Think About It by Ted Failon

105.9 True FM

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

  1. -17 Ч

    Purgahin ang gobyerno! (Aired October 17, 2025)

    Sa isang panayam, sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na kung siya ang tatanungin, bubuwagin at magtatayo na lang siya ng bagong Department of Public Works and Highways dahil paano mo lilinisin ang ahensya kung buong Pilipinas ay may korap na DPWH officials. Pero paano ba ang sistema ng korapsyon sa DPWH? Sino-sino ba ang lumalabas na mastermind o proponent, at nakakakuha ng mas malaking parte sa kickback? Lumitaw na sa napanood nating mga privilege speech, at ibinulgar na rin ng mga dating opisyal at kawani ng DPWH na ang kanilang nagiging patron sa kickback ay ang mga mambabatas na naglalaan ng mga pondo sa iba't ibang proyekto ng DPWH na siya namang pinanggagalingan ng kinukulimbat nilang pera ng bayan. Kung gayon, hindi ba't buong Kongreso ay dapat na ring buwagin? Kung totoo ang sinasabi ng Senate President, House Speaker, Ombudsman, at ng Pangulo, na susugpuin nila ang korapsyon, mag sanib pwersa sila sa pagpupurga sa Kongreso ng Pilipinas. Isapubliko ang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth ng lahat ng senador at kongresista. At kung malinaw na hindi tugma ang kinikita sa marangyang buhay ng isang mambabatas, sampahan agad ng kaso sa ilalim ng Republic Act 1379–The Law of Forfeiture of Ill-Gotten Wealth. Pero sa totoo lang, sa napakalaking iskandalong ito ng korapsyon na talagang nagpapagalit sa bayan, kailangan na ring purgahin ang marami pang ahensya sa gobyerno. Malawakang pagpupurga ang tanging makapagtatama sa takbo ng pamahalaan ngayon dahil nawala na ang tiwala ng bayan. Korapsyon ang nagpabagsak noon sa panahon ni Marcos Sr. Sa mas matinding problema ng korapsyon na kinakaharap ngayon ni Pangulong Marcos Jr., mauulit nga ba ang kasaysayan? Think about it. #TedFailonAndDJChacha

    20 мин.
  2. 18 СЕНТ.

    Baliktarin na ang bandila? (Aired September 16, 2025)

    Mahigit 10 ghost at questionable projects na ang nadiskubre sa distrito ni dating Bulacan 1st DEO District Engineer Henry Alcantara na isa sa mga tinaguriang "BGC BOYS" o Bulacan Group of Contractors na ibinunyag ni Senator Ping Lacson na nagpapatalo umano ng milyon-milyon at nagpapapalit umano ng bilyon-bilyong piso sa mga casino. Pero kahit klaro na ang mga ebidensiya ay hindi pa rin sila pwedeng damputin at ikulong dahil kailangan nilang dumaan sa due process. Ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya naman ay umamin na ang kanilang siyam na construction companies ang naglalaban-laban sa mga bidding ng government projects kung saan ay nagbibigay sila ng hanggang 30 porsyento bilang komisyon sa proyekto para sa mga taga DPWH at ilang opisyal ng gobyerno. Pero kailangan pa nating maghintay na pormal silang makasuhan para magsimula na ang due process. Oo nga at nakapagbuo ng Independent Commission on Infrastructure ang Pangulong Marcos Jr., subalit ang lahat ng kanilang impormasyon, dokumento, testimonya, ebidensya at rekomendasyon ay babagsak pa rin sa Ombudsman kung saan maaaring abutin ng ilang linggo, ilang buwan, ilang taon bago sila magdesisyon. At sakali mang makarating sa Sandiganbayan ang kaso, ay posibleng abutan din ng ilang mga taon o dekada ang paglalabas ng hatol.  Umiiral ang due process para sa mga tulisan, mga magnanakaw, mga mangungulimbat, mga mandarambong sa perang pinaghihirapan ng bayan, habang ikaw na pangkaraniwang manggagawang Pilipino ay tuloy-tuloy lang sa pagtatrabaho at pag-aambag sa buwis na napupunta sa gobyerno na siya namang kinakamal ng mga diablo. Think about it.

    23 мин.

Об этом подкасте

Sawa ka na ba sa mga mema at hirit na pa-cute lang? Kung ganoon, dito ka na sa mainit at makabuluhang pagtalakay ng mahahalagang isyu sa bansa kasama ang lodi nating si Ted Failon! Pakikinggan at hihimayin niyang mabuti ang pananaw ng magkabilang panig para mas malinawan ang taumbayan. Kaya guys, kinig na! Manong Ted is in the house!

Вам может также понравиться