me to proclaim release to the captives and recovery of sight to the blind, to set free those who are oppressed, to proclaim the year of the Lord’s favor.” And he rolled up the scroll, gave it back to the attendant, and sat down. The eyes of all in the synagogue were fixed on him. Then he began to say to them, “Today this scripture has been fulfilled in your hearing.” Luke 4:16-21 (NRSVUE) Mula sa Rejection Tungo sa Komunidad Sa ating mga teksto ngayon, makikita ang dalawang magkaibang eksena. Sa Lucas, naranasan ni Jesus ang pagsubok—mula sa paghanga ng kanyang mga kababayan hanggang sa matinding pagtanggi (rejection). Dahil tumanggi si Jesus na magsagawa ng mga milagro para lamang sa kanilang aliw, napuno sila ng galit at sinubukang itulak siya sa bangin. Sa kwentong ito, tila si Jesus mismo ang nangangailangan ng paglaya at pagtakas. Sa kabilang banda, ang teksto sa Acts ay nagpapakita ng “Life Among the Believers”. Ito ang simula ng paglalakbay ng mga apostol kung saan ang konsepto ng komunidad ang nagpalago sa Kristiyanismo. Ito ang bersyon ng “bigyan ng sapat ang lahat sa araw-araw”—isang radikal na pagbabahagi at pagmamahalan. Pag-unawa sa Soteriology Ngayon, pag-uusapan natin ang Soteriology o ang teolohiya ng kaligtasan. Ang salitang ito ay nagmula sa Griyego na soteria (salvation) o soter (savior). Ito ang pag-aaral kung paano inililigtas ang tao, mula sa ano, at para sa ano. Para sa marami sa atin, lalo na sa LGBTQ+ community, ang salitang “salvation” ay may dalang mabigat na bagahe o trauma. Madalas itong ginagamit bilang panakot—na kung hindi mo ititigil ang pagiging bakla, hindi ka mapupunta sa langit. Para bang may monopoly ang ilan sa kaligtasan. Marami sa atin ang lumaki sa takot na mapunta sa impiyerno, at ang turing sa kaligtasan ay hindi inclusive kundi divisive. Ngunit bakit takot at discomfort ang dulot nito kung ang ibig sabihin naman talaga nito ay “deliverance” o “redemption”? Subukan nating bawiin o i-salvage ang tunay na kahulugan ng salvation mula sa Bibliya. Biblical Meaning: Kaligtasan Bilang Paglaya at Pagbabalik Sa orihinal na konteksto ng Bibliya, ang kaligtasan ay bihirang tumutukoy sa kabilang buhay (afterlife). Ang sinaunang Israel ay walang konsepto ng afterlife sa Genesis, Exodus, o mga Awit. Ang unang malinaw na pagbanggit sa buhay pagkatapos ng kamatayan ay lumitaw lamang sa Aklat ni Daniel, na isinulat noong 165 BCE. Kaya naman, narito ang apat na pangunahing balangkas ng biblical meaning ng salvation na dapat nating tandaan: Liberation from Bondage (Paglaya sa Pagkaalipin): Ang kwento ng Exodus mula sa Ehipto ang humubog sa salitang ito. Iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa pang-aalipin ng Faraon sa pamamagitan ng pamumuno ni Moises. Ito ay paglaya patungo sa isang bagong buhay at tipan (covenant) sa Diyos sa Bundok Sinai. “Ang Panginoon ay aking kalakasan at aking kapangyarihan. Siya ang naging aking kaligtasan” (Awit 118:14). Return from Exile (Pagbabalik mula sa Pagkakabihag): Ito ang ikalawang mayor na balangkas. Noong ika-6 na siglo BCE, sinakop ng mga Babilonia ang Jerusalem at binihag ang mga tao. Sila ay inapi, pinahirapan, at nawalan ng kapangyarihan sa loob ng 50 taon. Natapos lamang ito nang sakupin ng Persia ang Babilonia, at pinayagan sila ni Cyrus na bumalik sa kanilang tinubuang-lupa. Ito rin ang konteksto ng ikalawang bahagi ng Aklat ni Isaias—ang parehong teksto na binasa ni Jesus sa scroll. “Ang Israel ay iniligtas ng Panginoon ng isang walang hanggang kaligtasan” (Isaias 45:17). From Infirmity to Wellbeing (Mula sa Karamdaman Tungo sa Kagalingan): Ang mga Ebanghelyo ay naglalaman ng maraming kwento ng pagpapagaling ni Jesus. Sa kontekstong ito, ang kaligtasan ay nangangahulugang paghahilom ng ating mga sugat at pagiging buo (whole). Ito ay mas literal na panggagamot. Fear to Trust (Mula sa Takot Tungo sa Pagtitiwala): Ang pagtatagumpay laban sa takot at pagkabalisa (anxiety) ay isang karaniwang tema sa Bibliya. Ang “Huwag