The Soul Surf

Frensy Barretto

"Soul Surf" is a podcast featuring the poetry of Frensy Ritz Barretto either English or in Filipino her national language. She's a freelance poet from the Philippines. Her favorite poetic line is, "Every Single Soul is Poem" "Soul Surf" hopes its poetry will be a bridge of conversation between the listener and herself. Let's surf together in the depths of her ocean words and thoughts. You can dive in through her podcast and know more about her and your own soul. Follow her social media accounts for more updates: https://www.facebook.com/frensyb https://www.instagram.com/frensy.rb/

Episodes

  1. 03/28/2021

    Episode 3: Kapeng Barako (café varraco)

    Kapeng Barako (Spanish: café varraco or café verraco), also known as Barako coffee or Batangas coffee, is a coffee varietal grown in the Philippines.  In this Episode the author used "Kapeng Barako" to express how bittersweet life could be. I.  Natikman mo na ba?   Purong-puro nga naman walang halong kasinungalingan.  Nan lalaban ang tapang at sumisipa ang pait bagay na bagay sa tag-lamig. Kapeng yayakapin ka nang mahigpit, halos ayaw kumawala sa'yong dibdib.   Pwedeng mainit, yung tipong nakakapaso kahit hindi mo pa naidadampi sayong mga labi. Pwede rin namang malamig, bagay sa kwentuhan natin habang lulalim ang gabi.  Pero minsan aminin na natin na tamis pa rin ang hahanap-hanapin ng nakararami.   II.  Kalimitang tinatakpan ang pait ng nakaraan, hindi magawang yakapin ang sariling kahinaan bakit nga ba puro tamis ang inaasam?  Minsan lang kung ihain ang pait at tapang ng buhay pero patuloy nating tinatakasan.   Asukal lang ba ang may kabuluhan?  Asukal lang ba ang nagbibigay linamnam?  Kung paano kang yakapin ng mainit-init na kapeng barako ay siya mo ring yakapin ang mga sandaling naging mahina ka para sa mga mata ng iba, mga sandaling nag kubli ka,   mga sandaling nawala ang dati mong sigla mga araw at gabing umiiyak ka mag-isa pero lumaban ka kahit wala sila,  tinanggap mo na iba ka, tinanggap mo na hindi laging tamis ang ihahain ng nasa itaas.   III.  Pwede din palang maging paborito mo ang pait ng kapeng barako dahil sa isang iglap  madaming pwedeng mag bago hindi kana sanay sa basta ordinaryo,  may mga sangkap na dati gusto mo pero ngayon hindi mo na tipo.  Ang tamis at pait ay hindi laging magkasama sa iisang tasa ng kape mo.    Ito ang timpla ng mundo,  Nakakapaso, Nakakapag pabilis ng tibok ng puso, Nakakatulala,  Nakakasuka,  Nakakapanghina Minsan magdamag kang hindi patutulugin hanggang umaga.   IV.  Ngunit ito ang timpla ng mundo, hindi parating masaya hindi laging sa mga ulap naka lutang ka,  hindi laging ikaw ang bida, hindi laging ikaw ang nangunguna hindi laging panalo hindi laging perpekto.   Natikman mo na ba?   Natikman mo na ba ang Kapeng Barako?   Kung hindi pa,  Halika,  Ito ang tunay na timpla ng mundo.

    Episode 3: Kapeng Barako (café varraco)

About