Pathways of Hope

POH Team

Listen. This is your Online Daily Bible Reflections given by a Hopegiver. A ministry brought to you by Pathways and Ang Ligaya ng Panginoon (LNP) Catholic Charismatic Community.

  1. 5d ago

    LANDAS NG PAG-ASA : “IISANG PAGKAKATAON”

    MIYERKULES, Hunyo 3, 2026 Miyerkules ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kina San Carlos Lwanga at mga Kasama, mga martir LANDAS NG PAG-ASA : “IISANG PAGKAKATAON” [MABUTING BALITA]: MARCOS 12: 18 - 27 Noong panahong iyon, may ilang Saduseo na lumapit kay Hesus. Ang Saduseo ay naninindigan na hindi muling bubuhayin ang mga patay. “Guro,” anila “naglagda po si Moises ng ganitong batas para sa amin: ‘Kung mamatay ang isang lalaki at maiwang walang anak ang kanyang asawa, ang kapatid na lalaki’y dapat pakasal sa balo upang magkaanak sila para sa namatay.’ May pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, at namatay na walang anak. Napakasal sa balo ang pangalawa, at namatay na wala ring anak. Gayun din ang nangyari sa pangatlo at sa mga sumusunod pa: isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid, at sila’y namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha’y namatay rin ang babae. Ngayon, sino po sa pito ang kikilalanin niyang asawa sa muling pagkabuhay, yamang napangasawa niya silang lahat?” Sumagot si Hesus, “Maling-mali kayo. Alam ninyo kung bakit? Hindi ninyo nababatid ang mga Kasulatan ni ang kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat sa muling pagkabuhay, ang mga tao’y hindi na mag-aasawa; sila’y magiging tulad ng mga anghel sa langit. Tungkol naman sa muling pagkabuhay – hindi pa ba ninyo nababasa sa aklat ni Moises ang tungkol sa nagliliyab na mababang punongkahoy? Ganito ang nasusulat na sinabi ng Diyos kay Moises. ‘Ako ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac at ang Diyos ni Jacob.’ Ngunit ang Diyos ay hindi Diyos ng mga patay, kundi ng mga buhay. Maling-mali kayo!” Pagninilay ni Edwin Cano : Director, Consulting (Electric Power System Planning and Operations); Member, Brotherhood of the King and The Heart of Mary prayer groups. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

    4 min
  2. 5d ago

    LANDAS NG PAG-ASA : “IBIGAY ANG PARA SA DIYOS”

    MARTES, Hunyo 2, 2026 Martes ng Ika-9 na Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kina San Marcelino at San Pedro, mga martir LANDAS NG PAG-ASA : “IBIGAY ANG PARA SA DIYOS” [MABUTING BALITA]: MARCOS 12: 13 - 17 Noong panahong iyon, ilang Pariseo at ilang kampon ni Herodes ang pinapunta kay Hesus upang siluin siya sa kanyang pananalita. Lumapit sila sa kanya at ang sabi, “Guro, nalalaman po naming kayo’y tapat at walang pinangingimian, sapagkat pareho ang pagtingin ninyo sa lahat ng tao. At itinuturo ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos sa mga tao. Naaayon po ba sa Kautusan ang pagbabayad ng buwis sa Cesar? Dapat ba kaming bumuwis o hindi?” Ngunit batid ni Hesus na sila’y nagkukunwari, kaya’t sinabi niya sa kanila, “Bakit ba ibig ninyo akong siluin? Bigyan ninyo ako ng isang denaryo. Titingnan ko.” At kanilang binigyan siya. “Kaninong larawan at pangalan ang nakaukit dito?” tanong ni Hesus. “Sa Cesar po,” tugon nila. Sinabi ni Hesus, “Ibigay ninyo sa Cesar ang sa Cesar, at sa Diyos ang sa Diyos.” At sila’y namangha sa kanya. Pagninilay ni Ryan Santos : Associate Director (Group Manager) for Business Intelligence and Insights. Service Head for Evangelization - Young Couples. Pastoral Leader and Covenanted Member - Bale Ning Ginu (Pampanga). #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

    3 min
  3. 6d ago

    LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO”