kang matakot” ay isa sa mga pinakamadalas na parirala. Sa Lucas 12, sinabihan ni Jesus ang kanyang mga tagasunod na huwag mag-alala kundi magtiwala sa Diyos. Sa 1 Pedro 5:7, sinasabing: “Ilagak ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.” Higit Pa sa Personal na Kaligtasan: Justice at Peace Bagaman ang kaligtasan ay mahalaga para sa bawat indibidwal, ito rin ay consistently “corporate” o pangkalahatan sa Bibliya. Kabilang dito kung paano tayo namumuhay nang sama-sama sa mga komunidad, lipunan, at bansa. Ayon sa biblical scholar na si Marcus Borg, ang kaligtasan sa Bibliya ay politikal tulad ng pagiging personal nito, na may dalawang pangunahing focal points: Katarungan (Justice) at Kapayapaan (Peace). From Injustice to Justice: Ang pangunahing isyu sa Bibliya ay ang “economic injustice.” Libu-libong taon na ang nakalipas, umiiral pa rin ang kawalang-katarungan kapag ang mga makapangyarihan at mayayamang elite ay binubuo ang mundo ayon sa kanilang sariling interes. Ang mga modern-day Pharaoh, Herod, at Caesar ay nasa paligid pa rin natin, iba lang ang pangalan o apelyido. Mula sa kanila, kailangan pa rin nating mailigtas. From Violence to Peace: Ang isa pang malawak na politikal na kahulugan ng kaligtasan ay ang kapayapaan. Ang kapayapaan sa Bibliya ay may parehong personal at politikal na kahulugan. Kabilang dito ang kapayapaan ng isip at kapayapaan sa ating mga relasyon sa ating pamilya at mga kaibigan. Ngunit ito rin ay tungkol sa pagwawakas ng karahasan at digmaan. Sinabi ni Jesus sa Mateo 5:9: “Mapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.” Ang Pangarap ng Diyos at ang Ating Hamon Ayon kay Verna Dozier, isang African-American author at theologian, “Ang kaligtasan bilang isang mundo ng katarungan at kapayapaan ay ang pangarap ng Diyos.” Gayundin, ayon kay Archbishop Desmond Tutu, “Ang pangarap ng Diyos, ang pasyon ng Diyos ay isang transpormadong mundo ng katarungan at kapayapaan.” Napakaganda ng pangarap ng Diyos para sa atin. Ngunit libu-libong taon pagkatapos, tila imbes na mapalapit, ay palayo tayo nang palayo sa pangarap na iyon. Hangga’t may ilang taong nasa kapangyarihan na nangkakamkam ng lupang hindi naman sa kanila, mga politikong sakim na kinukurakot ang pera ng bayan, at mga bansang bully na nagti-trigger ng karahasan, patuloy ang injustice, kahirapan, at oppression. Dito pumapasok ang isa pang biblical meaning ng salvation: nang iligtas ni Jesus ang mga tao at dalhin sila mula sa kamatayan patungo sa buhay. Sa kabila ng ating mga limitasyon bilang tao, taglay natin ang kapangyarihang tuparin ang pangarap ng Diyos—ang magkaroon ng “heaven on earth.” Konklusyon: Isang Lifelong Journey ng Pagbabago Ngayong Panahon ng Kuwaresma (Lent season), nanalangin ako na tayo ay patuloy na makalaya sa mga traumang naidulot sa atin ng salitang “salvation.” Madaling sabihin, pero sa lalim ng sugat na naiwan nito, hindi ito parang magic na kayang hilumin agad. Patuloy natin itong i-challenge, araw-araw nating harapin nang personal at bilang isang komunidad. I pray for continuous healing. Kapag sinasabi ng mundo na kasalanan ang maging LGBTQ+, may kapangyarihan tayong “iluwal muli” (be born again) ang ating sarili nang mas malaya at mas buo. At kapag mas buo ka na, kapag mas malaya ka na, palayain mo na rin ang iba. Be transformed so we can transform others and the world. Maging isang “wounded healer.” Magsimula sa isang LGBTQ+ kid, isang homeless person, o isang rally laban sa korapsyon. Magsimula tayo sa pagbabahagi ng magandang balita na dito sa Open Table, may isang ligtas na espasyo kung saan ka tunay na tinatanggap. Balikan natin at maging inspirasyon kung paano nagsimula ang Kristiyanismo noon. Naniniwala akong kaya natin itong gawin muli, sa gabay ng Banal na Espiritu at sa kapangyarihan ng pag-ibig ni Jesus. Achieve natin ang paglaya at paghilom dito, ngayon, at para sa lahat. Salamat po. The post Paglaya at Paghilom appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

