The Linya-Linya Show

Ali Sangalang and Linya-Linya | The Pod Network

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

  1. 400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs

    1D AGO

    400: Bara-Bara - The UMPH-Told Story w/ Kuya Kevs

    Panibagong Bara-Bara episode, hatid ng Linya-Linya at ng FlipTop Battle League. Nakasama natin si Kuya Kevs — aka DJ UMPH — ang matagal nang nasa likod ng lente ng FlipTop Battle League, ang most-viewed rap battle league sa buong mundo. Sanay tayong makita siyang tangan ang kamera, tahimik na kinukuhanan ang kasaysayan ng battle rap. Pero sa likod nito, may buhay at kwento si Kuya Kevs na hindi alam ng karamihan. Napag-usapan namin ang kanyang background — mula sa pamilyang accomplished sa academe at corporate world, hanggang sa pagiging top baseball prospect noong kabataan niya, pagdaan sa UP, at pagpasok sa iba’t ibang mundo ng Katipunan — bilyaran, underground scenes, at hip hop community na nagpamulat at humubog sa kanya. Ikinuwento rin niya ang kanyang journey sa hip hop — bilang DJ, music producer, at kahit bilang rap artist (whut?!). Mula sa early underground movements, collaborations, beat making, hanggang sa pagiging bahagi ng UPRISING at FlipTop. Napag-usapan din ang pagiging up-close witness niya sa pinakamalalaking battles sa kasaysayan ng FlipTop — ano ang pakiramdam na hawak ang kamera habang nangyayari ang epic battles, at paano niya nakikita ang ambag ng FlipTop sa hip hop, sa kultura, at sa lipunan. Isang jaw-dropping na kwento ng isang tahimik na haligi ng eksena — mula Katipunan, hanggang entablado ng hip hop, hanggang sa likod ng kamera ng kasaysayan. Solid na kwentuhan. May UMPH. Listen up, yo.

    2h 22m
  2. 397: Firm, Fierce, & Fearless: Maldita Pero Mabait Para sa Bayan w/ Karmina Constantino

    MAR 13

    397: Firm, Fierce, & Fearless: Maldita Pero Mabait Para sa Bayan w/ Karmina Constantino

    Sa episode na ito ng The Linya-Linya Show, nakasama natin ang isa sa pinakarespetado at pinakamatapang na boses sa Philippine broadcast journalism— si Ms. Karmina Constantino. Kilala siya sa kanyang firm, fierce, at fearless na estilo ng pagtatanong. Sa harap man ng senador, spokesperson, o sinumang makapangyarihan, hindi siya tumitiklop. Diretsahan kung diretsahan—basta mahalaga ang tanong, at para sa katotohanan. Sa episode na ito, nakilala rin natin ang tao sa likod ng journalist. Napag-usapan namin ang kanyang background, education, at ang impluwensiya ng pamilyang pinagmulan niya— isang pamilya ng historians, academics, at public intellectuals. Ikinuwento rin niya kung paano niya hina-handle ang tough interviews with tough personalities, kung paano siya naghahanda bago ang isang panayam, at kung paano niya pinapangalagaan ang integridad ng kanyang trabaho. Napunta rin ang usapan sa kanyang reputation bilang “maldita” sa harap ng camera, at kung bakit minsan kailangan talagang maging matigas at matatag— pero sa dulo, mabait pa rin para sa bayan. Sa gitna ng mga mabibigat na balita at mga nangyayari sa politika, napag-usapan din namin ang pag-asa at pangamba para sa bansa, at kung ano ang dapat gawin ng mga Pilipino habang papalapit ang 2028 national elections. Naglapag din tayo ng isang hypothetical na tanong: kung magkaharap sila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Hague, ano-ano ang itatanong niya? Masaya at makabuluhang usapan. Hindi ako kinabahan, promise. Listen up, yo.

    1h 36m

Ratings & Reviews

4.8
out of 5
18 Ratings

About

Linya-Linya founder, Creative Director and former Presidential Speechwriter Ali Sangalang hosts this pun-filled variety podcast show on Filipino life, arts & culture. With solo segments and various guests mula sa iba’t ibang linya ng buhay– matututo ka, matutuwa, at matatawa. BOOM! Best pakinggan habang naghuhugas ng pinggan. Listen up, yo! For partnership opportunities and collaborations, please contact: info@thepodnetwork.com

You Might Also Like