    LUNES, Hunyo 1, 2026 Lunes ng Ika-9 Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay San Justino, martir LANDAS NG PAG-ASA : “KATAWAN KO, KARAPATAN KO” [MABUTING BALITA]: : MARCOS 12: 1 -12 Noong panahong iyon, nagsimulang magsalita si Hesus sa mga punong saserdote, mga eskriba, at matatanda ng bayan sa pamamagitan ng mga talinghaga. Sinabi niya, “May isang taong nagtanim ng ubas sa kanyang bukid, at binakuran niya ito. Humukay siya ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang mataas na bantayan. Pagkatapos, iniwan niya ang ubasan sa mga kasama, at siya’y nagtungo sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon ng pitasan, pinapunta niya ang isa niyang utusan upang kunin sa mga kasama ang kanyang kaparte. Ngunit sinunggaban ng mga kasama ang utusan, binugbog, at pinauwing walang dala. Ang may-ari’y nagpapunta uli ng ibang utusan, ngunit kanilang pinukpok ito sa ulo, at dinusta. Nag-utos na naman siya sa isa pa, ngunit pinatay nila ang utusang iyon. Gayun din ang ginawa nila sa marami pang iba: may binugbog at may pinatay. Iisa na lang ang natitira na maaaring papuntahin sa kanila – ang kanyang minamahal na anak. Ito ang kahuli-hulihang pinapunta niya. ‘Igagalang nila ang aking anak,’ wika niya sa sarili. Ngunit ang mga kasama’y nag-usap-usap, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin at nang mapasaatin ang kanyang mamanahin.’’ Kanilang sinunggaban siya, pinatay at itinapon sa labas ng ubasan. “Ano ngayon ang gagawin ng may-ari ng ubasan? Paroroon siya at papatayin ang mga kasamang iyon, at ang ubasa’y ibibigay sa iba. Hindi pa ba ninyo nababasa ang nasasaad sa Kasulatan? ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagtayo ng bahay Ang siyang naging batong panulukan. Ginawa ito ng Panginoon, At ito’y kahanga-hanga!’” Tinangka ng mga pinuno ng mga Judio na dakpin si Hesus, sapagkat nahalata nilang sila ang pinatatamaan sa talinghagang iyon. Ngunit takot naman sila sa mga tao; kaya’t hindi nila siya inano at sila’y umalis. Pagninilay ni Adrian Bondoc : Human Resources and Training Consultant. Executive Producer-Kakaiba Ka! Ministry. Covenanted member-Ang Ligaya ng Panginoon Community. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

    5 min
  4. 6d ago

    PATHWAYS OF HOPE: “JESUS, THE CORNERSTONE”

    MONDAY, June 1, 2026 Monday of the Ninth Week in Ordinary Time Memorial of Saint Justin, martyr Memorial of Saint John Baptist Scalabrini PATHWAYS OF HOPE: “JESUS, THE CORNERSTONE” [GOSPEL OF THE DAY]: MARK 12: 1 - 12 Jesus began to speak to the chief priests, the scribes, and the elders in parables. "A man planted a vineyard, put a hedge around it, dug a wine press, and built a tower. Then he leased it to tenant farmers and left on a journey. At the proper time he sent a servant to the tenants to obtain from them some of the produce of the vineyard. But they seized him, beat him, and sent him away empty-handed. Again he sent them another servant. And that one they beat over the head and treated shamefully. He sent yet another whom they killed. So, too, many others; some they beat, others they killed. He had one other to send, a beloved son. He sent him to them last of all, thinking, 'They will respect my son.' But those tenants said to one another, 'This is the heir. Come, let us kill him, and the inheritance will be ours.' So they seized him and killed him, and threw him out of the vineyard. What then will the owner of the vineyard do? He will come, put the tenants to death, and give the vineyard to others. Have you not read this Scripture passage: The stone that the builders rejected has become the cornerstone; by the Lord has this been done, and it is wonderful in our eyes?" They were seeking to arrest him, but they feared the crowd, for they realized that he had addressed the parable to them. So they left him and went away. Reflection by Adrian Menezes: Software engineer. Full time missionary-Christ’s Youth in Action (CYA) University of Santo Tomas. From Mumbai, India. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

    7 min
  5. May 30

    LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KATOTOHANAN KAY KRISTO”

    SABADO, Mayo 30, 2026 Sabado ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon Paggunita kay Santa Juana ng Arko, dalaga at martir LANDAS NG PAG-ASA : “ANG KATOTOHANAN KAY KRISTO” [MABUTING BALITA]: : MARCOS 11: 27 - 33 Noong panahong iyon, pumunta na naman si Hesus at ang mga alagad sa Jerusalem. Samantalang si Hesus ay naglalakad sa templo, nilapitan siya ng mga punong saserdote, ng mga eskriba, at ng matatanda ng bayan. Tinanong siya, “Ano ang karapatan mong gumawa ng mga bagay na ito? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang ito?” Sumagot si Hesus, “Tatanungin ko rin kayo. Pag sinagot ninyo ako, saka ko naman sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga bagay na ito. Kanino nagmula ang karapatan ni Juan upang magbinyag – sa Diyos ba o sa mga tao?” At sila’y nag-usap-usap: “Kung sabihin nating mula sa Diyos, itatanong naman niya sa atin, ‘Bakit hindi ninyo siya pinaniwalaan?’ Ngunit kung sabihin nating mula sa tao,” natatakot naman sila at baka kung ano ang gawin sa kanila ng mga tao, sapagkat kinikilala ng lahat na si Juan ay isang propeta. Kaya’t sumagot sila kay Hesus, “Hindi namin alam!” Sinabi ni Hesus sa kanila, “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung ano ang karapatan kong gumawa ng mga ginawa ko.” Pagninilay ni Eric Rivas: Director of Services for a multinational company. Pastoral Leader and District Coordinator - Ang Ligaya ng Panginoon. #POHopgiver #LandasngPagasa #catholic #biblereadings #jesus #catholicchurch #christian #church #faith #god #jesuschrist #love #pray #bible #christianity #prayer #hope #gospel

    5 min

About

Listen. This is your Online Daily Bible Reflections given by a Hopegiver. A ministry brought to you by Pathways and Ang Ligaya ng Panginoon (LNP) Catholic Charismatic Community.