    24 min
  8. Mar 9

    Metanoia: What’s Next

    Meanwhile Saul, still breathing threats and murder against the disciples of the Lord, went to the high priest and asked him for letters to the synagogues at Damascus, so that if he found any who belonged to the Way, men or women, he might bring them bound to Jerusalem. Now as he was going along and approaching Damascus, suddenly a light from heaven flashed around him. He fell to the ground and heard a voice saying to him, “Saul, Saul, why do you persecute me?” He asked, “Who are you, Lord?” The reply came, “I am Jesus, whom you are persecuting. But get up and enter the city, and you will be told what you are to do.” The men who were traveling with him stood speechless because they heard the voice but saw no one. Saul got up from the ground, and though his eyes were open, he could see nothing; so they led him by the hand and brought him into Damascus. For three days he was without sight and neither ate nor drank. Now there was a disciple in Damascus named Ananias. The Lord said to him in a vision, “Ananias.” He answered, “Here I am, Lord.” The Lord said to him, “Get up and go to the street called Straight, and at the house of Judas look for a man of Tarsus named Saul. At this moment he is praying, and he has seen in a vision a man named Ananias come in and lay his hands on him so that he might regain his sight.” But Ananias answered, “Lord, I have heard from many about this man, how much evil he has done to your saints in Jerusalem, and here he has authority from the chief priests to bind all who invoke your name.” But the Lord said to him, “Go, for he is an instrument whom I have chosen to bring my name before gentiles and kings and before the people of Israel; I myself will show him how much he must suffer for the sake of my name.” So Ananias went and entered the house. He laid his hands on Saul and said, “Brother Saul, the Lord Jesus, who appeared to you on your way here, has sent me so that you may regain your sight and be filled with the Holy Spirit.” And immediately something like scales fell from his eyes, and his sight was restored. Then he got up and was baptized. Acts 9:1-18 (NRSVUE) Isang mapagpalayang araw sa lahat ng kababaihan. Ngayon ay Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan (International Women’s Day). Inaalala natin ang mga dakilang kababaihan sa kasaysayan—ang ating mga ina, kapatid, asawa, kasamahan sa trabaho, mga lingkod-bayan, at lingkod-simbahan na patuloy na bumubuo ng mas mabuting mundo at kinabukasan para sa ating lahat. Tayo ay nasa Lenten series pa rin ng ating simbahan. Noong nakaraang dalawang linggo, tinalakay ni Pastor Jom ang kalikasan ng “sin theology”. Noong nakaraang linggo naman, pinaalalahanan tayo tungkol sa Juan 3:16, ang ating paboritong memory verse, ngunit binigyang-diin din ang talata 17: na hindi tayo nais hatulan ng Diyos. Sa hapong ito, ipagpapatuloy natin ang talakayan at magpopokus sa kung ano ang susunod. Susubukan nating unawain ang Metanoia. Ang Metanoia ay kombinasyon ng dalawang salitang Griyego: ang “Meta” na nangangahulugang beyond, after, o change; at “Noos” na ang ibig sabihin ay perception, understanding, o mind. Sa Griyegong Bagong Tipan, karaniwan itong isinasalin sa Ingles bilang repentance o pagsisisi. Kaya naman sa Marcos 1:15, sinabi ni Jesus: “Magsisi (repent) at maniwala sa mabuting balita dahil malapit na ang kaharian ng Diyos”. Sa Gawa 2:38, sa sermon ni Pedro noong Pentecostes, sinabi rin niya: “Magsisi (repent) at magpabinyag ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang mapatawad ang inyong mga kasalanan”. Sa tradisyong Kristiyano at teolohiya, tinitingnan ang metanoia bilang isang karanasan ng konbersyon—isang pagbabago mula sa lumang gawi patungo sa bago at mas mabuting buhay. Sa kuwento ni Saul, makikita natin na ang tunay na pagbabago ay madalas