Studies on the Heidelberg Catechism

Treasuring Christ PH
Studies on the Heidelberg Catechism

Isang series of Bible study lessons (mahigit 50 lessons!) tungkol sa 129 questions and answers ng 1563 Heidelberg Catechism. 

  1. 05/25/2024

    Heidelberg Catechism Lord's Day 7 (Questions 20-23)

    Question 20: Nangangahulugan ba na ang lahat ng mga tao na napahamak kay Adan ay ligtas naman kay Cristo? Hindi, sila lamang na nakaugnay sa Kanya, at tumanggap ng lahat ng Kanyang biyaya sa pamamagitan ng tunay na pananampalataya. Question 21: Ano nga ba ang tunay na pananampalataya? Ang tunay na pananampalataya ay tiyak na kaalaman na kung saan ay tinatanggap kong totoo ang lahat ng inihayag ng Diyos sa atin sa Kanyang Salita. At saka ito rin ay matatag na paninindigan na hindi lamang sa iba kundi pati ako ay pinagkalooban ng Diyos ng kapatawaran ng mga kasalanan, walang hanggang katuwiran at kaligtasan buhat lamang sa biyaya at alang-alang lamang sa kabutihang dulot ni Cristo. Ang pananampalatayang ito ay isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa aking puso sa pamamagitan ng ebanghelyo. Question 22: Kung gayon, ano nga ba ang dapat na panampalatayanan ng isang Kristiyano? Lahat ng ipinangako sa atin sa ebanghelyo, na siyang itinuturo sa atin ng mga artikulo ng ating laganap at walang-alinlangang pananampalatayang Kristiyano sa binuod na pamaraan. Question 23: Anu-ano ang mga artikulong ito? Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat na lumalang ng langit at lupa. Ako’y sumasampalataya kay Jesu-Cristo, Kanyang Bugtong na Anak at ating Panginoon; na ipinaglihi sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu at isinilang ng birheng si Maria, nagdusa sa sa ilalim ng paglilitis ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay at inilibing; nanaog Siya sa impiyerno; sa ikatlong araw ay nabuhay na muli mula sa mga patay; umakyat Siya sa langit at naluklok sa kanang kamay ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat; mula roon ay babalik Siyang muli upang hatulan ang mga buhay at ang mga patay. Ako’y sumasampalataya sa Banal na Espiritu, sa Banal na Iglesyang Laganap, sa kapulungan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng katawan, at sa buhay na walang hanggan.

    1h 27m

About

Isang series of Bible study lessons (mahigit 50 lessons!) tungkol sa 129 questions and answers ng 1563 Heidelberg Catechism. 

To listen to explicit episodes, sign in.

Stay up to date with this show

Sign in or sign up to follow shows, save episodes, and get the latest updates.

Select a country or region

Africa, Middle East, and India

Asia Pacific

Europe

Latin America and the Caribbean

The United States and Canada