nagsisimula sa isang hindi inaasahang pagtatagpo o mystical experience. Habang si Saul ay naglalakad patungong Damascus—bitbit ang kanyang mga plano at awtoridad—bigla siyang nabulag ng isang matinding liwanag. Dito natin makikita ang ironya: si Saul, na akala ay “nakikita” ang lahat at alam ang lahat ng tama, ay kailangang mabulag upang tunay na makakita. Ang kanyang pisikal na pagkabulag ay sumasalamin sa kanyang espirituwal na kalagayan. Sa loob ng tatlong araw, siya ay nasa dilim—walang pagkain, walang inumin, at walang kasiguruhan. Ito ang yugto ng paglilinis, ang sandali kung saan ang lahat ng kanyang pinaniniwalaan ay gumuho upang bigyang-daan ang isang bagong katotohanan. Upang mas maunawaan ang pinagdaanan ni Saul, maaari nating gamitin ang konsepto ng Old Testament scholar na si Walter Brueggemann tungkol sa buhay ng pananampalataya. Ayon sa kanya, ang ating buhay ay dumadaan sa isang cycle: Orientation: Ito ang panahon kung saan maayos ang lahat. Alam natin ang ating gagawin, kontrolado natin ang sitwasyon, at panatag ang ating loob sa ating mga nakasanayan. Ito si Saul bago ang Damascus. Disorientation: Ito ang “madilim na gabi ng kaluluwa.” Dito pumapasok ang krisis, pagkabulag, at ang pagkawala ng kontrol. Ito ang tatlong araw ni Saul sa Damascus kung saan ang kanyang mundo ay nagulo. New Orientation: Ito ang yugto ng Metanoia. Hindi tayo bumabalik sa dati; sa halip, tayo ay nagiging bagong nilalang na may mas malalim na pag-unawa at mas malawak na pananaw. Ang pagbabagong-loob ay hindi lamang tungkol sa paghinto sa paggawa ng masama, kundi ang pagyakap sa isang bagong paraan ng pag-iisip at pamumuhay na mas malapit sa puso ng Diyos. Ang Metanoia o ang pagbabago ng isip ay dapat humantong sa Metamorphosis—ang pagbabago ng anyo o buhay. Tulad ng isang uod na nagiging lilibuyo, ang ating pagbabago ay dapat maging kitang-kita sa ating mga gawa at pakikitungo sa kapwa. Ang pagbabago ay hindi isang minsang kaganapan lamang; ito ay isang patuloy na proseso. Sabi nga ni Hesus, tayo ay tinatawag na mamuhay sa liwanag. Ang mga “kaliskis” na nalaglag sa mga mata ni Saul ay simbolo ng pag-alis ng ating mga maling akala, paghuhusga, at poot sa ating mga puso. Sa kuwento, makikita natin na hindi lamang si Saul ang sumailalim sa metanoia. Si Ananias din ay kinailangan ng pagbabago ng isip. Takot siya kay Saul dahil sa reputasyon nito, ngunit sumunod siya sa utos ng Panginoon. Tinawag niya si Saul na “Kapatid na Saul” (Brother Saul)—isang pagkilala na ang dating kaaway ay isa na ngayong kapamilya sa pananampalataya. Ito ang hamon sa atin: Handa ba nating tanggapin ang mga taong nagbago na, o patuloy natin silang huhusgahan base sa kanilang nakaraan? Ang metanoia ay hindi lamang para sa “masasamang tao” na kailangang maging mabuti, kundi para rin sa mga “mabubuting tao” na kailangang maging mas mapagmahal at mapagpatawad. Ang pagbabago ay hindi natatapos sa isang iglap. Tulad ng nabanggit natin, ang metanoia ay dapat humantong sa isang tuloy-tuloy na metamorphosis. Bilang mga Kristiyano, tinawag tayo ni Hesus na lumakad sa liwanag. Hindi tayo iniwan sa ating lumang kalagayan; patuloy tayong hinuhubog ng Diyos araw-araw. Sa pagtatapos ng ating pagninilay sa Lenten series na ito, nawa’y maging tapat tayo sa ating sarili. Siyasatin natin ang ating mga puso: Ano-anong mga “maskara” ang kailangan nating tanggalin? Ano-anong mga “kaliskis” sa ating mga mata ang kailangang malaglag upang tunay nating makita ang pangangailangan ng ating kapwa? Ang tunay na pagsisisi ay hindi lamang pag-iyak sa ating mga pagkakamali, kundi ang matapang na paghakbang patungo sa direksyong nais ng Diyos para sa atin. The post Metanoia: What’s Next appeared first on Open Table Metropolitan Community Church.

    21 min

Ratings & Reviews

3
out of 5
2 Ratings

About

The Inclusive Church with special ministry to the LGBTQI community